You are on page 1of 2

Salin

A. A la Juventud Filipino

“Sa Kabataang Pilipino”

Ang tulang Sa Kabataang Pilipino ay salin sa tagalog ng tulang A La Juventud Filipino na sinulat
noong 1879 sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labing walong taon pa lamang. Sa tulang ito,
ipinahayag ni Rizal ang kaniyang nag-aalab na damdaming makabansa. Nais ni Rizal na himukin ang
kabataang Pilipino upang linangin ang katalinuhang taglay nito bilang isang Pilipino para sa kauunlad ng
bansang Pilipinas.

Makikita sa unang taludtod ng tula ang mga salitang nagpapakita na ang kabataan ay ang pagasa
ng bayan. Ito ay isang hamon sa mga kabtaang Pilipino na pukawin ang natutulog na damdamin at
imulat ang mga mata sa mga nagaganap sa paligid.

Sa ikatlong talata ay ipinabahatid din niya na gamitin ng kabataan ang karunungan sa agham at
sining upang makawala sa anumang nagpapabagabay ng kanilang damdamin. Ang diwa ng kabataan ay
siyang susi upang mapagtibay at iahon sa kinasasadlakang dilim. Ang “Awit ni Pilomel na sa dusay
gamot” ay nangangahulugan na ito’y isang lunas na parang isang ibong Adarna na nagging gamut sa
karamdaman ni haring Fernando. Maihahalintulad ito sa ninanais ni Rizal na ang kabataan ay siyang
magiging lunas at magpapalaya ng kaniyang lupang sinilangan. Ang mga salitang “O, ikaw, na iyang
pakpak na nais” ay nagsasabing si Rizal ay nagtitiwala sa kabataang Pilipino na maabot nito ang tugatog
ng tagumpay.

Inilahad din sa tulang ito na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipinas! Ay
para sa mamamayan na nakapaloob ditto, hindi ang mga mananakot sa bansang Pilipinas”

B. Junto al Pasig

“Sa Tabi ng Pasig”

Simula tayo ay nilikha sa mundong ito, marami ang tuksong pumapalibot satin, nagtatalo asa
ating isipan ang kabutihan at kasamaan.

Ang dula ni Rizal na pinamagatang Junto al Pasig o “Sa Tabi ng Pasig” sa tagalog ay patungol sa
pagwagi ng kabutihan laban sa kasamaan na dulot ni Satanas at iba pang masasamang element. Ang
tauhan sa dulang ito ay sina Candido, Pascual, at Leonido, koro ng mga bata, mga masasama at si
Satanas.

Ang unang tagpo ay patungkol sa pag-iisip ng mga bata kung ano ang kanilang iaalay kay Maria.
Kinumbinse ni satanas ang tatlong bata upang purihin at sambahin siya ngunit hindi ito nagtagumpay,
nagging masama ang loob nito at tinangkang sakupin ang mundo ng kasamaan at kadiliman.
Maihahalintulad ang tagpuang ito sa mga Pilipino noong panahong sinakop tayo ng mga kastila. Ang mga
Pilipino ay hindi nagpatinag sa pananakot ng mga kastila at nanatiling matatag para sa ating
ipinaglalaban na ating bansang Pilipinas.
Ang mensahe ni Rizal sa dulang ito na ang kabutihan ay siyang mananaig hindi ang kasamaan.
Hinihikayat niya ang lahat ng mambabasa na maging matapang at huwag matakot sa panlilinlang ng
demonyo sa ating kaisipan at mas lalong patatagin ang pananampalataya.

A Filipinas

Ang “A Filipinas” o “Sa Pilipinas” ay isang Soneto na isinulat ni Rizal noong 1880 para sa album
na Society of Sculpture na naglalarawan sa Pilipinas ng kagandahan nito, Tinutukoy niya ang bansang
Pilipinas bilang kaniyang lakambini. Sumasalamin din sa tulang ito ang kaniyang pagmamahal sa
kaniyang bayan at sa mga Pilipino na inalay niya ang sarili niyang buhay para sa Kalayaan nito.

Layunin din ng tula na ito na himukin ang mga artistang Pilipino upang gawing instrument ang
kanilang piyes upang pag-alabin pa ang pagmamahal sa ating bayan.

Ang tulang ito ay nagpapakita ng labis na pagkamakabayan ni Rizal at hindi pagiging madamot sa
bayan na siyang pumukaw sa damdamin ng bawat Pilipino.

El Consejo delos Dioses

Ang “El Consejo delos Dioses” o “Ang Konsero ng mga Diyos” sa tagalog ay isang dula na isinulat
ni Rizal noong siyang labing siyam na taong gulang palamang noong 1880, ipinakita ni Rizal ang
pagkakatulad nila Homer, Virgil at Cervantes. Pinagusapan ng mga diyosa ang pagkakatulad ng kanilang
katangian bilang makata at sa huli ay nagpasya silang ibigay ang trumpeta kay Homer, lira kay Virgil ay
ang laurel kay Cervantes

You might also like