You are on page 1of 1

Diongzon Lovely, A.

10-Baltazar
Nobyembre 14, 2022

“Child Labor”
Napakaraming kinakaharap na isyu at problema ang
ating bansa na siyang nakakabahala sapagkat naisasaalang-
alang ang buhay ng isang tao o indibidwal. Isa sa mga
problemang ito ay ang child labor. Ano nga ba ang child
labor? Ito ay ang pagtatrabaho ng mga batang nasa edad
labingpito pababa habang isinasawalang bahala ang kanilang
karapatan tulad ng edukasyon, kalusugan, kaligtasan, at
kanilang sariling kapakanan.
Ayon sa International Labor Organization mayroong
2.097 million na kabataan ang napabilang sa child laborers
ng ating bansa limampu’t walong porsyento (58%) nito ay
ang kabataang nagtatrabaho sa agrikultura at ang iba naman
ay nagtatrabaho sa industriya ng pagmamanupaktura,
pagmimina, at konstruksyon. Ngunit bakit nga ba
nagkakaroon ng child labor sa ating bansa? Ito ay dahil sa
labis na kahirapan na siyang nagtutulak sa isang bata na
maghanapbuhay na lamang upang magkaroon ng pantustos
sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Isa rin sa
mga dahilan ay ang limitadong pagkakaroon ng edukasyon
na kung saan ay napakalayo ng paaralan mula sa kabahayan
at ang kawalan ng mga guro sa sobrang malalayong lugar
kung kaya't napipilitan silang kumayod at magbanat ng buto,
sa halip na mag aral.
Madalas nating napapanood ang mga isyung ito na
natatampok sa mga dokumentaryo ng iilan sa mga
mamamahayag tulad ni Kara David at dito ay nakikita natin
ang kanilang hirap sa buhay na nararanasan sa bawat araw
at bilang isang mag-aaral ay napapaisip at napapagtanto
natin na sobrang mapalad tayo sapagkat nandirito tayo
ngayon, nagkaroon ng prebilehiyong makapag-aral at
mayroon tayong mga magulang na ginagawa ang lahat at
sinusuportahan tayo sa lahat ng bagay upang hindi natin
matamasa ang hirap ng pagtatrabaho sa murang edad.

You might also like