You are on page 1of 2

Pangalan: Dianne Rose M.

Madlangbayan
Asignatura: KONFIL-18 - Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Modyul 3- Pagtatasa
Sanaysay
“Pananaliksik kaakibat ang Batis Impormasyon”

Aking natutunan sa modyul 3 ang patungkol sa pananaliksik at batis. Dahil sa aking


nabasa sa aking aralin, ako ay naging interesado pa sa modyul na ito at ako ay nag
saliksik pa sa internet ng iba pang patungkol dito. Sa aking paghahanap ng iba pang
kaalaman tungkol dito ay nalaman kong sa pagsasaliksik ay mahalagang pumili ng
angkop na pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon upang maging tiyak ang
isinasagawang pag-aaral.
Sa Pagpili ng Batis ng Impormasyon ay may mga hakbang at nararapat na gawin. Ito ay
ang mga sumusunod:
Una ay ang Primaryang Batis, ito ay mga impormasyon mula sa tao o bagay na
sinisiyasat o pinag-uusapan.
Pangalawa ay ang Sekondaryang batis, ang pinagbabatayang impormasyon ay
nagmulas sa primaryang batis ng kasaysayan.
Pangatlo ay ang Pasalitang Kasaysayan, ang impormasyon ay mula sa pamamagitan
ng pasalita o pagpapahayag gamit ang bibig.
Sunod ang Kasaysayang Lokal, ito ay impormasyon o kasaysayan na nagmula sa
sariling pook o lugar.
At Nationalist Perspective, ito ay pagtingin o pagkiling na kung saan ay mas binibigyan
ng pabor ang isang bansa.
Kasama rin dito ang History From Below, ito ay pangangalap ng impormasyon mula sa
mga ordinaryong mamamayan o tao; pinagbabatayan nito ang tanda o karanasan ng
isang tao upang masagot ang isang bagay na pinag-aaralan.
Bukod sa History From Below ay kasama rin ang Pantayong Pananaw, ito ay
pamamaraan sa pagtukoy ng kasaysayan at kalinangang Pilipino sa pamamagitan ng
pag-uugnay na panloob at lahat ng aspeto na tumatalakay sa kalinangan ng lahing
Pilipino. Ang pagkakatulad-tulad ng wika ay isa rin sa mga batayan sa pananaliksik na
ito.
Pati na rin ang Pangkaming Pananaw, ang “Pangkaming Pananaw” ay isang
pamamaraan sa paglinang ng mga kabihasanan ng isang lahi; sina Luna, Rizal at iba
na propagandista ang naglunsad nito.
At ang huli ay ang Pansilang Pananaw, ang PP o “pansilang pananaw” ay mga
nakuha o pinagpatuloy na mga antropologong Pilipino. Ang ilan na gawi o wika ay
maaaring mula sa banyaga o lahi.
Bilang mag-aaral sa kolehiyo aking alam na mahalaga ang pananaliksik sa ating pag-
aaral at sa iba pang takbuhin sa buhay. Sapagkat ito ang paraan upang malutas natin
ang ang lahat ng ating mga suliranin. Sa ganitong paraan din natin malalaman kung
ang mga bagay, tao, o pangyayari ay magkaugnay at mahalaga sa isa't isa. Ito ay
ginagamit natin upang malamanang ang mga bagay na hindi pa naabot ng ating
kamalayan. Ang mga mananaliksik ay mas nagiging matalino dahil kaakibat ng
pananaliksik ang pagkatuto ng iba pang kaalaman. Sa madaling salita, kung nais nating
malaman kung ang mga bagay ay tayo’y magsaliksik. Maraming maaaring matutunan
sa pagsasaliksik, at ang kaalaman na ating makukuha sa pagsasaliksik ay maaari din
makapagpa bago ng buhay ng ibang tao. Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon, ako
ay mag hihikayat ng aking mga kakilala na mag saliksik.

You might also like