You are on page 1of 20

ANO ANG PANITIKAN ?

Sa kahulugang pangwika , ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na ginamitan ng panlaping pan…_an na siyang bumubuo
ng isang bagong pangngalan(noun)na katapat ng “literatura” ng Kastila at “literature: ng Ingles.
Ang panitikan ay katipunan ng mga akda na likha ng
damdamin at kaisipan ng isang tao, lipi, o ng isang lahi sa iba’t
ibang panahon ng kasaysayan ng isang bayan at ng isang bansa
sa kabuuan.
Narito ang ilan pang kahulugan ng panitikan mulat sa mga kilalang manunulat at
iskolar:
“ Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang
bagay sa daigdig, pamumuhay sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng
kaluluwa sa Dakilang Lumikha.” - Azarias
“ Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng mga pinakamabuting kaisipan at
damdamin.” W.J. Long

“Salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at


maging bukas ng isang bansa.” L. Tiamson-Rubin
“ Ang panitikan ay naglalayong itaas ang pamantayan ng pagpapasya at
panlasa ng tao upang umabot sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na
buhay, at magkaroon ng pagkakataon na makasalamuhaang lalong
marurunong na kapwa-diwa sa bawat bayan at sa lahat ng panahon.” Ruskin
Tulad ng ibang bayan , ang Pilipinas ay mayroon ding panitikang ipinahahayag sa
kaniyang sariling wika, at ito ang pinatutunayan ng mga nasusulat na kaisipan at
damdamin ng ating mga ninuno sa kani-kanilang wikang ginagamit sa rehiyong
kanilang kinabibilangan.
Masusumpungan ang mga ito sa bugtong,
kasabihan,kawikaan,alamat, kwentong-bayan,tula, awit, nobela ,
maikling katha, at maging sa kanilang dula at mga akdang
nagsisilbing salamin ng kanilang kultura.
Ayon kay Dr. Gonsalo del Rosario, Ama ng Maugnaying Pilipino,
ang “panitikan” na tinatawag ding “masining na panulatan” ay
may tatlong anyo : ang Panulaan, Tuluyan at Palandulaan.
1. Panulaan – ay pagbuo ng mga pahayag sagutan ng mga salitang
binibilang sa pantig at / o pinagtugma-tugma sa mga dulo ng mga
taludtod sa loob ng isang saknong. Ang tatlong kahatian nito ay
maikling tula, tulambuhay at epiko.
2. Tuluyan – ito’y maluwag na pagsasamasama ng mga salita sa
katutubong takbo o karaniwang anyo ng pangungusap. Ang
sumulat ay parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa,
mauuri ang tuluyan sa maikling kwento, nobela at sanaysay.
3. Paladulaan – Pagtatanghal ito ng isang bahagi o tagpo ng
buhay o isang pangyayari na humahantong sa kasukdulan .
Ang tatlong uri nito ay dula, dula-dulaan at dulambuhay.
PANITIKAN

Panulaan Tuluyan

M M
T E N S D D
A A D
I A P
I
K O A U U U
K
L
L I L
B N L L L
I
I A K N E A A A A
N
G
M O
G
L Y - M
B K S D
U A B
T
U A U
U
W
E L
U
L H N Y H
A A
A T
A
O A
Y N Y
MGA DULOG SA PAGSUSURI NG AKDANG PAMPANITIKAN
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN – May mga iba’t ibang paliwanag ang mga
kritiko at makata patungkol sa mga nasabing teorya ng panitikan kayat kahit ano
ang sabihin ay baka may maling kasagutan patungkol rito. Narito ang ilang pahayag
sa mga dulog ng malimit gamitin.
1. BAYOGRAPIKAL- ang teoryang ito ay patungkol sa may-
akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o
sumusulat ng mga akdang ating nababasa magpa hanggang sa
ngayon
Ito ay tumutukoy sa bakgrawnd na kanyang sinulat na akda, makakabasa tayo ng
ilang mga pangyayari na nangyari sa tunay na buhay at kakikitaan din ito ng
Pilosopiya ng may-akda sa dahilan ng kababasa nito sa kanyang pananaw
patungkol sa mga bagay na nais ihatid sa mga mambabasa.
2. HISTORICAL –Ito ay tungkol sa
pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan.
Kakikitaan ang mga akda ng mga
pagbabago sa paggamit ng mga salitang
naaayon sa panahon at kultura na may
kinalaman sa mga Pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, tulad ng
pagbabago sa lipunan,
ekonomiya,edukasyon,agrikultura at
higit sa lahat sa ating pananampalataya.
3. REALISMO – Dito ipinaglalaban ang katotohanan kaysa kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa
paksang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.
4. FORMALISM – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng
pagsusuri, samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng
teoryang formalismo, upang matukoy ang nilalaman, kaanyuan, o kayarian at
paraan ng pagkakasulat ng akda.
5.EKSISTENSYALISMO –Dito hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad
ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
6. SIKO-ANALITIKO –Dito may malaking impluwensya ang pahayag ni FREUD na
“tanging ekonomiyalamang ang motibo ng lipunan. Ipinapakita dito na ang tao ay kailangang
maghanap-buhay para mabuhay.
7. DEKONSTRAKSYON-Dito pwede mong baguhin ang nilalaman ng akda ,
tulad ng katapusan ng akda at pwedeng magdagdag ng tauhan maliban sa buhayin
ang namatay na tauhan sa akda.
8. FEMINISMO – Ito ay tumutukoy sa kalakasan at kakayahan ng tauhang babae
sa isang kwento o akda.

You might also like