You are on page 1of 23

Mount Carmel College of Escalante, Inc.

Carmelite Street, Escalante City


Basic Education Department

Subject FILIPINO Quarter No. 2

Grade Level 8 Section

Chapter
Module No. 5 3
No.
November 16 -
Lesson No. 7 Date
20, 2020
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
Content
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt
Standard
at sa Kasalukuyan.
Performance Ang mag-aaral ay nakasusulat ang sariling tula sa alinmang
Standard anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang


Learning napipili ang mga pangunahin at
Code F8PB-IIa-b-24
Competencies pantulong na kaisipang nakasaad sa
binasa

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:


Specific
 Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang
Learning
nakasaad sa binasa
Outcomes
 Nasusuri ang ilang tiyak na bahagi ng tulang nabasa.

PANGKALAHATANG MGA PANUTO:


Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto. Sagutan ang lahat ng mga
sumusunod na gawain sa bawat bahagi ng modyul na ito at ilagay sa isang
kapirasong papel ang inyong mga sagot.

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
1|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

ARALIN 7 Tula, Anyo ng Salita

INTRODUKSYON

Bilang tao, mayroon tayong iba‟t ibang tungkulin na dapat gampanan bilang anak
ng ating mga magulang, mag-aaral sa paaralan, maging sa ating pagiging
mamamayang Pilipino. Isang mahalagang tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino
ang pakikisangkot sa mga isyu at suliraning panlipunan ng Pilipinas at ng daigdig
upang maging bahagi ng solusyon nito.

Simulan Natin

PANIMULANG GAWAIN 

PANUTO: Ano-ano na ang nagawa mo para sa inyong pamayanan? Maglagay ng


check () bago ang bilang kapag nagawa mo na ito.

1. Tumulong sa paglilinis ng lansangan


2. Naghiwalay ng mga basura ayon sa uri nito
3. Nagtapon ng basura sa wastong lalagyan
4. Nagtanim ng mga halaman at puno
5. Tumulong sa proyektong pangkabataan
6. Nagturo sa mga batang hindi pumapasok sa paaralan
7. Nagbahagi ng baon (pera o pagkain) sa nangangailangan
8. Tumulong sa mga gawaing pansimbahan
9. Nakiisa sa kampanyapg pakikinabangan ng komunidad
10. Naging lider sa pagwawasto ng mga maling gawain sa pamayanan

ANALISIS

Ang paggawa ng mabuti sa ating bayan, malaki man o maliliit lang na bagay, ay
may malaking tulong at pakinabang sa ating lipunan. Hindi mo lamang ginagawa ang
para sa bayan kung di maging sa iyong mga kababayan at sa susunod pang
henerasyon. Ika nga, ang ginagawa ng henerasyon ngayon ay bukas ng hinaharap.
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
2|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

TALAKAYAN

Alam mo ba?
Isinilang ang di-mabilang na bayani kasabay ng
pagsilang ng hindi rin mabilang na manunulat. Kabilang
dito si Amado V. Hernandez, ang tinaguriang "Makata ng
mga Manggagawa." Minsan siyang nakulong dahil sa
salang sedisyon. Dahil dito, lalong nag-apoy ang kaniyang
panulat. Sa marami niyang tula at nobela, makikita ang
damdaming makabayan. Kabilang dito ang lantaran ngunit
makatarungang poot niya sa pagiging tila isang kolonya ng
Estados Unidos ang Pilipinas.
Ginawaran si Ka-Amado ng titulong Pambansang Alagad ng Sining noong 1973,
limang taon matapos niyang sumakabilang-buhay. Matagal-tagal na ring pumanaw
ang manunulat, subalit patuloy na kinikilala ang kaniyang pagkamakabayan, lalo na
sa tula niyang,“"Kung
Kung Tuyo
Tuyonana
angang
LuhaLuha
Mo, Aking Bayan" Bayan”
Mo, Aking
Amado V. Hernandez

Basahing at Unawaing Mabuti

“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan”


Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo'y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki'y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, na aliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
3|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

lluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo'y pampahirap, sa banyaga'y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana'y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa'y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo‟y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Nakalaya na lagot ang tanikala ng Inang bayan,


May pag-unlad at malaya nang nakawagayway ang bandila ng Pilipinas
Pilipinong nagmamay-ari ng sariling negosyo

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha't ang laya mo'y nakaburol.

May araw ding ang luha mo'y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo!

Kasanayan sa Pagbasa

Tula

Isang anyo ng panitikan ang tula. Naglalarawan ito ng buhay, nagpapahayag ng


mararangal na damdamin, o kaya ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga piling-pili at maririkit na salitang inihahanay nang may kariktan.

