You are on page 1of 4

Ang Gamu-gamo sa Lampara ni Julio Madarang : Ang Musikal

sa Sulat at Direksyon ni Joshua Gonzaga

Creative Team:
Technical Director: Rubelyn Verterra
Lights Director: Kate Roan Dela Cruz
Stage Manager: Kennette Molina

Main Cast/s:
Julio Madarang - Julio Tolebat III
Salacnib Madarang - Joshua Gonzaga
Felisa Madarang - Josephine Ong
Crisanto Dimasupil - Kevin Miranda
Tserman - Myra Yaon
Sundalo - Joshua Del Mundo, Joseph Caramat, Reynald Contreras
Aktibista/Estudyante - ALL CAST

EPILOGUE:
{Dim Light - segue to - fade in - Preset}
ALL CAST
Aktibista 1: Mga Kasama! Ipagsigawan ang panawagan!
All: Ang tao, Ang bayan! Tayo’y lumalaban!
AKtibista 1: Labanan ang Pasistanisado! Isulong ang demokrasya!
All: Tayo’y lumalaban! Tayo’y lalaban!
Segue to - enter - SUNDALO
Salacnib: Ama? Ina?
Julio: Nagkulang ba kami, Anak? Sabi ko’y lumugar ka nalang sa tahimikat maging isang simpleng mag-
aaral. Pinag-aral kita, hindi para tumuligsa, pinadala ka namin ng ina mo rito sa Maynila para tapusin ang
pangarap mo!
Salacnib: Panagarap? Tay? Alam mo bang ang pangarap na ito ang nagmulat sa akin bilang Pilipino! At
ang pangarap ding ito ang naghatid sa aking layunin?
Julio: Alam kong matalino ka, anak! Maraming paraan ng pagtulong sa kapwa at bayan, maraming paraan
para ipagpatuloy ang iyong adhikain, hindi sa gantong madugong pamamaraan.
Salacnib: Tay? Walang ng oras! Wala ng ibang paraan para pakinggan ang aming mga hinaing.Uhaw na
uhaw na ko sa kalayaan, at ayokong makita ang aking mga kapatiran na mapatid ng pamahalaan.
Felisa: Anak? (nagdudusa..)
Segue to - exit - Julio at Felisa
Salacnib: ( May Pighati”t pagdurusa ang kaniyang nadarama)
Salacnib: Magwawagi ang bayan! Hindi matatapos itong paglaban! Hustisya at Paglaya sa bayan!
Segue to - All cast - “Bayan ko”
All: “Bayan, Bayan, Bayan ko”
“Bayan, Bayan, Bayan ko”
“Bayan, Bayan, Bayan ko”
“Hindi pa tapos ang laban mo”
“Hindi pa tapos ang laban mo”
“Hindi pa tapos ang laban mo”

{Lights fade out}

SCENE 1:
{Dim Light - Segue to - Fade in - Preset}
Umaga. Nag-aayos ng gamit sa eskwela si Salacnib at ang kaniyang Ama naman ay abalang inaayos
ang kaniyang gamit sa bukirin at kaniyang Ina ay nag-aayos ng hapag-kainan.
Julio: Salacnib? Baka ika’y mahuli sa klase, dalian mo riyan sa pagbihis sabay-sabay na tayong kumain ng
agahan.
Salacnib: Sige, ho! Susunod na lamang ho ako.
Felisa: Halina kayo rito. Handa na ang pagkain.
Salacnib: (papasok ng kusina, magmamano sa ina at ama, mag-wiwika ng magandang umaga..)
Masaganang kumakain ang pamilya. Nagkamustahan ng pagtulog. At biglang may natanong si
Salacnib sa ka niyang mga magulang.
Salacnib: Ah! Tay, nga po pala? Paano nga ba kayo nagkakilala ni nanay?
Ang Gamu-gamo sa Lampara ni Julio Madarang : Ang Musikal
sa Sulat at Direksyon ni Joshua Gonzaga
Mag-asawa: ( Nagtawanan at nagkatitigan tila bang nagbalik ang kanilang mga magandang alaala nang
araw na sila’y nagkakilala ).
Julio: Bakit may iniibig kana ba, anak?
Salacnib: Aba’y wala ho tayo. Nagtatanong lang ho ako.
Mag-asawa: (magtatawanan)
Julio: Nagkakilala kami ng Ina mo sa bakwitan noong panahon ng giyera.
Felisa: Nagpapapansin kasi ang ama mo noon sa akin kahit nasa kalagitnaan na ng giyera.
Julio: Aba’y ikaw nga ang nagpapakipot sa akin noon.
Nagtawanan ang buong pamilya tila di alintana ang oras ng kanilang kuwentuhan at biglang
napatingan sa orasan si Julio.
Julio: Naku! Anong oras na baka mahuli ka sa klase mo, Salacnib?
Salacnib: Tay? Saglit lamang may nais lang ho akong sabihin sa inyo.
Felisa: Ano yun, anak?
Salacnib: Ina? Inaanyayahan ho kayo ni Ama sa aming paaralan para gawaran ako ng ikalawa sa
pinakamataas na karangalan sa nalalapit naming pagtatapos ngayong hayskul.
Felisa: Aba’y isang magandang balita ito, Anak. Ikinararangal kita, Anak!
Julio: Napakahusay talaga ng anak ko. Di mo man nakuha ang pinakamataas na karangalan katulad noong
elementarya ka, ipinagmamalaki ka namin dahil sa kahusayan na ipinapakita mo sa inyong paaralan.
Salacnib: May kwento-kwento nga ho, sa aming paaralan na dapat ho ako raw ang baledektoryan kaso ang
kalaban ko raw kase ay kamag-anak ng alkalde ng bayan.
Felisa: Hayaan mo na. Alam naman namin na ibinigay mo lahat ng makakaya mo para sa pag-aaral.
Julio: Magpasalamat ka parin dahil nagawaran ka ng karangalan at kami’y lubusang natuwa dahil
napapalitan ang aming pagod sa pagtatrabaho. At hinding-hindi kami mapapagod na suportahan ka sa
mga nais mo. Gagawin namin ang lahat para makamit mo ang iyong pangarap.
Salcnib: Salamat ho! Hindi ko naman makukuha ang lahat ng biyayang ito kung hindi dahil sa inyong
kasipagan at pag-aalaga.
Julio: At dahil gusto mong makapag-aral sa Maynila upang kunin ang kursong abugasiya, gagawin namin
ang lahat para makapag-aral ka roon.
Salacnib: Talaga ho, Ama? Salamat po.

