You are on page 1of 2

SORIANO, Princess Nicole B.

2nd year – BS Accountancy

1. MAGBIGAY NG TIG-LIMANG HALIMBAWA NG PRIMARYA AT SEKUNDARYANG BATIS.


IPALIWANAG

PRIMARYANG BATIS

 Bibliya

Ito ay isinulat ng Diyos sa pamamagitan ng paggabay sa kanyang manunulat upang maipamahagi ang
kanyang mga salita sa mga tao kaya’t ang mga nakasulat doon ay totoong nangyari.

 Pahayagan

Ang mga nakatala ay aktwal na nangyari sa totoong buhay at ang mga tagapahayag, radio o telebisyon
ang nagiging instrumento sa paghatid ng mga nagaganap sa ating paligid.

 Artifacts

Naituturing na primaryang batis sapagkat ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa sinaunang


pamumuhay ngayon kaya ito’y nakakatulong na maihantulad ang pamumuhay natin noon at ngayon.

 Mga Batas/Ordinansa

Ito ay mabusising pinag-aralan upang makagawa ng mga alintuntunin na kailangan sundin ng mga tao. Ito
ay isang batis upang malaman ang karampatang parusang ipapataw sa isang tao.

 Litrato/Larawan

Ito ay aktwal mong nakuhanan sa isang lugar, bagay, pangyayari at iba pa sa pamamagitan ng
potograpiya.

SEKUNDARYANG BATIS

 Revived Songs

Ito ay mga awitin na nabago na ang tono sa orihinal base sa henerasyon kaya ito’y maituturing na
sekondaryang batis.

 Diksyonaryo

Ito’y sekondaryang batis sapagkat maraming iba’t ibang bersyon ng pagkakalilimbag nito maaaring
nadagdagg o nababawasan ang mga salita na inilalagay.
 Chismis

Ito ay mga kuro-kuro lamang walang sapat na ebidensya kung ito ba ay totoo o hindi.

 Tula

Ito ay galing sa sarili natin bersyon sa pagsasagawa nito maaaring sa sarili nating interpretasyon o
opinyon.

 Mga Librong Isinalin

Ito ay maibibilang sa sekondaryang batis sapagkat ito’y naiiba sa orihinal, ito’y isinasalin base sa
pagkakaintindi o interpretasyon.

2. KAILAN NAGIGING PRIMARYA ANG SEKUNDARYANG BATIS? IPALIWANAG NG MABUTI.


LIMANG PANGUNGUSAP LAMANG.

Sa aking palagay, nagiging primaryang batis ang sekundaryang batis kung ang paksa ay tumutukoy sa
pananaliksik na isinasagawa. Alam naman natin na ang pananaliksik ay nakapaloob ang mga datos
ukol sa opinyon ng mga tao hinggil sa paksa na tinatalakay kaya’t maituturing na sekundarya subalit ay
maari itong maging primarya sapagkat ito ay nilalatagan ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian. Sa
karagdagan, ay maaari rin itong maging sanggunian ng iba kung sakali sila ay magsasagawa ng
pananaliksik sapagkat ito’y pinag-aaralan ng mabuti. Isa pang halimbawa, ay ang mga pinta o tula, ito
ay hango sariling interpretasyon o opinyon subalit ito’y maaaring primarya kapag naging kilala ang
tagapinta/tagapagsulat sapagkat ito’y maaaring reference ng iba. Sa karagdagan, ay nagiging primarya
ang sekundarya kapag ang isang kuro-kuro,opinyon o interpretasyon ay naging katotohanan.

3. MAGBIGAY NG TIG-DALAWANG HALIMBAWA NG KWALITATIBONG DISENYO, KWANTATIBONG


DISENYO AT MAN-ON-THE-STREET.

KWANTATIBONG DISENYO

 Sarbey
 Eksperimentasyon

KWALITATIBONG DISENYO

 Panayam
 Obserbasyon

MAN-ON-THE-STREET

 Mga nagsasarbey para sa pananaliksik


 Mga tagapagbalita sa pamahayagan, radyo o telebisyon

You might also like