You are on page 1of 6

TRANSCRIPT BALINTOCATOC INTERVIEW

RESTPONDENT 1&2

Question 1 : How did you feel when you found out you had Covid-19 ? Please tell us about your
experience in this regard .

Respondent 1: “ saken normal na lang kase alam ko naman sa sarili ko na may symptoms akong
naramdaman , cough and colds kaya di na ko nabigla sa resulta .

Respondent 2 : “ ako hindi ako nagulat kase first of all sa covid ward ako naka assign tapos nagsi
positive-an na mga kasama ko kaya alam ko nahawa na din ako tapos may symptoms na den ako
nung na-swab ako”

R3: “umiyak , kase di ko naman akalain na magkakaron ng ganon . kase sobrang maingat ako
e ,sobrang hinding hindi ko pinapayagan makalabas anak ko ,ni hindi ko pinapahalobilo , kaya at
the same time galit ako that time kase hindi ko lubos akalain na tatamaan kame ng covid .

Question 2 : what were the most severe physical symptoms you experienced during Covid-19
infection ?

Respondent 2 : “ah sumakit muna yung ulo ko , tapos nagka parang may sipon ka tapos parang di
makalabas , tapos ayon mainit na yung pakiramdam . yun yung unang symptoms ko. Wala
naman, mild lang “

Respondent 1 : “wala rin saken. Cough and colds lang . mild lang , di naman nagging severe ,
may vaccine na din kase kame non , kaya nakatulong din siguro yung vaccine”

= “ sa anak ko ,sa pagiging nanay ko kase sa anak ko pag nagkalagnat ang anak ko at hindi
tinablan ng Tempra , alam kong mali kaya nung time na hindi bumababa yung lagnat niya
nagpunta na kame ng hospital pinacheck ko siya then ang suggest nung pedia that time mag pa
Antigen or RT-PCR which is ginawa ko naman then na found-out talaga namen na positive siya
hindi lang sa antigen kundi sa RT-PCR siya nag positive , tapos ang pinaka severe niya na is ubo
saka lagnat .nakakahinga naman siya ng maayos pero yung ubo niya iba , hindi siya yung ubo na
ordinary sa bata , kase pag ang bata nagkaubo makakayanan nya pa yan e , hindi yung ubo na
nakatigil na yung bata sa isang place , kase ang bata malaro , maglalaro’t maglalaro yan pero yun
kase talagang iba yung ubo niya that time
Question 3: Can You describe the changes in your routine when you were infected ?

Respondent 1: “wala naman parang normal lang siya pero more on bed rest ah , Netflix , kakain ,
matutulog para makabawi ng lakas yung katawan ko”
Respondent 2: “uhm same lang din ah ininom ko yung mga gamot na nireseta ,more
vitamins ,more tulog , tas mas nag iingat na para hindi ko mahawaan yung mga nasa bahay
namen nung hindi pa ko na-iisolate sa isolation facility ng mga nag positive”
R3 = “ hindi kame umabot sa severe kase hindi ko siya hinayaan na umabot na don talagang nag
action agada ko nung Nakita ko , then ang gusto ko pa that time is ipa-confine yung bata e pero
ang sabi nung doctor hindi naman katindi kaya kaya pa yon ng antibiotics kaya hindi kame naka
experience ng ganon “

Q4
R3 = “ mas lumala yung pagka praning ko sa covid kase ultimo yung ginogrocery ko
inaalcoholan ko , tapos bumili na ko ng alcohol na may laser na ilaw ? tapos hindi makakalapit
ang ibang tao sa anak ko nang hindi sila nag aalcohol tapos never ko na siyang pinunta sa
mataong lugar “