{Lights fade out}

SCENE 2:
{Lights fade in - to enter}
Ihahatid si Salacnib sa terminal upang lumuwas ng Maynila para doon mag-aral ng kolehiyo.
Felisa: Mag-iingat ka, Anak. Pagbutihan mo ang iyong pag-aaral kahit wala kami sa piling mo.
Salacnib: (tatango-tango lamang)
Julio: Huwag kang mag-alala sa amin, anak. Basta’t kapag may kailangan ka ay magpadala ka agad ng
telegrama sa amin.
Salacnib: Opo, Ama.
Magyayakapan ang buong pamilya.
Julio: Sige na, Anak! Mag-iingat ka roon uh.
Salacnib: Salamat ho! Mahal ko po kayo.

{Lights fade out}

SCENE 3:
{Lights fade in - to enter - Salacnib - preset - Aktibista}
Pagkarating ni Salacnib sa Maynila ay agad nitong pinuntahan ang kaniyang papasukang pamantasan
at unang bumungad sa kaniya ang mga estudyanteng nag-raralli at demonstrasyon sa harap ng kanilang
pamantasan kontra sa pamahalaan.
Estudyante 1: Bago ka ba dito sa Pamantasan?
Salacnib: Bakit ho?
Estudyante 1: Kung bago ka rito, kailangan mong maging mapagmatiyag at maging mulat sa nagaganap
sa iyong lipunan. Kami ang boses ng mga walang laban. Tumutuligsa ang mga estudyante rito dahil sa
kabulukan ng sistema ng gobyerno. Ito ang paraan namin upang marinig agn aming mga hinaing.Sige na,
mag-iingat ka, basta’t buksan mo lamang ang iyong puso’t diwa makikita mo ang tunay na reyalidad.
Salacnib: (tatango-tango lamang at tila nagugulumihanan)
Ang Gamu-gamo sa Lampara ni Julio Madarang : Ang Musikal
sa Sulat at Direksyon ni Joshua Gonzaga
{Lights Fade out}

SCENE 4:
(Lights fade in - preset - all cast)
Salacnib: Ipagsigawan natin ang ating panawagan, Mga kasama!
Aktibista: Durugin ang imperyalismo”t kapitalismo!
Salacnib: Ipaglaban ang karapatan!
Aktibista: Isulong ang demokrasya!
Salacnib: Labanan ang naghaharing uri!

{Segue to - music in - “Martsa ng pagkakaisa”}

MARTSA NG PAGKAKAISA
Isulong natin ang pagkakaisa
Ng uring manggagawa at magsasaka
Ang ating sandigan sa pakikibaka
Tungo sa pambansang demokrasya

Silang nagtataglay ng tunay na lakas


Na dudurog sa imperyalismo
Burukrata kapitalismo, pyudalismo
Ang mga salot na pumapatay

Mula sa bundok at nayon


Parang alon tayong susulong
Kukubkubin at palalayain
Natin ang kalunsuran

At ating itatatag ang isang lipunang malaya


Sa isang rebolusyong sosyalista
Hanggang mapawi ang pagsasamantala

Salacnib: Magwawagi ang bayan! Hindi matatapos itong paglaban!

