You are on page 1of 2

KAHIRAPAN

"Walang taong gustong maging mahirap, dahil mahirap ang maging mahirap"

Isa sa pinaka malaking problemang kinakaharap ng ating bansa ang kahirapan isang suliranin na
deka-dekada nang problema ng ating bansa. Isang suliranin na kahit na anong gawin ay mahirap
mawala. Isang suliranin na naninira sa kinabukasan ng bawat isa Maraming kababayan ang
nahihirapan sa pagsabay sa agos ng buhay? Namumuhay tayong salat sa mga pangunahing
pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay.Sabayan pa ito ng sunod-sunod na
pagtaas ng presyo ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung
ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?

Kung saan mayroong malalang kahirapan ay doon mo rin makikita ang talamak
na kamangmangan. Ginagawa nilang sangkalan at dahilan ang pagiging mahirap
upang hindi na mag-aral. Sa panahon ng ating pamahalaan ngayon, ang
edukasyon ay ginawa ng karapatan ng bawat indibidwal lalo na ng mga
kabataan.

Ang pagpupunyagi at sipag na lang ang ating kailangan na ipuhunan para tayo
ay makaahon sa kahirapan buhay. Walang bagay na pilit na pinagsisikapan ang
hindi natin makakamtan. Huwag nating tuldukan ang ating mga pangarap dahil
lamang sa pagiging kapos sa buhay.

Kung magsusumikap ang bawat isa maiiwasan natin ang kahirapan kung magsusumikap ang
bawat isa tiyak na maunlad na kinabukasan ang ating makakamtan walang anumang hirap ang
mararanasan kung sabay sabay tayong uunlad.

You might also like