You are on page 1of 2

PAGSUSURI:

A. URI NG TULA
-Tulang Liriko o Tulang Damdamin
Ipinahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga
ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga
salita sa isang kanta. Ang Tulang liriko na Uri ng mga tula ay hindi
nagpapahayag sa isang kwento na naglalarawan sa karakter at
aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang
kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepyon.
B. SANGKAP NG TULA
I. TUGMA

Ang tugma ng tula ay salitang paggamit ng katinig at patinig. Sa


unang Saknong ay puro katinig at sa susunod ay patinig naman.
Salitan lamang ang katinig at patinig sa bawat isang saknong.
II. SUKAT

Ang Tula ay may sukat na labing dalawa.


III. PAKSA O KAISIPANG TAGLAY NG TULA
Paksa ng tula ay ang pagpakita ng kalakasan at katibiyan ng loob ng
mga pilipino na kahit anong dumaang kalbaryo sa atin ay kayang
kayang harapin at kung paano ito naipasaat naipaalam sa mga
makabagong henerasyon sa pag lipas ng panahon.
IV. TALINGHAGA

Ang tulang "PAMANA SA LAHI" ay masasabi kong malaman at


malalim ang mga salitang nagbigay ng kahulugan sa kalakasan at
katibayan ng loob ng ating lahi. Ipinakita rin sa tula kung paano
ipakita ang isang tulang liriko.
V. IMAHEN O LARAWANG DIWA

Naipakita ng tula ang tunay na repleksyon ng mga Pilipino sa


pagpapahalaga sa ating bayan at kung paano natin pahalagahan
ang ating kultura. Mapapatunayan ito sa mga salitang ginamit sa
tula.
VI. ALIW-IW

Sa pagsusuring nagawa ay may indayog na ginamit sa tula.


Magpapatunay rito ay ang pag gamit ng tulang ito sa sabayang
pagbigkas para ilaban sa isang kompitisiyon at iba pa.

VII. TONO

Ang tono sa tula ay nagpapakita ng pagpuri at pagmamalaki sa


ating lahi. Nagpapakita ito ng pagasa sa mga mambabasa at
pagpuri ating kultura.
VIII. PERSONA
Ang persona sa tula ay ang ating mga ninuno at kanilang mga
pamana sa ating lahi. Kasama rin ang mga Pilipino sa mga
makabagong panahon ang tinutukoy sa tula
IX. TEORYA/DULOG
Ang teoryang ginamit sa tula ay HUMANISMO dahil binibigyang
pansin ng may akda ang magandang saloobin ng ating lahi at ng
ating ninuno. Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng
akda. Ipinakita ang magandang saloobin ng tao na nakapaloob sa
mga tiyak na pahayag sa akda.

You might also like