May dalawang anyo ang tula:

1. Malayang taludturan
Ang anyong ito ng tula ay hindi sumusunod sa patakaran ng sukat at
tugma ngunit pinanatili ang kariktan at paggamit ng matatalinghagang
pahayag. Nakilala ang anyong ito nang isulat ni Alejandro G. Abadilla, isang
mahusay na makata sa kanyang panahon, ang tulang "Ako ang Daigdig."

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
4|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

2. Tradisyonal
Ito ang anyong nakagisnan na sa panulaang Pilipino. Gumagamit ito at
sumusunod nang mahigpit sa tuntunin ng sukat, tugma, at paggamit ng mga
pahiwatig at matatalinghagang pananalita. Tinatawag na taludtod ang bawat
linya ng tula. Ang kalipunan ng mga taludtod ay taludturan o saknong.

May Apat na Elemento ang Tula

1. Sukat
Tumutukoy ito sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod o ang bawat
linya ng tula. Ang kalipunan ng mga taludtod ay taludturan o saknong.

Halimbawa:
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Lu/mu/ha/ka, ha/bang si/la ay pa/la/long nag/di/ri/wang,
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Sa li/bi/ngan ng ma/li/it, ang ma/la/ki'y may li/bi/ngan;
2. Tugma
Tumutukoy ito sa pagkakasintunugan ng huling pantig ng huling salita sa
bawat taludtod ng isang saknong.

Halimbawa:
May araw ding ang luha mo'y masasaid, matutuyo,
May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punglo!
3. Sining o Kariktan
Tumutukoy ito sa paggamit ng Pili, angkop, at maririkit na salita.

Halimbawa:

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ginamit ang salitang luha kaysa sa iyak. Pansinin ang pagkakaiba ng
pagpapahiwatig kung sakaling ang salitang-ugat na iyak ang ginamit.
Umiyak ka, aking Bayan, buong lungkot mong iiyak
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
5|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

4. Talinghaga

Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga


tayutay upang higit na maging masining ang tula. Ang tayutay ay sadyang
paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya nagiging
malalim at piling-pili ang mga salita nito.
Halimbawa:
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,

Kasanayang Pangwika

Anyo ng mga Salita


Nakatutulong ang paggamit ng wastong anyo ng salita sa paglalahad ng kaisipan
at pagbuo ng salita. Sa pamamagitan nito, napipili ang mga salitang angkop na angkop
sa nais ipahiwatig ng tula.

1. Payak - Binubuo ito ng salitang-ugat lamang


Halimbawa: araw, pula, buhay, sinag, saya
2. Maylapi - Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: kaarawan, mapula, binuhay, nasinagan, masaya
3. Inuulit - Maaaring inuulit ang buong salita o bahagi lamang nito; maaaring
may panlapi o salitang-ugat lamang.

Halimbawa: araw-araw, mapula-pula, buhay-buhayin, sisinagin, sasaya


4. Tambalan - Binubuo ito ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng
isa pang salita.
Halimbawa: anak-araw, buhay-alamang, bahaghari, hampaslupa

Panoorin ang mga sumusunod na video gamit ang link sa ibaba para sa
dagdag kaalaman!
https://www.youtube.com/watch?v=Ngwcl0iZbiQ
https://www.youtube.com/watch?v=BnvrIeZG7oA
https://www.youtube.com/watch?v=wdQfQw-OdLs

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
6|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Payabungin Natin ang Kaalaman

PAGLALAPAT 

GAWAIN 1 
PANUTO: Mula sa binasang teksto, sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ito
sa isang kapirasong papel.

1. Tungkol saan ang tulang binasa?


2. Ano ang dramatikong sitwasyong ipinahihiwatig nito?
3. Sina Huli at Sisa ay kapuwa mga tauhan sa nobelang “Noli Me tangere” ni
Jose Rizal. Dahil sa kahirapan, parehong hindi maganda ang sinapit nila sa
buhay. Batay sa mga linyang sipi, ipaliwanag kung sino o anong sektor ng
lipunan ang tinutukoy rito at ang kahulogan nito.
4. Sa kabuoan ng tula, ano ang pinaiiral nitong damdamin? Ano ang
inaasahan ng may-akda na maging tugon ng kaniyang mambabasa?
5. Pumili ng dalawang taludtud na nakapukaw ng inyong damdamin at
ipaliwanag kung bakit.

