You are on page 1of 3

“A La Juventud Filipina”

Salin ito ng tulang “A La Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal


sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingwalong taong
gulang.

Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timnpalak


sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario,
sanahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa
sining. Mga Kastila’t katutubo ang lumahook na sa paligsahan
nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay
humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang
gantimpala.

Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni


Rizal ng kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang
kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang
masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa
ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit
banggitin.

Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino


at ang salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang
mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak
sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.

“A La Juventud Filipina”
SA KABATAAANG PILIPINO.

Itaas ang iyong


Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,


Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.

At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal


Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.

You might also like