You are on page 1of 2

SESTINA NI JUAN

Ni Joshua M. Delmundo

Sisikat na ang haring araw, marami na ang nakayuko.


Magbabanat ng buto’t hila-hila ng kalabaw na masipag.
Para sa pamilya, kami’y magtatanim ng butil,
Ngunit nagising ang sanlibutan sa isang putok na umaalingawngaw
Lahat ng pagod at hirap nagbihis ng lungkot at luha.
Hapo sa maghapong babad sa arawan, sila ang bagong bayani.

Ang kanyang dugo’t pawis, ay iaalay sa bayan ito ang bayani.


Walang pagkukunan ng mga palay at iba pa kung ‘di sila magsisipag.
Ang kanilang kalyo na sumamasalo sa mga matang lumuluha.
Magugutom ang lipunan kung hindi sila magsisipag,
Ngunit hindi nadidinig ang kanilang hinaiin na umaalingawngaw.
Ang sweldo nila ay kawangis nang tinanim na butil.

‘Wag niyong tukain ang buhay naming, katulad ng aming butil.


Patuloy na mananahan sa bayan naming, kami ang mga bayani.
Ang puso’t hinaiin naming ay patuloy na aalingawngaw.
Sa mundong pilit kaming pinayuyuko.
Ayaw naming mawala ang alab ng kasipagan.
Ang lupang tuyot ay nadidiligan ng mga lungkot ng luha.

Hindi sapat naparati na lang lumuluha,


Tahan na wala ng papatak na mga luhang na parang butil-butil.
Patuloy na iiral kay Juan ang kasipagan.
Dahil hindi sumusuko ang mga bayani.
Hindi tayo makina, tumingala’t ‘wag ng yumuko.
Sumigaw, lumaban hanggang marinig ang pusong umaalingawngaw.

Nagising ang diwa ng lahat sa makamundong malingawngaw.


Nawala na ang mga pait sa luha.
Nakikibaka na ang mga dati’y nakayuko.
Lumalago na sa tuyot sa lupa ang mga tinanim na butil,
Dahil lumaban na ang mga tunay na bayani.
Daghang salamat sa’yo Bathala sa binigay mong kasipagan.

Malabong mawala samin ang salitang kasipagan.


Hindi na tumatahimik ang mga sigaw na umaalingawngaw,
Dahil patuloy na lalaban ang mga bayan.
Hindi hahayaan na may pumatak pang mga luha,
Sa bukirin na punong-puno ng butil.
Walang taong magugutom, salamat sa amga taong nakayuko.

Dinggin niyo an gaming hinaiin na umaalingawngaw.


Makapal man ang mga kalyo, patuloy nayuyuko,
Dahil kami ang mga GINTONG BAYANI.

You might also like