You are on page 1of 1

Tula

Ang tula ay isang sining na nagbibigay buhay sa mga salita at nagpapahayag ng


damdamin.
Sa pamamagitan ng tula, naipapahayag ng mga makata ang kanilang mga kaisipan,
mga pangarap, mga kalungkutan, at mga tagumpay.

Mga Bahagi ng Tula


Ang tula ay binubuo ng mga bahagi na nagbibigay-buhay sa sining na ito.
Una, mayroong “sukat” na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Ang sukatan ay nagbibigay ng ritmo at tunog sa tula.
Ikalawa, mayroong “tugma” na nagsisilbing pagsasama-sama ng mga salita na may katulad na
tunog sa dulo ng mga taludtod.
Ang ikatlo, ang “talinghaga” ay isang anyo ng pagsasalita na nagbibigay ng malalim na
kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolismo at di-tuwirang pagpapahayag.
Ito ay nagbibigay ng karagdagang kulay sa tula.

Maliit na Bato
ni Teodoro E. Gener
Isang munting bato ang aking nadampot!
Nang ako’y mapuno ng duming alabok,
Ay ipinukol ko agad na padabog
Na taglay sa puso ang sama ng loob…

Nang aking ipukol ay tumama naman


Sa lalong malaking bato sa may pampang;
Sa lakas ng tama’y dagling umilandang,
Nagbalik sa aki’t ako ang nasaktan

Di ko akalaing yaong munting bato


Na tinatapakan ng sino mang tao,
Sa di sinasadyang pagmamalikot ko’y
Batuhin ang biglang naghagis na ako…

Mandin ay totoong ang lahat sa lupa


Ay may katutura’t kagamitang pawa;Ang bato, kung batong sinlambot ng luha,
Sa palad ng tao’y tatalsik, tatama.

You might also like