DISKURSO Ang diskurso ay isang uring pag-aaral na kadalasang ginagamit sa pagtalakay sa mga usaping nangyayari sa lipunan at sa mundo. Pinaninwalaan ni Foucault (1970, 1972) na ang diskursong pampubliko o panlipunan ay maaaring hinulma ng makapangyarihang indibidwal o Pangkat. Pinaniniwalaan din niya ang mga diskursong it ay may kapangyarihan na hubugin ang indibidwal at ang kanilang mga karanasan sa lipunan sa mundo. Ang mga ganitong uri ng ganitong diskurso sa pananaw ni Foucult ay maaaring Magmulat sa isang tiyak na katotohanan. Pag-aanalisa ng Dokumento (Documentary Analysis) Ang metodolohiyang ito ng pag-aaral ay angkop na gamitin sa mga mahahalagang datos na nakapaloob sa isang pribado o pampublikong dokumento. Ang mga dokumentong ito ay maaari ring mangaling sa mga sumusunod: aklat, mga papeles, pahatid kalatas, liham, tala (records), at iba pa. Ang pagsusuring dokumentaryo ay isang popular na pamamaraan sa malawak na hanay ng mga agham panlipunan, gayundin sa sining. Sa esensya, nangangahulugan ito ng pagkuha ng isang sistematikong diskarte sa pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa mga dokumento. Maaari itong magamit bilang isang paraan ng pananaliksik sa kasaysayan, pagtingin sa mga archive ng mga talaarawan ng mga sundalo, halimbawa. Pag-aanalisang pangkasaysayan (Historical analysis). Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga pakikipagsapalaran at pagsusuri ng Kasay sayan ng ilang mga penomena. Madalas na ginagamit sa ganitong uri ng pag-aaral ang mga pangunahing datos bagamat tinatanggap din sa ilang pagkakataon ang sekondaryang datos (* magsagawa ng pananaliksik hinggil dito). Semiotika (Semiotics). Ang semiotika ay ang pag-aaral ng senyas, kanilang anyo, nilalaman, at ekspresyon. Ang ganitong uring pag-aaral ay madalas gamitin sa pagsusuri ng media. Halimbawa, kapag nakita natin ang iba't ibang kulay ng isang traffic light, awtomatiko nating alam kung paano tumugon sa mga ito. Alam natin ito nang hindi man lang iniisip. Ngunit ito ay isang palatandaan na itinatag ng kultural na kumbensiyon sa mahabang panahon at natutunan natin bilang mga bata, at nangangailangan ng isang pakikitungo ng walang malay na kaalaman sa kultura upang maunawaan ang kahulugan nito. MARAMING SALAMAT