{Lights fade out}

SCENE 5:
Matiyagang nagbubungkal ng lupa ang mag-asawang Felisa at Julio sa bukirin. Nakakaramdam ng
masamang pakiramdam si Felisa ngayong araw. At patuloy sa pag-ubo si felisa.
Julio: Ayos lang ba ang iyong pakiramdam, mahal?
Felisa: Huwag mo itong pansinin, ubo lamang ito.
Julio: Noong nakaraang linggo pa iyan uh?
Felisa: Oo nga eh. Pero wag ka ng mag-alala.
Julio:Magpahinga muna kaya tayo.
Felisa: Huwag muna dahil maaga pa, kailangan nating dumoble kayod para sa pangangailangan ni
Salacnib sa Maynila.Nagpapasalamat nga ako dahil nakatulong ng malaki sa atin ang kaniyang libreng
pag-aaral roon pero hindi dapat tumigil dahil malaki ang gastusin ni Salacnib doon sa Maynila.
Julio: Kung pagod kana ay magpahinga ka muna, ako na ang bahala rito.
Felisa: Kaya ko pa naman.
Biglang natahimik ang dalawa. At biglang nanikip ang dibdib ni felisa..
Felisa: Juliooooo?
Julio: Felisa? Anong nangyayari sayo?

Namatay si felisa dahil sa pulmonya…

{Lights fade out}

SCENE 6:
Ang Gamu-gamo sa Lampara ni Julio Madarang : Ang Musikal
sa Sulat at Direksyon ni Joshua Gonzaga
{Lights fade in - preset - Julio - to enter - Salacnib}
Salacnib: Ama?
Julio: Salamat ay natanggap mo ang telegrama na ipinadala ko dahil sa nangyari sa ina mo.
Salacnib: Ama? Ano ho ba talaga ang nangyari kay ina?
Julio: Nasa bukirin kami noon biglang bumuhos ang ulan, paris kaming nabasa at kinaumagahan hindi na
natigil ang pag-ubo ng ina mo. Hindi, ito nahinto nang isang linggo. Pinagpapahinga ko na ang ina mo para
gumaling ang kaniyang sakit ngunit matigas talaga ang ulo, hindi nagpaawat kakatrabaho dahil iniisip niya
ang kalagayan mo roon, anak. Hindi siya tumitigil sa pagtatrabaho para may maipadala kami sa iyo sa
maynila. Ayun, lumala ang kaniyang sakit, kaya’t kaniyang ikinamatay.
Salacnib: Tay? Sobrang nalulungkot ako sa mga nangyayari sa ating pamilya.
Julio: Iniisip lamang namin ang kapalaran mo anak, doon sa maynila kaya nagdoble kayod kami ng ina mo.
Salacnib: Sabi ko’y wag niyo akong alalahanin sa maynila eh dahil gamay ko na ang sistema roon kung
paano mabuhay doon.
Julio: Anak? Anong nangyari diyan sa mga sugat at pasa mo sa katawan? Patuloy ka parin bang
nakikibaka sa mga awtoridad roon? Paulit-ulit kong pinaaalala sa mga telegrama na pinapadala ko sayo na
tumigil kana sa pagsama sa mga demonstrasyon, di’ba? Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo, anak?
Nagkulang ba kami sa paalala at pagpapalaki sayo? Huh !
Salacnib: Ama? Hindi mo kase ako nauunawaan, kung siguro naroon ka sa maynila ay makikipaglaban ka
din dahil sa pananakal at kabulukan ng sistema ng gobyerno.
Julio: Anak? Inaalala lang namin ang kapakanan mo. Paano kung magkagulo at madamay ka, pati ba
naman ikaw ay iiwan ako? Wala na nga ang ina mo pati ba naman ikaw..? Diyos ko, ayaw kong maranasan
iyon, anak! Pinadala ka namin sa siyudad para mag-aral, hindi manggulo. Sino kaba para kalabanin ang
pamahalaan?
Salacnib: Ama? Hindi ko itatanggi na anak niyo ako, ngunit hindi niyo ko pag mamay-ari. Ako’y pag-aari na
ng bayan.

{Lights fade out}

SCENE 7:
{Lights fade in - preset - Aktibista}
Salacnib: Mga kasama? Humanda tayo sa isang malaking rebolusyon, ihanda ang mga kagamitan dahil
ibaba na ng presidente ang batas militar. Posibleng magkaroon ng malaking gulo sa pagitan ng mga militar
at sa ating mga aktibista. Ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa mga mangyayari ngayong gabi, hanggang
bukas. Basta’t tapangan ninyo ang inyong mga loob, ito ang tunay na laban natin mga kasama.
{Segue to - enter - sundalo}
Magkakaroon ng gulo sa pagitan ng sundalo at aktibista. Madudukot si Salacnib kasama ang ibang
mga aktibista. Paparusahan, papahirapan at bubugbugin ang mga ito.

Julio: Anak?
Salacnib: Patawarin mo ako, Ama… ito ang tunay na paglaban ng mga pilipino sa mang-aapi. Mahal kita,
Ama… Di pa tapos ang paglaban, mahal kong bayan!
(Fx: shotgun)
Julio: Salacnib…? ikaw ang anak ko, salacnib: tagapagtanggol at tagapagligtas. Anak?
Huhubaran si salacnib, at itatago ang damit at pantalon nito.

{Lights fade out}

You might also like