You are on page 1of 2

May Bukas Pa

Ulat ni Sam Billantes

Nagtataasang presyo ng mga bilihin, lumalalang kawalan ng trabaho,

bumababang halaga ng pera, kriminalidad - iilan lamang ito sa maglalarawan

na bahagi tayo sa pandaigdigang krisis pinansyal. Samaktuwid, ito ang

magpapasigaw sa atin na ANG KRISIS AY DI BIRO.

Talagang ang krisis ngayon ay damang-dama ng karamihan. Nakapanglulumo

ang sitwasyon na pipila ang mga kababaihan at mga bata para makakabili lang

ng bigas ng NFA. Ang iba’y nag-away na nga nang dahil sa bigas. Nang dahil

sa krisis, mas maraming pamilya ngayon ang di na makakain ng pagkain na sapat

sa dami at sustansya. Nakakaawa ang mga paslit na sa paggising sa mundo

kaharap na mismo ang kahirapan.Sa kasalukuyan, tiyak na marami sa mga

nakapagtapos sa hayskul ang hindi na makakapasok sa kolehiyo lalo na sa

pribadong paaralan. Tila mauunsyami ang mga matatayog na pangrap ng mga

kabataan.

Bagama’t ganito katindi ang kahirapan, hindi tayo dapat mawalan ng pag-

asa. May bukas pa ang naghihintay. Ang mahalaga ay marunong tayong mag-

prayoridad sa mga bagay na kinakailangan.Una, dapat marunong tayo magtipid

sa mga bagay-bagay. Halimbawa, patayin ang ilaw kung di kailangan. Huwag

mag-aksaya ng tubig. Pangalawa, huwag gumastos ng higit sa badyet. Kung

maaari, huwag mangutang dito, mangutang doon kung alam mo na hindi na kayang

bayaran sa natitira mong sahod. Pangatlo, maging kontento kung ano meron ka.

Huwag mainggit. Mamuhay ng simple. Ayos na ‘yon.

Sa kabilang dako, nawa’y ang mga opisyales ng pamahalaan mula sa pangulo

hanggang sa kagawad ng barangay ay dapat magbibigay ng serbisyong totoo.


Kung ano ang laan na halaga para sa mga proyekto ay ilalapat sa proyekto

para malulubos ang pera ng ating bayan at sa gayon ay mabibigyan ng trabaho

ang mga walang trabaho- kikita sila at magkakaroon ng pagkakataon na

masasagot ang mga pangangailangan ng pamilya.

Walang krisis na di natin kayang lagpasan. Alalahanin ang pahayag sa

Bibliya na di tayo bibigyan ng Panginoon ng problema na higit sa ating

kakayahan. May bukas pa kahit anumang krisis na raragasa sa atin na animo’y

bagyo.

You might also like