You are on page 1of 2

Sa kabataang Pilipino Salin ito ng tulang A La Juventud Filipina na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya y labingwalong

taong gulang. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timnpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, sanahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga Kastila t katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang gantimpala. Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya, na ngayo y isang pariralang malimit banggitin. Sa tula y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang Pilipino ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito. Itaas ang iyong Malinis na noo Sa araw na ito, Kabataang Pilipino! Igilas mo na rin ang kumikinang mong Mayamang sanghaya Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya! Makapangyarihang wani y lumilipad, At binibigyang ka ng muning mataas, Na maitutulad ng ganap na lakas, Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad, Malinis na diwa, sa likmuang hangad. Ikaw ay bumaba Na taglay ang ilaw Ng sining at agham Sa paglalabanan, Bunying kabataan, At iyong kalagiun ang gapos mong iyang Tanikalang bakal na kinatalian Ng matulain mong waning kinagisnan. Ikaw na lagi nang pataas nag lipad, Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap, Na iyong Makita sa Ilimpong ulap Ang lalong matamis Na mag tulaing pinakananais, Ng higit ang sarap Kaysa ambrosia at nectar na awagas Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig Na buhat sa langit, Kaagaw sa tamis Na kay Filomenang Malinis na hiomig, Sa gabing tahimik Ay pinaparam mo ang sa taong sakit, Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas Sa lakas ng iyong diwa y nagagawad Ng buhay at gilas, At ang alaalang makislap Ay nabibigayan ng kamay mong masikap Ng buhay na walang masasabing wakes. At ikaw, na siyang Sa may iba t ibang Balani ni Febong kay Apelas mahal, Gayundin sa lambong ng katalagahan, Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga y Nakapaglilipat sa kayong alinman; Hayo na y tumakbo! Sapagka t ang banal Na ningas ng wani y nais maputungan Kayong naglalama y, At maipamansag ng tambuling tangan, Saan man humanggan, Ang ngalan ng tao, sa di matulusang Lawak ng palibot na nakasasaklaw. Malwalhating araw, Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan! Ang Lumikha y dapat na pasalamatan, Dahilan sa kanyang mapagmahal, Na ikaw y pahatdan.

You might also like