You are on page 1of 2

1. Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa sulating pananaliksik?

Para sa akin, ang sulating pananaliksik ay ang sulatin na naglalaman ng impormasyon ukol sa
isang isyu o problema na ninais ng manunulat na mapag-aralan at mabigyan ng karampatang
solusyon. Ito ay hindi lamang naglalaman datos mula sa internet o social platforms, ito ay
naglalaman rin ng mga opinion na nakalap mula sa iba’t-ibang respondante na napili ng
mananaliksik.

2. Sa iyong sariling pananaw, paano ito naiiba sa isang ulat o sa iba pang uri ng teksto?
Ang sulating pananaliksik ay naiiba sa iba pang uri ng teksto sapagkat ito ay nakabatay sa
pawang katotohanan lamang. Ang paglalahad nito ay maaaring maging subhetibo kung saan ang
datos na nakuha ay maaaring maiba batay sa pananaw ng mananaliksik. Subalit, ang mga datos
na ginamit rito ay nararapat na makatotohanan at may kasamang sanggunian habang sa ibang
teksto ay kailangan lamang ang opinion ng manunulat.

3. Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik? Sa paanong paraan nagiging mahalaga ang
bawat layuning ito?
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o
makakatotohang ideya.
5. Magpapatunay na makakatotohanan o balido ang isang ideya, interpretasyon, paniniwala,
palagay o pahayag.
6. Magbigay ng historikal na perpektiba para sa isang senaryo.
Ang bawat layuning ito ng pananaliksik ay mahalaga hindi lamang sa pansariling kaalaman ng
manunulat, kundi pati na sa boung lipunan. Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay makabibigay
ng interpretasyon at patotoo sa isang natural na pangyayari o isyu. Kung mailathala,
makabibigay ito ng kaalaman at pang-unawa sa tao ng lipunan tungkol sa umiiral at natural na
pangyayari.

4. Bakit nga kaya mas malawak ang sinasakop ng isang ulat samantalang mas limitado ang
sa isang sulating pananaliksik?
Mas kinakailangang limitado ang pokus ng sulating pananaliksik upang mas mabigyang toun ang
ispesipikong isyu na nais pag-aralan at solusyonan. Ang sulating pananaliksik ay
nangangailangan ng masusing pagsisiyasat at upang maisakatuparan ito ay kinakailangan ang
paksa na mas mabibigyan ng pokus at hindi ang paksang pangkalahatan o generalized.

5. Bakit sinasabing hindi lang ang aklatan at ang Internet ang maaaring mapagkunan ng
mga gamit o impormasyon para sa isang sulating pananaliksik?
May mga impormasyon o datos na maaaring hindi makita o makalap sa mga aklatan at sa
Internet, tulad ng mga emosyon, hinuha, opinion at iba pa na hindi gaanong maihahayag sa mga
salita lamang. Ang survey at interview o pakikipanayam ay maaari ring mapagkunan ng
impormasyon para sa sulating pananaliksik, sapagkat ang mga tao sa ating paligid ay maaari ring
makapagbigay ng mahalagang datos ukol sa paksang pinag-aaralan.

You might also like