You are on page 1of 31

SANAYSAY

Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang


Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay
“sumubok” o “tangkilikin”.
ALEJANDRO G. ABADILLA (1904-1969)

Siya ang nagbinyag ng pangalang “sanaysay” na hinango sa mga


salitang “sanay” (mahusay) at salaysay (pasalaysay).
Ayon pa sa kanya, ang sanaysay ay nakasukat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanaysay ay salitang likha ni
Alejandro G. Abadilla na hango sa sugnay na sanay ang nagsasaysay.
Naglalahad ito ng matalinong kuro, ng makatwirang komentrayo sa
buhay, ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat, ng
kanyang mga pagmumuni-muni tungkol sa isang tanging paksang
kanyang hinugis at nilinang. Kaya’t hindi maiwasang masilip ang
kakayahan ng manunulat, ang kanyang estilo at pamamaraan ng
pagsulat, ang kanyang personalidad.
KATANGIAN NG ISANG SANAYSAY
1. May kaisahan. (Unity)
2.May isang paksa na kung saan ang simula katawan at wakas ay magkaugnay.
3.Iba't ibang uri sa paglalahad ang ginagamit sa pagpapahayag ng ideya.
4.Kawili-wili ang introduksyon.
5.Malinaw, tama at angkop ang mga batayan.
6.Malinaw at madaling maunawaan ng mga mambabasa.
7.Angkop ang mga salitang teknikal na ginamit.
8.May paglilinaw sa mga bagay-bagay
9.Naglalatatag ng paninindigan upang humikayat o kumumbinsi sa iba ukol sa isang
punto.
10.Naglalaman ng pagsusuri at pagmumuni, pag-uulat at pagpapaliwanag o
pangangaral at sermon.

You might also like