You are on page 1of 4

PANGKATANG GAWAIN SA

Readings in
Philippine
History
Ipinasa nina:
Concha, Faith Angela T.
Dabac, Precious G.
Dadula, Darlyn S.
Dalangin, Kate Michelle M.
Dela Cruz, Mary Kathlyn R.
BSMA 1-9

Ipinasa kay:
Prof. Maria Rhodora Agustin
Ang mga sumusunod ay ang mga Pangunahin Sanggunian (Primary Sources) at Sekondaryang
Sanggunian (Secondary Sources) na nagmula sa ibinigay na silabus.

Pangunahing Sanggunian (Primary Sources) Sekondaryang Sanggunian (Secondary


Sources)
* Mga liham ni Rizal sa kanyang mga kapwa
repormista. * History of the Filipino People
* Hojas de servicios de maestras (Mga * The Past Revisited
Talang Serbisyo ng mga Guro) * Mga aklat-aralin/ teksbuk
* Heraldo de la revolucion * Monographs
* Muling Pagsilang * Sanaysay o kabanata sa mga aklat
* Libro de bautismo * Mga artikulong nai-publish sa mga
* Libro de matrimonio scholarly journal at magasin
* Manunggul Jar * Disertasyon
* Mga litrato, pelikula at pag-record. * Mga papel na binabasa sa mga
* Primer viaje alrededor del mundo. kumperensya.
* Dominican Archives
* The Jesuits
* Urbana at Felisa
* Elecciones de Gobenadorcillo
* Si Andres Bonifacio, Ang Katipunan at
Himagsikan
* Mga Gunita ng Himagsikan
* Mga Liham ni Andres Bonifacio kay Emilio
Jacinto
PANGUNAHING SANGGUNIAN O PRIMARY SOURCES
Ang pangunahing sanggunian ay tinukoy bilang isang piraso ng ebidensya na nilikha sa
panahon ng pagsisiyasat. Ito ay isang rekord na iniwan ng isang taong nakasaksi sa kaganapang
pinag-aaralan. Sa madaling salita, ang isang pangunahing sanggunian ay maaaring isang
salaysay ng saksi o isang mismong orihinal na bersiyon ng salaysay ng isang partikular na
kaganapan.
Ang pangunahing sanggunian ay may iba’t ibang anyo, maaari itong nakasulat kagaya ng mga
dokumento, dyaryo, journals, mga archival materials, mga letra, government records, resibo, at
mga business ledgers. Maaari rin sila sa anyong hindi pasulat, gaya ng mga artifacts, edipisyo o
gusali, damit, alahas, kuwadro, at iba pang mga kagamitan. Sa panahon ngayon ay kinkonsidera
narin ang mga audio o video recordings, litrato, at pelikula na pangunahing sanggunian.
Ang mga sangguniang ito ay hindi basta basta ituturing na pangunahin na agad. Ang mga ito
ay maiging sinusuri muna bago makonsiderang pangunanhing sanggunian. Mayroong dalawang
paraan upang ito ay siyasatin; ang external at internal na kritisismo. Sa external na kritisismo,
sinisiyasat kung ang sangguniang ito ba ay totoo. Halimbawa sa isang dokumento, tinitignan
kung tunay ba na ang tinta na ipinangsulat dito ay galing sa panahong iyon o ang estilo ng
pagsulat at lenggwahe ay akma sa panahong isinulat ang dokumento. Ang internal na kritisismo
naman ay tinitignan ang katapatan ng sanggunian. Tinitignan dito kung sino ba ang nagsulat o
gumawa ng

sangguniang ito, taga-saan at sino siya? Maaasahan ba ang kanyang mga salita o gawain? Kailan
ito naisulat o naigawa? Mayroon pa bang ibang katibayan na mag-pupruweba na maaasahan
ang sangguniang ito? Iyan ang mga kritisismo na dadaanan ng isang sanggunian bago ito
makumpirmang totoo at katiwa-tiwala.

SEKONDARYANG SANGGUNIAN O SECONDARY SOURCES


Ang mga pangunahing sanggunian ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang direktang
malaman o mabasa ang mga orihinal na bersiyon na mayroong kinalaman sa ating nakaraan. Sa
kabilang banda, ang pagbabasa ng mga salaysay mula sa mga librong tungkol sa nakaraan ay
hindi tayo pinapahintulutan na maranasan ito at dumedepende na lamang tayo sa mga
interpretasyon ng mga manunulat ng aklat.
Ang mga sekondaryang sanggunian ay nailalambag matapos ang mga pangyayari na siyang
magiging parte na ng nakaraan. Ang mga sekondaryong sanggunian ay bumabase at gumagamit
ng mga pangunahing sanggunian upang magkaroon ng isang interpretasyon.
Ang mga sekondaryang sanggunian ay mayroong iba't ibang anyo. Maaari itong nasa anyo ng
mga aklat na maaaring maging popular o iskolar. Kadalasan, ang mga aklat ay itinuturing na
mga sekondaryong sanggunian. Ang mga sekondaryong sanggunian ay nasa anyo ng mga
monograph. Ang mga monograph ay mga espesyal na gawa na ang saklaw ay hindi ganoon
kalawak, ngunit nakabatay sa mga pangunahing sanggunian. Ang mga monograph ay
nagbibigay ng mga bagong makasaysayang interpretasyon at maaaring maging daan upang mas
madiskubre pa ang ating kasaysayan.
Ang mga sanaysay o mga kabanata sa mga aklat na batay sa pangunahin o sekondaryang
sanggunian ay itinuturing na mga sekondaryang sanggunian. Ngunit lingid sa ating kaalaman,
ang mga ito ay hindi dapat isinasantabi, lalo na ng mga mag-aaral, sapagkat ito ay nagbibigay ng
mga bagong kaalaman o interpretasyon na makatutulong sa ating pananaliksik.