RUBRIK SA PAGLALAPAT

Kailangan pa ng
Kriteria Napakahusay Mahusay pagsasanay Puntos
(3 puntos) (2 puntos) (1 punto)
Napakahusay ng Maayos ang pagkakabuo Hindi maayos ang
pagkakabuo at ng mga ng mga ideya sa ibinigay organisasyon ng
Organisasyon
ideya sa ibinigay na sagot na sagot ideya sa mga
pahayag.
Napakahusay ng Halos walang mali sa Maraming mali sa
pagkakagamit ng wikang pagkakagamit ng wikang pagkakagamit ng
Balarila Filipino at walang mali sa Filipino at walang mali sa wikang Filipino at sa
pagbaybay at gamit ng pagbaybay at gamit ng pagbaybay at gamit
balarila. balarila. ng balarila.
Malinaw na sumasagot sa Malinaw na sumasagot sa Hindi malinaw at
mga tanong ang mga tanong ang maligoy ang
Kalidad ng
impormasyon inilahad. impormasyon inilahad pagkakalahad ng
Impormasyon
Hindi maligoy ang ngunit maligoy ang impormasyon
pagkakalahad ng mga ito. pagkakalahad ng mga ito. hinihingi.
KABUOANG PUNTOS

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
7|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

BUOD
 Sa araling ito, nabasa ang isang tula na pinamagatang “Kung tuyo na ang luha
mo, aking bayan” ni Amado V. Hernandez ito ay tungkol sa paghihirap ng inang
bayan dahil sa kasakiman at kasamaan ng tao.

 Mayroong dalawang uri ng tula: malaya at tradisyonal habang mayroon naman


itong apat na pangunahing elemento: sukat, tugma, sining o kariktan at
talinhaga.

 Ang salita ay may apat (4) na anyo: payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Sagutan Mo

PAGTATAYA
PANUTO: Suriin ang sumusunod na mga pantulong na kaisipan. Isulat sa
inyong sagutang papel ang titik ng pinakamalapit na interpretasyon
ng sumusunod na mga pahayag.
1. Pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika
Nagpapahiwatig ito na .

a. naging katatawanan na lamang ang sariling wika


b. hindi na ginamit ng mga mamamayan ang sariling wika
c. wikang dayuhan ang mas pinahalagahan kaysa sa sariling wika
d. iisang wika lamang ang ginamit ng mga dayuhan

2. Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!


Nagpapahiwatig ito na ang taong tinutukoy ay .

a. kusang-loob na sumasang-ayon sa mga pang-aabuso


b. tumatahimik na lamang habang siya ay inaapi
c. lumalaban kapag nadamang pinagsasamantalahan
d. umiiyak na lamang habang tinatapakan ang karapatan

3. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Nagpapahiwatig ito na dapat iyakan ang .

a. labis-labis na pagdurusang nararanasan


b. napakaraming banyagang sumakop sa bansa
c. malungkot na kalagayan ng bayan
d. kamatayan ng maraming bayani ng bayan
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
8|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

4. Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon


Nagpapahiwatig ang pahayag ng .

a. kasiyahan sa buhay c. pagkainip sa ginagawa


b. kawalan ng pag-asa d. katahimikan ng araw

5. Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo


Nagpapahiwatig ang pahayag ng .

a. kasiyahan sa gitna ng isang pangkat


b. kahusayan sa tiyakang pakikidigma
c. katapangan kasama ang maraming tao
d. kalungkutan sa kadiliman ng buhay

Sanggunian

Infantado, Remedios (2019). Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8.


Binagong Edisyon. Rex Book Store, Inc.: Sampaloc, Manila. pp. 132-150

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
9|P age
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Subject FILIPINO Quarter No. 2

Grade Level 8 Section

Chapter
Module No. 5 3
No.
November 23 -
Lesson No. 8 Date
27, 2020

Content Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt
Standard
at sa Kasalukuyan.
Performance Ang mag-aaral ay nakasusulat ang sariling tula sa alinmang
Standard anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nabubuo ang mga makabuluhang F8PN-IIc-d-24
tanong batay sa napakinggang
palitan ng katuwiran

 Naibibigay ang opinyon at F8PB-IIc-d-25


katuwiran tungkol sa paksa ng
Learning balagtasan Codes
Competencies
 Nakapaglalahad sa paraang pasulat F8PU-IIc-d-25
ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
isang argumento

 Nagagamit ang mga hudyat ng F8WG-IIc-d-25


pagsang-ayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:


 Nakabubuo ng mga makabuluhang tanong batay sa
napakinggan;
Specific  Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng
Learning balagtasan;
Outcomes  Naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng bawat
kalahok sa napanood na balagtasan;
 Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat sa paghahayag ng opinyon.

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
10 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

PANGKALAHATANG MGA PANUTO:

Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto. Sagutan ang lahat ng mga
sumusunod na gawain sa bawat bahagi ng modyul na ito at isulat sa isang kapirasong
papel ang inyong mga sagot.

ARALIN 8 Balagtasan, Mga hudyat sa Pagsang-Ayon at Pagsalungat

INTRODUKSYON

Ang batas ay ang mga kumpol ng alituntunin sa pag-aasal na naguutos o


nagbabawal o pareho sa isang natukoy na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao
at kapisanan. Kasama rin dito ang mga kaparusahan sa mga hindi sumusunod sa mga
nakatatag na alituntunin sa pag-aasal. Bilang mamayanan, dapat maunawaan na ang
mga batas ay nilikha upang magkaroon ng disiplina, kaayusan at kapayapaan ang
pamayanan at ang lipunan.

