You are on page 1of 1

Ang Ating Kalikasan: Mahalin at Alagaan

Ang kalikasan ay nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Sinasaklaw nito ang


mga bagay sa ating paligid, may buhay man o wala. Kabilang sa mga ito ang mga
hayop, halaman, yamang lupa at yamang tubig.
Mahalaga ang kalikasan sa ating buhay, sapagkat pinagkukunan natin ito ng
mga bagay na kailangan natin sa araw- araw. Ang mga halaman ay pinagkukunan
natin ng pagkain tulad ng gulay at prutas. Ang mga hayop tulad ng baboy, baka, at
manok ay nagbibigay sa atin ng gatas, itlog at karne.
Bilang isang mag-aaral makakatulong ako sa pagpapanatili ng kagandahan at
kalinisan ng ating kalikasan sa simpleng pamamaraan gaya ng pagtatapon ng
basura sa tamang tapunan. Ang pagtitipid sa paggamit ng tubig at kuryente. Ang
paggamit ng mga “recyclable materials” tulad ng papel, karton, lata, plastik at iba
pa ay makakabawas sa pagdami ng basura sa pamamagitan ng paggawa ng ibang
bagay yari sa mga materyales na ito.
Kabilang ako sa nakikinabang kay Inang Kalikasan kaya ako ay nangangako na
magiging responsable sa pangangalaga ng ating kalikasan. Tunay na dapat nating
mahalin at alagaan ang ating kalikasan upang patuloy niya tayong biyayaan sa
maraming paraan.

You might also like