Ang mga halimbawa na nabanggit sa silabus ay masisigurado na pangunahing sanggunian


(primary sources) dahil ginagamitan ito ng mga mananalaysay ng mga pangunahing
pinagmumulan bilang hilaw na ebidensya upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang nakaraan.
Naglalathala sila ng mga pangalawang mapagkukunan. Karamihan sa mga siyentipikong artikulo
o libro na nagpapaliwanag ng kanilang interpretasyon. Kabilang sa mga halimbawa ng
pangunahing sanggunian ang mga pahayagan, magasin, talumpati, panayam, liham, tala, litrato,
bidyo, opinyon poll at talaan ng pamahalaan, at higit pa.
Ang pangunahing sanggunian ay nagbibigay ng hilaw na impormasyon at unang-kamay na
ebidensya. Kapag nagsusulat ng ulat sa laboratory, ang pangunahing sanggunian ay ang datos
na kinokolekta mo sa panahon ng eksperimento. Halimbawa, kapag itinala mo ang isang
kaganapan na iyong dinaluhan, ang iyong pangunahing sanggunian ay ang iyong karanasan sa
kaganapan at anumang mga larawan o bidyo na iyong kinunan. Gayunpaman, ang mga
pangunahing sanggunian ay maaaring hindi mga dokumento na ikaw mismo ang gumawa.

Maaari rin silang mga liham na nakasulat na may mga makasaysayang numero, raw data na
kinuha mula sa mga eksperimento na isinagawa ng iba, mga larawang kinunan ng iba at mga
alaala ng mga partikular na kaganapan.
Sa kabilang banda, ang sekondaryang sanggunian na nabanggit ay makakasiguradong tama.
Ang mga halimbawa ay ang sanaysay, teksbuk, dyornal, at mga likhang nabanggit ay
masasabing kabilang sa sekondaryang sanggunian o secondary resources sapagkat ang mga
sulating iyon ay nailathala matapos maisasalaysay ang mga kaganapang nangyari ng mga taong
personal na nakaranas nito. Ang mga sulating ito ay bumabase na lamang sa pangunahing
sanggunian at nagbibigay ng ilang mga opinyon, ideya, at kumento patungkol sa isang partikular
na paksa. Hindi ito direktang isinulat dahil naranasan mismo nila bagkus galing lamang din ito sa
kanilang mga nabasa at pananaliksik.
Ang mga teksbuk ay kinokonsidera ring sekondaryang sanggunian sapagkat ito ay isinusulat o
ginagawa sa anyong monograp na kung saan isinusulat ng may akda ang kanyang
interpretasyon sa isang bagay na talagang makakapagpalawak ng kaisipan ng mga taong
magbabasa nito. Sa ganoong paraan, nakakapagbigay sila ng kontribusyon upang mas lalong
maliwanagan ang bawat taong makakabasa nito at mas nakakatulong upang magbigay
kaalaman sa lahat. Kabilang rin rito ang mga sanaysay o mga kabanata sa libro sapagkat ito rin
ay nakabase lamang sa pangunahing sanggunian. Kadalasan, ang mga sulating ito ay may
karagdagang kaalaman na na galing sa may-akda. Maaring ito rin ay may dagdag at bawas na.
Sa madaling salita, ito ay hindi talaga orihinal na nanggaling sa kanila sapagkat may mga
pinagbasehan lamang sila. Kaya naman dapat maging maingat at mapili sa salita ang mga may
akda na bumabase lamang sa pangunahing sanggunian.
Gayun pa man, ang mga sekondaryang sanggunian o secondary resources ay hindi dapat
isinasawalang bahala sapagkat ito ay malaking tulong upang mas lalong maliwanagan ang
bawat isa. Mayroon pa tayong mga dapat at kailangang malaman na hindi nakasaad o nakasulat
sa Pangunahing Sanggunian kaya naman itong Sekondaryang Sanggunian rin ay dapat na
binibigyang halaga dahil makakapagbigay ito ng malaking tulong sa bawat isa upang madiskubre
ang mga bagay na hindi alam ng karamihan.

You might also like