Simulan Natin

PANIMULANG GAWAIN 

PANUTO: Muling alalahanin ang inyong mga naging gawain sa paaralan. Ano
ang inyong naaalala kapag nakikita ninyo ang larawan sa ibaba?
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
11 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

ANALYSIS

Ang piyesang ating babasahin at bibigkasin ay mula sa Rehiyon X na inilahok ng


Iligan City East High School. Nagwagi ito ng unang gantimpala sa antas panrehiyon.
Ang Lakandiwa ay si Sheen Ray P. Valdez at ang mga mambabalagtas ay Sina Ivy
Faith P. Aloy at Rey PJ A. Enerio. Ang mga tagapagsanay ay Sina Ruth B. Casinillo at
Fe B. Reponte. Ang lahat ng balagtasang binigkas sa nasabing timpalak ay buong ingat
na tinipon ni Ginoong Galileo S. Zafra sa aklat na "Pambansang Balagtasan 2008."

Basahing at Unawaing Mabuti

TALAKAYAN

Dapat bang May Uniporme sa Paaralan


Nina Ruth Bendijo-Casinillo, Fe B. Reponte, at Leodigario Pestolante
(May ilang bahaging hindi na isinama sa lathala)

Lakandiwa:
Nariritong panauhin, tagamasid, at prinsipal,
Mga guro, estudyante, mga treynor, at magulang,
Mga pinagpipitaganang lupon nitong tinampalan,
Mapagpala at magandang umaga sa inyong tanan.
Labis akong natutuwa 'pagkat muling nagbabalik
Balagtasan kung tawagin ay palitan ng matuwid.
Dahil dito ay sumigla itong ating pananabik
Na tugunin itong paksang ipupunla't ihahasik.
Isang mutyang hulog-langit na prinsesa sa bigkasan
'sang Adonis na makisig na kampeon sa batutian,
Silang dal'wa'y magtatanggol sa panig ng kagustuhan,
Kaya't síla'y salubungin ng masiglang palakpakan.

Bilang inyong Lakandiwa, pinili ko itong paksa'


Mahalaga at seryoso, sa 'ting utak tumatama'
Dapat bang may uniporme sa iskul na minumutya
'tong mga estudyanteng labas-masok walang takda?
Uniporme'y hinahanap sa estasyon at pabrika,
Sa gusaling pampubliko't pampribado'y requirement na;
Ngunit sa 'ting paaralan, uniporme'y kailangan ba?
Magtatalo'y pumarito kayo'y magpakilala na.

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
12 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Unang Tindig
Mambabalagtas 1 (Dapat)
Maganda't maaliwalas na umaga itong bati'
Mahal naming Lakandiwa na marapat na itangi'
Ako po si Ivy, mambibigkas na napili
Upang ngayon ay humarap para makipagtunggali
Ako'y hindi na bagito sa timpalak balagtasan,
Kayrami nang paligsahan itong aking nilahukan
Sa pag-uwi'y medalya't korona ang tangan-tangan
Patunay 'yan na alam ko itong aking pinasukan.

Kaya naman hiling ko, magiting na Lakandiwa,


Mga puntong ilalahad ay suriing may pithaya,
'pagkat ito ay sa isip at sa puso ko nagmula
Kaya hangad kong magwagi, para sa akin ay biyaya.

Lakandiwa
Sa narinig na mensahe nitong ating paraluman,
Nadama kong siya'y handa sa pakikipagtagisan,
Kaya aking tinatanggap ang lahat ng 'yong kahilingan,
Umasa kang bawat punto ay lagi kong pakikinggan.
Katulad mo ay bulaklak na nagsasabog nitong bango,
Kaya naman sumusunod sa landas mo ay paruparo.
Siya lamang ang nangahas makipagtagisan sa 'yo
Baka naman marahuyo sa ganda mo ang ginoo?

Kung anuman ang layunin, ito ay aking iiwan


'pagkat itong paruparo'y alumpihit parang tandang;
Kaya't magpakilala ka't ikaw'y aming huhusgahan
Kung marapat kang sumabak sa timpalak balagtasan.