MENTAL AND PHYSIOLOGICAL DISTRESS AND STRESS

Question 1 : How did Covid-19 affects the way you think and deal with the things ?
Respondent 1 : “ ayun mas naging maingat na ko , lagi na kong nag huhugas ng kamay ,lagi na
ko naliligo after duty ko , tapos yun mas naging maingat ako sa mga ginagawa ko para di na ko
magka covid ulet “
Respondent 2: “Ganun din , mas naging maingat na , pero dati naman maingat na ko , mas
naging mas maingat na ngayon kase yun nga di mo talaga mawari kung mahahawaan ka na ng
kasama mo kase first of all may asymptomatic eh , may days sa pagiging positive nila , positive
na pala sila naencounter ko sila di ko pa alam , yun mas naging maingat na lang lagi nang mag
wear ng face mask ,tas wag kakain nang sabay-sabay na nasa mga magkaka-work yun”
Question 2:describe your psychological disturbances and perceptions at the time you were
infected , hospitalized/isolated or quarantined .
Respondent 2: “ ako wala e kase pag malakas yung support system mo sa pag ano nyang covid ,
hindi na e , kase kame sa hospital nakikita namen kung gano kahirap ganon , yung psychological
ko kase jan matetest kapag kase first of all ia-isolate ka ,magisa mo dun sa quarantine facility ,
tatagan na lang talaga yan ng loob . para saken nung nagka-covid ako mas naimprove ko yung
pag iisip ko ,yung pagiging positive sa buhay yung kailangan mong lumaban not because of
kailangan pero kailangan mo para sa pamilya mo . kung may support system ka pala ng family ,
kung nasusuportahan ka nila mas tatatag yung loob mo pag naging positive ka , tas after non pag
naovercome mo yon mas madedevelop mo yung sarili mo . na pag may susunod ka na problem
ahh basic lang to “
Respondent 1: “ayun mas tumatag ako sa pagharap ko sa buhay mula nung nalagpasan ko yung
pagsubok na dumating sa akin “

Question 3 : For you which was harder upon having covid-19 ? being physically ill or fighting
over your mental stress due to vague prognosis and uncertainty ?
Respondent 2: “parang ako kase di ko naramdaman , kase halos lahat sa paligid ko positive na
nun e , kaya kami-kami nag dadamayan e . siguro ang mahirap jan yung sa physical kase pag
gumive up na yung body mo wala na , everything will follow na “

Respondent 1: “Yun din saken ,being physically ill kase parang normal na kase yung covid non
sa work place namen sa hospital yung magka covid kaya mas nahirapan kame nung nararanasan
na mismo namen yung mga symptoms ng covid

Question 4 : what where your thoughts when you found out that some of your family members ,
close relatives or someone in your community died due to Covid-19?
Respondent 1: “ wala normal lang , di naman ako natakot kase alam ko naman sa sarili ko na ,
alam mo naman sa katawan mo pag kaya mo yung nararamdaman mong sakit . mostly runny
nose , ubo lang naman naramdaman ko , di ko naman naranasan yung severe cases kaya
kampante ako na hindi naman mate-threat yung life ko .magkakaiba naman kase kayo ng case
yung sa namatay severe yung saken mild lang naman wala kang dapat ikatakot lalo na kung may
vaccine naman na tulong sa katawan , with proper medications din”
Respondent 2 : “ ako natakot ako , kase may namatay din kase sa family ko dalawa sila dahil sa
covid . parang inisip ko na ako sobrang ingat tapos yung relatives ko din pala mahahawaan .
parang useless kaya nung nalaman ko yon mas pinag ingat ko yung mga tao sa paligid ko mas
pinaalala ko na dapat mag hugas sila ng kamay , mag facemask sila , tapos wag sila laging
lalabas , yun mas naging motivated ako sa trabaho ko nung nalaman ko yun”

SOCIAL STIGMA AND DISCRIMINATION


Question 1: what where your experiences upon interacting with people after being diagnosed
with covid-19?
Respondent 2: “madaming mga supportive na friends , family saka relatives . nagbibigay sila ng
mga pagkain ganon , pinapakita nila na virus lang yan na kaya mo yan , tapos minomotivate nila
ako hindi sila nag take ng negative , mas dumami pa yung mga nag message . okay lang ganon “

Respondent 1: “ wala di naman sila natakot , andiyan naman sila naka support lang. yun parang
normal na kase sa kanila yung covid non di sila natatakot kung mag kacovid sila , kase yung time
na nagka covid kame yung variant na yon di na delta , yun yung omicron na non patapos na yung
serge kaya marami nang nagpositive kame kase ,kame na yung huling nag positive sa variant na
yon and hindi siya ganon kadeadly unlike delta “

Question 2: how did Covid-19 affect your social function ?

