You are on page 1of 3

Kahalagahan ng wikang Filipino sa buhay ng bawat mamamayan ng Pilipinas

Ang wikang Filipino ang pangunahing wika na ginagamit ng mga mamamayan sa bansang
Pilipinas. Bunga ng globalisasyon naging bukas ang bansang Pilipinas sa iba’t ibang kultura ng
ibang bansa, isa na rito ang wika ng mga dayuhan na pilit na niyayakap at binibigyang
importansya ng mga Pilipino kaysa sa sariling wika na wikang Filipino. Bilang isang
mamamayan ng Pilipinas dapat malaman ng bawat isa kung bakit dapat hindi isawalang bahala
ang kahalagahan ng wikang Filipino. Mahalagang pag-usapan ang mga kahalagahan ng paggamit
ng wikang Filipino dahil ito ay mayroong magandang epekto sa buhay ng bawat mamamayan at
lipunan tulad ng pagpapatibay ng sariling kultura, maayos na pag-unawa sa larangan ng
edukasyon, at malinaw na pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

Wikang Filipino ay marapat na linangin, marami man ang nag-aalangan kung ano ang tunay
nitong mithiin, marami man ang nag-aasam na ito ay palitan, patayin o wasakin, laging tatandaan
na ito ay wika ng mga Pilipino. Ayon kay De Castro. “Maaaring mawala ang wika pero mas
madalas na nag-e-evolve ito. Kaya meron mang namamatay, at may nabubuhay at mapapanatili
na buhay ang wika”. Sariling wika na dapat ay ipinaglalaban gaya ng mga ginawa ng mga
bayani, upang ang mga Pilipino magkaroon ng kasarinlan. Sa pamamagitan ng Wikang Filipino,
sila'y nag-iwan ng ilang mahahalagang tungkulin: makilala, maging malaya, at maging matapat
sa sariling bansa ang nais nilang iparating. Maraming panahon tayo ay nakakalimot, napapaisip
na sa tuwing tayo ay tinatanong ng ‘Pilipino, sino ka nga ba?’ "...madalas nalilimutang ipahayag
ang mga kaisipan at pangyayari nang batay sa kulturang dayuhan. Kung sa gayon, inuunawa ito
ng bawat mamamayan nang sunod sa kultura, kaya maaaring magbunga ng maling
pagpapakahulugan (Bisa, 2020). Mahalagang malaman ng mga Pilipino kung ano ang kanilang
pinagmulan, ang wika mo’y hindi Filipino lamang. Ito ay sumasagisag ng isang bayan na tapat,
may prinsipyo at may dangal na ipinaglalaban ang karapatan ng inang bayan.

Sa sistema ng edukasyon, ang wikang Filipino na unang kinagisnan ng mga kabataang Pilipino
ay lubos na mabisa kumpara sa ikalawang wika sapagkat gamit ang unang wikang ‘yon mas
mauunawaan at mas natututo ang mga mag-aaral. “Sa ilalim ng DepEd Order No. 16, Series of
2012 ang MTB-MLE (Mother Tongue-Based-Multilingual Education) ay ipinapatupad bilang
isang asignatura at bilang midyum sa pagtuturo sa lahat ng pribadong paaralan” (Santos, 2012).
Kung kaya’t hindi magiging wasto kung ang wikang Filipino na kinagisnan ng karamihan ay
tatanggalin sa larangan ng edukasyon sapagkat mawawalan lamang ng saysay ang pagtuturo ng
mga guro kung hindi naman ito naiintindihan ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang paggamit ng
wikang Filipino ay mahalaga sa bawat buhay ng mag-aaral sapagkat isa ito sa mga dahilan kung
bakit matagumpay na natututo at nahahasa sa pag-aaral ang mga kabataang Pilipino. Kung kaya’t
karapat dapat lang itong pahalagahan at patuloy na kilalanin ang sariling wikang Filipino
sapagkat gamit ang sariling wika maaaring maging matagumpay ang kabataang Pilipino at hindi
lang nito matutulungan ang kanyang pansariling buhay ngunit matutulungan rin nito paunlarin
ang lipunan dahil ang kabataang Pilipino pa rin ang sagot sa bayan.

Sa larangan ng pakikipagkomunikasyon sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng isang diyalekto o wika


ay isa sa mga dahilan kung bakit mayroong maayos at wastong pakikipagtalastasan o pakikipag-
ugnayan ng bawat mamamayan sa bansang Pilipinas. Ang pagpapahayag ng saloobin at mga
hangarin sa pamamagitan ng wikang Filipino ay naging susi o tulay sa malinaw na
pakikipagkapwa na naaayon sa ninanais ipabatid gamit ang wikang Filipino. Ayon sa Artikulo
XIV, Seksyon 6 ng ating Konstitusyon 1987, “ang wikang ginagamit, nauunawaan at sinasalita
ng pinakamaraming Pilipino sa loob at labas ng ating bayan, bata o matanda man sa mga lungsod
o kabukiran ay hindi na masasabing mangmang sa wikang ito.” Mahirap o mayaman man ay
sinasalita at nauunawaan ang wikang ito, walang sektor ng lipunan sa bansang Pilipinas ang
hindi gumagamit at nakakaunawa ng wikang Filipino. Kung kaya’t nararapat lamang na patuloy
bigyang halaga at gamitin sa iba't ibang aspeto ng buhay ang wikang ito, patuloy pa rin pag-
aralan, payabungin at yakapin ang sariling wikang Filipino sa bansang Pilipinas.

Wikang Filipino ang namayani upang maging ating pambansang wika na karapat dapat na
pahalagahan at patuloy na pag yabungin. Ang wikang ito ang naging daan at tulay ng bawat
mamamayan sa iba't ibang larangan ng buhay. Ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino
ay mayroong magandang epekto sa mamamayan at lipunan tulad ng pagpapatibay ng sariling
kultura, maayos na pag-unawa sa larangan ng edukasyon, at malinaw na pakikipagkomunikasyon
sa kapwa. Di alintana ngunit ang ating mga ninuno na ipinaglaban ang wikang Filipino at ang
mga mga bagong henerasyon sa bansang Pilipinas ay saksi sa mabuting naidudulot ng wikang ito
hindi lang para sa buhay ng mamamayan ngunit pati na rin ang patuloy na pagyabong ng wikang
Filipino. Kung kaya’t nararapat itong pahalagahan at pagyamanin dahil ito ang isa sa mga bagay
na sumisimbolo sa sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
References

1. Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987 | GOVPH. (2020). Retrieved


November 25, 2020, from Official Gazette of the Republic of the Philippines website:
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-n
g-pilipinas-1987/#edukasyon

2. Edera, E. R., & Gamoso, C. V. (2017, August 31). Wikang Filipino, sangkap sa
pagpapakilala ng kultura. Varsitarian.net.
https://varsitarian.net/filipino/20170831/wikang-filipino-sangkap-sa-pagpapakilal
a-ng-kultura?fbclid=IwAR3FXvQCUxJgzHk_grAYy8x5r2-wavHH234jPHzS7E
RxyJ_PW1B6pUzVFkI

3. Santos, T. U. (2012, April 9). Tungo ba sa kaunlaran? Retrieved November 26, 2020,
from Varsitarian.net website:
https://varsitarian.net/filipino/20120409/tungo_ba_sa_kaunlaran

You might also like