You are on page 1of 2

SURBIDA, Hazel N.

BSLM 3
GEC 12 Panitikang Panlipunan

ACTIVITY 2:
PANUTO: Suriin ang tulang nasa ibaba at saguting ang mga sumusunod na katanungan:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa tula? Ilarawan at ibahagi ang natuklasang kalagayan
niya.

SAGOT:
Puta- malinis ang budhi ng puta
malaswa ang bibig
madaling araw na nag sisimba
ginahasa ng tiyuhin
naging puta dahil sa kahirapan
hindi nagpapahalik sa labi
umiibig ng tapat

2. Anu-ano ang mga isyung panlipunang lumulutang sa tula? Makikita baa ng mga ito sa
ating lipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

SAGOT:
Kahirapan- nabanggit sa tula na ang kahirapan ang sanhi upang naging masalimuot ang
kalagayan ng isang puta. Nuon at ngayong ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung
bakit napapariwara ang buhay ng isang tao, kung bakit ito naliligaw ng landas at
kahirapan din ang dahilan kung bakit nagagawa ng isang tao na talikuran ang kanyang
tunay na pagkatao. Sa ating lipunang ginagalawan nuon pa man ay hindi na nabura ang
salitang kahirapan.

Mapang husgang kapaligiran- nag bubulungan ang mga tao tuwing makikita o
makakasalubong ang isang puta pero lingid sa kanilang kaalaman ang kwento sa likod ng
salitang “puta”. Ang pagiging mapang husga ay likas na sa isang tao nuon pa man.
Huhusgahan ka ng lahat batay lamang sa iyong kamalian at hindi sa nagagawa mong
kabutihan.

3. Ipaliwanag ang kahirapang nararanasan ng pangunahing tauhan sa tula.


SAGOT:
Ang isang puta ay nasadlak sa pagpuputa dahil kailangan ng mabuhay. Hindi lang
basta tawag ng laman kung bakit hinahanap-hanap ng isang puta ang pagbibigay serbisyo
tuwing gabi o madaling araw, ito’y pangangailangan sa buhay. Kailangan niyang
mabuhay. Kailangan niyang buhayin ang mga kapatid at kanyang anak. Kailangan ng
itaguyod ang pamilya upang hindi magaya sa kinasasadlakan niyang buhay.

4. Ibigay ang kabuoang impresyon sa tulang iyong nabasa.

SAGOT:
Ang kahirapan at mapang husgang kapaligiran, ito ang malungkot na katotohanan
na hindi maaaring talikuran at takasan ng isang puta. Malungkot na realidad ng buhay.
Sa kulturang Pilipino, ang puta o ang pagiging puta ay isang marumi at
nakakadiring trabaho, ito din ay napaka laking kasalanan sa Diyos. Ang puta ay marumi
ang pagkatao, hindi dapat tularan, pahalagahan at hindi rin pwedeng mahalin ngunit ang
katotohanan ay marunong mag mahal ang isang puta. Pera ang kailangan natin para
mabuhay at pera ang kailangan natin sa buhay. Pera ang nagpapaikot ng lahat. Nguni ang
totoong kaligayahan ay hindi nabibili ng pera. Gaya ng kaligayahan ng isang puta,
kamatayan lamang ang tutubos at magpapagaan ng buhay ng isang puta.
Mahirap panatilihin ang kaayusan sa sarili kung magulo naman ang kapaligiran.
Walang taong perpekto kaya nakakatawang isipin na naghahangad tayong maging
perpekto sa mundong hindi rin naman perpekto.

You might also like