You are on page 1of 15

Paano ang buhay natin kung

walang elektrisidad?
KAHALAGAHAN
NG KURYENTE
1. Nagbibigay ng liwanag
2. Nagbibigay ng lakas at nagpapakilos ng
mga gamit sa bahay tulad ng radio,
telebisyon, plantsa, bentilador,
airconditioner, refrigerator, computer at
marami at marami pang iba
3. Nagbibigay ng lakas at nagpapakilos ng
LRT at MRT na pawang pinatatakbo ng
elektrisidad.
4. Nakakatulong sa paggawa ng electrochemical
plating ng ginto, pilak at maging ng nikel.
5. Karamihan sa mga gamit natin ay pinakikilos ng
kuryente, dahil dito, dapat may mga bihasa dito
na nag-aayos at nagkukumpuni kagaya ng:
a) Electrician- Nag-aayos, nagkakabit ng linya ng
kuryente sa bahay, opisina, pagawaan, at
paaralan.
b) Lineman-Nangangalaga at nagkukumpuni ng linya
sa laba/loob ng bahay at ng linya ng mga telepono
c) Electronic Technician- Nagkukumpuni ng sirang
telibisyon, radio, DVD player at iba pa.
d) Automotive Technician- Nag-aayos at
nagkukumpuni ng linya ng kuryente ng mga
sasakyan tulad ng kotse, van at iba pa.
6.Nagpapaginhawa at nagpapaunlad ng buhay
ng pamilya
7.Nagpapakilos sa mga gamit at aparato sa
industriya at lubos na nakatutulong sa pag-
unlad ng bansa.
Sa isang kalahating papel (1/2 crosswise) ,
gumawa ng isang poster (gumuhit) na
nagpapakita ng kahalagahan ng kuryente at
isulat kung bakit mahalaga ang kuryente sa
atin.
URI NG ELEKTRISIDAD
1. Static o Di-gumagalaw
- Kapag ikinuskuos ang isang bagay sa
ibang bagay tulad ng pagsusuklay,
nalilikha ang static electricity. Ang kidlat
ay isa pang uri ng static electricity mula sa
makapal na kumpon ng ulap.
2. Dynamic o Gumagalaw
- Nagbibigay ng enerhiya o lakas na
ginagamit natin sa araw-araw sa tahanan,
paaralan, opisina, at pagawaan sa
pamamagitan ng kawad. Tinatawag di
itong current electricity.
DALAWANG URI NG
DYANAMIC O CURRENT
ELECTRICITY
a) Direct Current (DC)
- Mula sa dry cell at storage batteries. Ang
mga ito ay ginagamit sa buzzer, electric
bell, flashlight, sasakyan at iba pa.
b) Alternating Current (AC)
- Karaniwang ginagamit sa linya sa bahay
at appliances. Ito ay mula sa generator o
power plant. Napapataas o napabababa ang
boltahe nito sa pamamagitan ng
transformer.

You might also like