Unang Tugon
Mambabalagtas 2 (Hindi Dapat)
Paggalang po Lakandiwa, kapayapaa'y suma'yo
Ang umagang pagkaganda'y iniaalay ko sa iyo
Ngalan ko po'y Rey, taga-lligan City po ako,
Kampeon sa talumpatian, ang pagbigkas ay yaman ko.
Katalo ko ay maganda at tunay na kaakit-akit
Subalit kung bibigkas na, tayo kaya ay maakit?
Sa timpalak balagtasan ang puhuna'y yaong tinig
Kaya na yaong diwang ipinunla at ihasik.
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
13 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Kaya naman kung may hiling katunggaling binibini,


Lingkod ninyo'y may hiling din, Lakandiwang pinupuri,
Kaisipang ilalahad pakasuriing mabuti
'pagkat ito ang marapat, maging gabay ng marami.

Lakandiwa
Itong pagpapakilala, sa isip ko'y may naiwan
Na bihasa ang dalawa sa pagbigkas na larangan,
kaya naman Lakandiwa'y abot-abot ang pag-asam,
pagpapasiya'y maging patas sa pagbigay-kahatutan.
Unang tindig sisimula, lumapit ka paraluman,
Ipagtanggol ang panig mo, iparinig sa „ming tanan,
Bawat punto'y susukatin, bawat tindig pupuntusan
Bawat sagot sa katalo'y mataman kong pakikinggan.

Ikalawang Tindig
Mambabalagtas 1
Noong aking kamusmusan, kayrami kong mga tanong
Daming bakit at paano, wala pa ring mga tugon,
Pagmulat ng mga mata, uniporme'y sumalubong,
Doktor at nars sa ospital ay may identipikasyon.

Nang lumaki'y ipinasok sa publikong paaralan,


Mga gamit sa eskuwela ay kompletong binibilang;
Pagsuot ng uniporme para sa aki'y isang ritwal
Kaya dapat ipasuot sa lahat ng paaralan.

Lakandiwa
Unang tindig, napakinggan at hakayang ipagtanggol
Kung bakit pagsusuot ng uniporme'y di tutol,
Maganda ba'ng pagdadala at sa iyo nauukol
Kaya't pag-uuniporme ikaw ay sumasang-ayon?

Ngayon naman, ang nais ko ay tutulan ang katalo


Ang panig ng binibining sa uniporme'y saludo.
Mabigat ba ang dahilan ng iyong pagrereklamo
At ang pag-uuniporme'y waring isinusuka mo?

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
14 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Ikalawang Tugon
Mambabalagtas 2
Paarala'y may layuning maghasik ng karunungan
Sa lahat ng mag-aaral ng publiko't pribado man,
Paarala'y sinasabing tagahubog nitong asal

Kaya't ito ang pandayan ng talino't kabutihan.


Magsuot ng uniporme ay tiyak bang garantiya
Na ang mga estudyante'y makikilala ng guwardiya?
Uniporme'y dagdag-gastos sa mahirap na pamilya,
Ang pagbili ng pagkain ay siyang dapat inuuna.

Lakandiwa
Unang tindig pa lang ito ngunit tila nag-iinit
Ang dalawang mambibigkas na lagi nang alumpihit,
Paano pa kung ihayag itong ikalawang tindig,
Baka manggalaiti at mawalan ng tinig.
Kaya hayo, hayo kayo't huwag ipagkakaila,
Panig ninyo'y ipagtanggol pahangain buong madla,
At sa bawat paglalahad hindi dapat ikahiya
Kung sa puso ninyo galing, iya'y dapat ikatuwa.

Ikatlong Tindig
Mambabalagtas 1
Katalo ko'y katulad kong hanggang ngayo'y nag-aaral,
Pinalaki ng magulang, umandukha'y paaralan,
Simula pa nang magkinder hanggang sa kasalukuyan,
Nakilalang masunurin sa utos ng paaralan.

Kasama sa kasunduang pinirmahan ng magulang'


Uniporme'y nakasuot sa loob ng paaralan,
Magsisilbing susi ito ng pagkakakilanlan,
Seguridad ang layunin kaya't ligtas yaring buhay.
Gusto mo ba ang buhay mo ay laging nasa panganib
Dahil walang uniporme'y labas-masok sa paligid?
O, ibig mong makatapos nang pangarap ay makamit?
Katalo ko, ikaw naman sana ay mag-isip-isip.

Ikatlong Tugon
Mambabalagtas 2
Kayrami nang mag-aaral lagi na lang nahuhuli
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
15 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Sapagkat bago pumasok pinaplantsa ang uniporme,


Kayrami nang kasong drop-out di malutas, dumarami
Dahil hindi makapasok, uniporme'y sinisisi.

Kaya itong uniporme, pangmayaman, di pangmasa


Sa publikong paaralan pampabutas lang ng bulsa,
Mga aklat, pahayagan, photocopy'y paalam na
llalaan ang salapi sa unipormeng pamporma.

Lakandiwa
Bilang inyong Lakandiwa'y marapat lamang pumagitna
Upang palamigin ang init na nagbabadya,
'pagkat sa'king pakiwari tila kayo aso't pusa
Na pagtahol at pagngiyaw ang puhunang sumasala.