Respondent 1: “ normal paden naman yung sa mga taong nakapaligid samen , di na kase big deal
samen , kase sanay na kame sa hospital na may mga nag kakacovid “

Question 3 : did you feel that you are being discriminated by other people due to covid-19 ? how
do you say so ?
Respondent 2: “ ako hindi kase nafeel kong loved ako , mas minahal nila ako , kapag kase may
dagok sa buhay mo tulad nang nag positive ka , symptomatic ka , dun mo malalaman yung mga
taong real concerned sayo , yung papadalan ka ng pagkain tapos kakausapin ka nang kakausapin
kase syempre nakakastress talaga don kase nga mag isa mo nga lang sa quarantine facilty . dun
mo malalaman yung totoong tao na talagang may care sila sayo , Nakita ko naman kung sino
yung mga taong may care saken so ayun , I feel so blessed talaga na napagdaanan ko din yon
atleast natry ko , maisheshare ko sa iba at yun alam ko na din yung feeling nang maquarantine “
Respondent 1: “ wala namang ganon , syempre maraming tao na nakapaligid saken na
nagmamahal saken , kahit sa trabaho , nag aasaran lang pero normal na samen yon na uyy
nagkacovid ka na “

Question 4: has someone blamed you for the virus due to your infection ?

Respondent 1: “ wala namang ganong kamag anak or pamilya ko”


Respondent 2: “ ako din wala , kase nga nagbording nga ako non kase nga ayaw ko silang
mahawaan lalo na yung daddy ko na senior citizen e mabilis mahawa pag ganon , ako na yung
nag precaution , ako na yung umalis . pero bumalik ako dun ako nagka covid ,pero di sila
nahawa kase nga immune na sila kase nag vaccine na sila”

POST-COVID OUTLOOK ON HEALTH AND VACCINES

Question 1: what are the things that helped you when had the infection ?

Respondent 1: “yung pag kain ng healthy foods , diet , saka proper rest yun lang . mas narealize
yung halaga ng buhay , you only live once kase kaya pag naranasan mo yun nalampasan mo
syempre mas maiintindihan mo na maikli lang ang buhay kailangan mong pahalagahan yung
mga taong nag mamahal sayo , paramdam mo na mahal mo sila “

Respondent 2: “ narealize ko na ayun , I should live my life to the fullest kase once lang tayo
mabuhay dapat enjoy naten , tas ilessen mo yung stress sa buhay mo , mag focus ka sa
positivity , kase pag nag focus ka sa negative tapos ganito na nga yung nangyayare wala e , kung
puro hate lang wala “

Question 2: are there any significant changes in your overall health behavior after you recovered
from covid-19 ?
Respondent 1 : “ saken sa tingin ko mas lumakas yung resistensya ko , kase napagdaanan ko na
yung covid , kung may mga dadaan man na ibang sakit di na ganon kalala kase parang naranasan
ko na yung isa sa pinaka malalang saket, parang mas nag strengthen yung immunity ko”

Respondent 2: “ wala naman normal lang , walang pagbabago “


Question 3: after having been infected with covid-19 , were you still hesitant or become a pro-
active toward covid vaccine?
Respondent 1: “ hindi kase naprove ko sa sarili ko na malaking tulong talaga yung vaccine kaya
ako na mismo yung lumalapit sa mga vaccine scheds para mas maging protected yung katawan
ko “

Respondent 2: “ same din , Nakita ko din kase na pag may vaccine ka , talagang masesave ka nya
or malelessen nya yung symptoms atsaka non kase sa covid ward nakikita ko din sa pasyente
kapag walang vaccine ang bilis gumive up ng katawan , ang bilis kumalat nung virus sa lungs ,
sobrang narealize ko talaga na sobrang halaga ng vaccine sa defense naten against covid “

Question 4 : how does it feel recovering from a disease that doesn’t even have a cure or a
vaccine ?
Respondent 1: “ naaamaze ako sa sarili ko na kinaya ng katawan ko yung virus kahit wala pa
namang gamot . parang yung body ko na lang nagpagaling sa sarili ko .

Respondent 2: “ aside sa itetake na meds na binigay nung doctor ,mag pavaccine, syempre
kailangan din ng spiritual health , and yung pakiramdam ko masaya and feeling blessed kase
bihira lang yung mga taong kinaya yung sakit , lalo na yung mga senior , para saken blessed ako
and masaya kase di ako natulad sa iba na di naka survive sa virus , di kinaya yung symptoms”

You might also like