You are on page 1of 1

Name: Arlen Sigrid L.

Rabino
Grade 12-STEM St. Erasmus

Kahirapan at Korapsiyon lupigin ngayong 2022

Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mga pamilyang isang


beses lang kung kumain sa maghapon. Maraming hindi malaman kung saan nila
kukunin ang susunod na kakainin. Marami ang natutuliro kung paano bubuhayin
ang mga anak. Maraming nasisiraan ng bait dahil sa gutom.

Sa kabila na sinasabi ng pamahalaan na gumanda ang ekonomiya ng bansa at


nahigitan ang mga kalapit bansa, marami ang hindi naniniwala. Paano’y hindi
maramdaman ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. Patuloy pa rin ang
paghihikahos at walang maihandang pagkain sa hapag. Ang sinasabing pag-unlad
ng ekonomiya ay nananatiling drowing lamang at nananatiling nasa pangarap
lamang.

Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaring krimen. Ang


kahirapan ang isa sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw. Bagama’t
hindi nararapat na gawing dahilan ang kahirapan para magnakaw, mayroong
dahil sa sobra na ang nadaramang kagutuman kaya nakagagawa nang masama.

Halimbawa ay ang isang lalaking nahu-ling nag-shoplift ng isang biskuwit sa


isang store sa Maynila. Nagawa lang daw niyang nakawin ang biskuwit dahil sa
gutom. Pero kinasuhan pa rin ang kawawang lalaki.

Korapsiyon ang dahilan kaya marami ang naghihirap sa kasalukuyan.


Magkadikit ang korapsiyon at kahirapan. Dahil kinukurakot ang pera sa kaban,
nauubos ang pondo na dapat ay gagamitin para sa serbisyo sa mamamayan.
Bilyong piso ang nawawala dahil sa korapsiyon sa gobyerno. Nangunguna ang
Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works
and Highways sa mga kurakot na tanggapan.

Marami nang nasibak si President Duterte dahil sa isyu ng korapsiyon. Sabi


niya, basta may naamoy siyang singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan,
sisibakin agad niya ang sangkot na opisyal. Ganunman, kahit na marami nang
naalis sa puwesto dahil sa korapsiyon, marami pa rin ang hindi natatakot.

Dapat maging mabangis pa ang Presidente sa pagsibak sa mga kurakot.


Talasan pa ang pang-amoy para maubos ang mga kurakot.

Kapag nagtagumpay sa paglupig sa korapsiyon, kasunod na ring mawawala


ang kahirapan na nakasakmal sa mamamayan. Inaasahan ngayong 2022 na
malulupig na ang dalawang problemang ito sa lipunan.

You might also like