Kaya upang madagdagan itong puntong kailangan,


Ang ikatlong tindig naman atin ngayong huhusgahan;
Huling hirit ay ibuhos at 'wag nang mag-alinlangan,
Panig ninyo ay magaling iya'y dapat patunayan.

Rebuttal
Mambabalagtas 1
Kayrami nang mga kasong nabigyan ng hustisya
Tulad nitong kidnap-ransom sa estudyanteng maykaya,
Kung hindi sa uniporme ay hindi makikilala
Kung saan bang paaralan nag-aaral ang biktima.
Pasasalamat sa media't mga pulis na nagbantay,
Karaka-rakang natugis ang may kasalanan,
Unipormeng suot-suot ng biktima'y naging daan
Upang hangad na hustisya'y makamit nang buong dangal.

Mambabalagtas 2
Hustisya mong hinahangad naging daa'y uniporme?
Mali yata ang konseptong natanim sa binibini,
Katarunga'y nasa batas, nasa taong nagsisilbi
Nang may laang katapatan sa bayan mo't sa sarili.
Uniporme'y di simbolo upang buhay ay umunlad
Pagkatapos na mag-aral sa kolehiyong nililiyag,
Puhunan ng bawat isa ay talino, tiyaga't sipag
At hindi unipormeng balang araw ay kukupas.

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
16 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Mambabalagtas 1
Nalimutan ng katalo ikaw'y di makapag-aral
Kung wala ang unipormeng susuutin araw-araw.

Mambabalagtas 2
Nalimutan mo rin yata uniporme'y hindi batas
Kundi kautusan lamang nitong ating paaralan

Mambabalagtas 1
O, sa iyo na nanggaling na iyan ay kautusan
Kaya't dapat mong sundin 'pagkat ikaw'y mag-aaral.

Mambabalagtas 2
Walang nabibilanggong estudyante na ayaw mag-uniporme
Pero may nakakasuhan sa pamimilit sa estudyante.

Mambabalagtas 1
Pag ikaw ay naaksidente at walang uniporme,
Sino'ng pupuntahan? Sino'ng pagtatanungan?

Mambabalagtas 2
May I.D. ako kaya't di kailangan ang uniporme.

Mambabalagtas 1
Dapat nakauniporme ka!

Mambabalagtas 2
Wala akong pambili!

Mambabalagtas 1
Bagong t-shirt at sapatos, paano ka nakabibili?

Mambabalagtas 2
Pamporma ko eh. Di ako makaporma kapag nakauniporme!

Lakandiwa
Tigil, huminahon kayo, itigil na ang iringan
At baka nga kung saan pa mauwi ang usapan,
Ang pagtatalong naganap tinawag na balagtasan,
Hindi ito pag-aaway lalong di pagbabangayan.

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
17 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Dahil dito ay tapos na ang palitan ng matuwid


Matapos na mailahad ang napili ninyong panig,
Kaya bilang Lakandiwa ang hatol ko ay isang hibik
Ang pasiya ko'y magsisilbing kahatulan nitong langit.

Bawat isa ay may punto, bawat punto'y minarkahan


Nang ayon sa paniwala't sariling paninindigan,
Ngunit dapat na mabatid sa alinmang balagtasan,
Mahalaga'y kaisipan na sa ami'y maiiwan.

Kahit saan ka tumungo, sa pabrika, sa paaralan,


Sa ospital, munisipyo, pamilihan at terminal,
Sa pribadong institusyon, bahay-pampamahalaan
Mga taong labas-masok, uniporme'y kasuotan.

Mangyari nga silang lahat may pinaniniwalaan,


Mahalaga itong buhay 'pagkat nag-iisa lamang,
Seguridad at hustisya, kalayaa't karapatan
Matatamo ng sinumang sa sarili'y nagmamahal.

Dahil dito, napagpasiyahang nararapat magkaroon


Unipormeng isusuot kahit saan ka pumaroon,
Lalo't higit sa paaralang may magandang nilalayon,
Uniporme ay simbolo ng pag-asang nanghahamon.

Kaya naman ang parangal, aking 'pinagkaloob


Sa panig ng nararapat uniporme ay isuot,
Bilang inyong Lakandiwa huling hiling na kasunod
Palakpakan natin sila, nang may dangal at lugod.

Kasanayan sa Pagbasa

Balagtasan
Isang anyo ng panulaan ang balagtasan. Hinango ang salita sa pangalan ni
Francisco Balagtas bilang pagpaparangal sa dakilang manunulat. Si Balagtas ay
tinaguriang "Ama ng Panulaang Tagalog." Naging inspirasyon ng maraming bayani ang
kanyang akdang "Florante at Laura."

