You are on page 1of 2

A.

URI NG TULA
Ang tulang “Ako ang Daigdig” ay nasa uring tulang patnigan. Sapagkat, ito’ynagbibigay linaw tungkol sa
isang paksa. Malinaw na naipahatid ng manunulat nasinasabi niyang “siya, ang daigdig, at ang tula ay iisa”.

B.SANGKAP NG TULA
I. TUGMA
Ang tulang “Ako ang Daigdig” ay walang tugma. Ito’y walang tugmadahil ito ay nasa malayang taludturan.
Kung saan nakasaad na ang malayang taludturan ay walang sukat at tugma bagkus ito’y kinapapalooban ng
kaisipan at talinghaga.

II.SUKAT
Ang tulang “Ako ang Daigdig” ni AGA ay nasa isang malayang taludturano free verse. Ito’y dahil wala
itong sukat at tugma ngunit ito ay kinapapalooban ng kaisipan at talinghaga.

III.PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA


Ang paksa o kaisipan ng tula ay may kinalaman sa mga personal na pantao at pansining na kapaniwalaan at
karanasan ni Abadilla. Ito’y nagpapahiwatig din ng mga makabagong ideya.

IV. TALINGINGHAGA
Masasabing napagalaw ng husto ang guniguni ng mambabasa. Patunay dito ang iba’t-ibang reaksyon ng mga
tao. Isa pa, dahil sa komento ng mga kapwa manunulat ni Abadilla.
V. IMAHEN O LARAWANG DIWA
Masasabing mayroon nito ang tulang “Ako ang Daigdig”. Patunay ditoang isang sabi na, gaya ng isang ibon
na malayang lumipad at naging hari nghimpapawid ng kanyang buhay, si Alejandro G. Abadilla ay naging
kilala rin sapagpapakilala ng sariling paraan ng pagsulat sa kanyang natatanging akda na“Ako ang Daigdig”.

VI.ALIW-IW
Sa pagsusuring nagawa, masasabing hindi naging maindayog angpagbigkas ng tula. Una, dahil hindi ito
taglay ng tula. At huli, wala ito sa uringtradisyonal ng tula.

VII.TONO
Sa pagsusuring nagawa, masasabing masaya ang damdaming nakapaloob sa tula. Nasabi ito dahil, naipakita
niya ang kagandahan ng kanyang likha sapagsasabing siya ay malaya at matapat sa sarili, kahit ano pa man
ang sabihin ng mga kritiko. Ipinakita din niya ang pagkakaisa ng kanyang pagkatao, damdamin at
paniniwala sa tula ng kanyang daigdig.
VIII.PERSONA
Ang persona sa tula ay ang mismong awtor nito na si Alejandro G.Abadilla (AGA). Dahil ito’y galing
mismo sa kanyang karanasan.

IX.TEORYA/DULOG
Ang teoryang ginamit ay Teoryang Eksistensyalismo. Ito’y dahil ang tulaay nakatuon sa buhay ng
manunulat at sa buhay ng mga taong katha lamang.Malinaw din dito ang proseso ng pagiging at hindi
pagkakaroon ng tamangsistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad ang dapat bigyang pansinng
tao upang mamuhay siya ng tunay. Laban din ito sa establisimiyento, at di-kompormista, at sa huli isang
teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng masasabing impluwensya at pananakot ng relihiyon at
moralidad ng bawat tao.

You might also like