You are on page 1of 2

ISYU NG KAHIRAPAN

Hindi lingid sa ating kaalaman na mula


noon hanggang ngayon ay nararanasan pa rin
ng marami sa atin ang isyu ng kahirapan.
Napakaraming pamilya ang salat sa buhay,
hindi rin mawawala ang mga bata at
matatandang namamalimos sa mga lugar na
dinadagsa ng mga tao upang may
mapagkuhanan ng pantustos para sa kanilang
kumakalam na sikmura.
Taon taon ay napakalaki ng pondong inilalaan ng gobyerno para sa mga mahihirap
ngunit tila kulang parin ito sapagkat ang iba sa kanila ay may mga bisyo at ang iba naman
ay nauubos lamang dahil sa pinapambayad sa mga utang. Alam din naman natin na may
mga corrupt na opisyal sa ating pamahalaan na mga ganid sa pera kung kaya’t marami sa
mga nangangailangan ay hindi napagtutuonan ng pansin .

Ang isyu ng kahirapan sa ating bayan ay tiyak na hindi masusolusyonan ng


mabilisan lalo na sa panahon ngayon na buwan-buwan ay patuloy na tumataas ang presyo
ng mga bilihin at maaaring ang mahihirap at patuloy na maghihirap at magtitiis sa kanilang
kasalukuyang sitwasyon.

You might also like