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
18 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig tungkol


sa isang paksa. Ipinahahayag ng mga manunula o mambabalagtas ang mga saloobin o
pangangatuwiran sa paraang patula.
Naganap ang unang balagtasan noong Abril 6, 1924. Ibinatay ang anyo nito sa
mga naunang uri ng patulang pagtatalo tulad ng karagatan, huwego de prenda, at
duplo. Ang mga kasali ay nagpapatalinuhan ng paghabi at pagpapahayag ng mga
patulang pangangatuwiran. Nagbibigay ito ng aliw sa pamamagitan ng katatawanan,
simpleng pag-aasaran, pambihirang talas ng isip, at dramatikong paglalahad.
Binubuo ito ng tatlong manunula; ang dalawang magtatangol sa magkasalungat na
panig at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa. Kadalasan may hiwalay na
hurado na siyang magpapasiya kung sino ang mananalo.

Kasanayang Pangwika

Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat


Sa pagsasalita, ang galaw ng katawan gaya ng pagtango at pag-iling ay
nagsisilbing hudyat ng pagsang-ayon o pagsalungat. Nagsisilbing hudyat din ang tono,
himig, at diin ng pagsasalita na maaaring gamitan ng mababa o mataas na boses
batay sa paraan ng pagpapahayag.
Sa paglalahad ng sariling pananaw at saloobin sa anyong pasulat, mahalagang
malaman ang mga salitang magbibigay ng hudyat ng iyong pagsang-ayon o
pagsalungat sa puntong iyong nabasa o napakinggan.

1. Pang-ugnay na sumasang-ayon
Naghuhudyat ito ng pagpayag o pagpanig sa isang pananaw o punto.
Karaniwang ginagamit ang mga salitang oo, opo, totoo, tunay, talaga, tama, at
iba pang kauri nito.
Halimbawa: Totoong uniporme kailangan ng madla
Kaya isuot mo nang may ngiti at may kusa.

2. Pang-ugnay na Sumasalungat
Naghuhudyat ito ng hindi pagpanig o hindi pagsang-ayon. Nagpapakita rin ito
kung paano nagkakaiba ang dalawang ideya. Karaniwang ginagamit ang mga
salitang tulad ng ngunit, datapwat, subalit, bagama't, hindi, at iba pang mga
kauri nito.
Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
19 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

Halimbawa: Bawat isa ay may punto, bawat punto‟y minarkahan


Nang ayon sa paniwala't sariling paninindigan,
Ngunit dapat na mabatid sa alinmang balagtasan,
Mahalaga'y kaisipan na sa ami'y maiiwan.

Panoorin ang mga sumusunod na video gamit ang link sa ibaba para
sa dagdag kaalaman!
https://youtu.be/Dj1hOX1CMJU
https://www.youtube.com/watch?v=Yx7uufX0M6o&t=606s
https://www.youtube.com/watch?v=wdQfQw-OdLs

Payabungin Natin ang Kaalaman

PAGLALAPAT
GAWAIN 1 
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa tekstong nabasa.
Isulat ang inyong sagot sa inyong sagotang papel.
1. Ano ang paksang pinagtalunan? Mahalaga ba ito para sa iyo? Ipaliwanag.
2. Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng sumusunod:
a. Lakandiwa
b. Mambabalagtas 1
c. Mambabalagtas 2
3. Ayon sa mambabalagtas 1, ang pagsusuot ng uniporme ay tulad ng isang
ritwal. Nakikilala kung sino ang nars, doktor at iba pang miyembro ng
lipunan batay sa kanyang suot. Ano ang opinyon mo tungkol dito?
4. Ayon naman sa Mambabalagtas 2, hindi uniporme ang sagot sa tamang
identipikasyon o pagkilala sa tao. Gayundin, dagdag gastos daw ito sa mga
mahihirap na pamilya. Ilahad ang inyong sariling pananaw kaugnay ng
katwirang ito.
5. Aling panig ang sinasang-ayunan mo? Ano sa palagay mo ang mga puntong
higit na dapat bigyang-diin upang maipanalo ang pagtatalo?

(Tingnan sa susunod na pahina ang batayan sa pagpupuntos)

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
20 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

RUBRIK SA PAGLALAPAT

Napakahusay Mahusay Kailangan pa ng


Kriteria (3 puntos) (2 puntos) pagsasanay Puntos
(1 punto)
Napakahusay ng Maayos ang pagkakabuo Hindi maayos ang
pagkakabuo at ng mga ng mga ideya sa ibinigay organisasyon ng
Organisasyon
ideya sa ibinigay na sagot na sagot ideya sa mga
pahayag.
Napakahusay ng Halos walang mali sa Maraming mali sa
pagkakagamit ng wikang pagkakagamit ng wikang pagkakagamit ng
Baralila Filipino at walang mali sa Filipino at walang mali sa wikang Filipino at sa
pagbaybay at gamit ng pagbaybay at gamit ng pagbaybay at gamit
baralila. baralila. ng baralila.
Malinaw na sumasagot sa Malinaw na sumasagot sa Hindi malinaw at
mga tanong ang mga tanong ang maligoy ang
Kalidad ng
impormasyon inilahad. impormasyon inilahad pagkakalahad ng
Impormasyon
Hindi maligoy ang ngunit maligoy ang impormasyon
pagkakalahad ng mga ito. pagkakalahad ng mga ito. hinihingi.
KABUOANG PUNTOS

BUOD
 Sa araling ito nabasa ang isang halimbawa ng balagtasan na may paksang
“Dapat bang may Uniporme sa paaralan?”
 Ang balagtasan ay isang anyo ng panulaan kung saan nagaganap ang pagtatalo
ng dalawang magkaibang panig tungkol sa isang paksa.
 Sa pagsasalita, ang galaw ng katawan gaya ng pagtango at pag-iling ay
nagsisilbing hudyat ng pagsang-ayon o pagsalungat.
 Ang pang-ugnay na sumasang-ayon ay naghuhudyat ng pagpayag o pagpanig sa
isang pananaw o punto.
 Pang-ugnay na Sumasalungat ay naghuhudyat ng hindi pagpanig o hindi
pagsang-ayon.

Sagutan Mo
PAGTATAYA
GAWAIN 2 

PANUTO: Tukuyin kung ano ang angkop na hudyat sa pagsang-ayon at


pagsalungat mula sa kahon sa ibaba ang dapat ihahalili sa patlang sa
pangungusap.

subalit bagaman oo talaga opo tunay tama

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
21 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

1. ka, ang mga kabataan ngayon ay higit na mulat sa mga


nangyayari sa kapaligiran.
2. Maaaring mas malaya nga sila ngayon makikita sa kanilang mga
kilos ang pag-unawa sa responsibilidad nila sa pamayanan.
3. , Ginoong Pangulo panig po ako sa inyong pala-palagay tungkol
sa mga kabataan.
4. , maraming dinaranas na pagsubok ang bayan, lagi silang
umaagapay sa sinumang nangangailangan.
5. nga, handa nilang isakripisyo ang pansariling kaginhawahan para
lamang makatulong.

GAWAIN 3 

PANUTO: Habang nakikinig sa palitan ng pangangatuwiran, isulat ang na apat


makabuluhang tanong na naisip mo. Gamitin ang mga panimulang
parirala na pananong sa ibaba. Gamitin ang link na ito
https://youtu.be/Dj1hOX1CMJU para sa gawain

Halimbawa: Ano ang pangunahing punto ng dalawang magkatungali?

1. Ano ang …
2. Sino ang higit na …
3. Bakit masasabing …
4. Paano mapatutunayang …

RUBRIK SA PAGLALAPAT

Kailangan pa ng Kabuoang
Kriteria Napakahusay Mahusay pagsasanay Puntos
(3 puntos) (2 puntos) (1 punto)
Napakahusay ng Maayos ang pagkakabuo Hindi maayos ang
Organisasyon pagkakabuo at ng mga ng mga ideya para sa organisasyon ng
tanong. tanong. nabuong tanong.
Napakahusay ng Halos walang mali sa Maraming mali sa
pagkakagamit ng wikang pagkakagamit ng wikang pagkakagamit ng
Filipino at walang mali sa Filipino at walang mali sa wikang Filipino at
Baralila
pagbaybay at gamit ng pagbaybay at gamit ng walang mali sa
baralila. baralila. pagbaybay at gamit
ng baralila.
Malinaw na may Hindi gaanong malinaw Hindi malinaw at
Kalidad ng
kaugnayan tanong na na may kaugnayan maligoy ang
Impormasyon
nabuo batay sa tanong na nabuo batay sa pagkakabuo ng mga

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
22 | P a g e
Mount Carmel College of Escalante, Inc.
Carmelite Street, Escalante City
Basic Education Department

impormasyong inilahad. impormasyong inilahad. tanong


Hindi maligoy ang Hindi maligoy ang
pagkakalahad ng mga ito. pagkakalahad ng mga ito
KABUOANG PUNTOS

Sanggunian

Infantado, Remedios (2019). Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8.


Binagong Edisyon. Rex Book Store, Inc.: Sampaloc, Manila. pp. 152 - 176
https://youtu.be/Dj1hOX1CMJU
https://youtu.be/Dj1hOX1CMJU
https://www.youtube.com/watch?v=Yx7uufX0M6o&t=606s
https://www.youtube.com/watch?v=wdQfQw-OdLs

Subject: FILIPINO
Teacher: ANGELA GRACE C. BARQUIN
Contact No.: 09508846402
23 | P a g e

You might also like