You are on page 1of 1

Ang Tipaklong at ang Paruparo

“Masusukat ang katapatan ng isang kaibigan sa panahon ng


pangangailangan.”
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! Ang mga puno, maging ang mga halaman at
bulaklak ay nagsasayawan. May bagyo nang umagang iyon.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong sa kanyang mga kasama. “Kung bakit
kasi nakalabas pa ako sa aking pinagtataguang kahoy.”
“Kahit nakatago ka sa kahoy ay tiyak na giginawin ka rin. Wala naming tumatakip sa
katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng
kanyang kaibigang Paruparo.
“Kung nakakubli ako ay tiyak na hindi na ako mababasa,” ang malumanay na sagot ni
Tipaklong.
“Kung hindi ka naman lumabas sa pinagtataguan mo ay tiyak na hindi mo makikita ang
ganda ng paligid. Hindi mo madarama ang lamig ng hangin. Hindi mo maaamoy ang halimuyak
ng mga nababasang bulaklak. Hindi mo mahahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman,”
ang sagot ni Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang may pagsang-ayong sagot ni Tipaklong.
“Alam mo, Kaibigang Tipaklong, higit kang mapalad kaysa sa akin,” ang sabi ni Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang haba ng katawan mo. Ang tibay-tibay pa. Nagtataka nga ako kung bakit giniginaw
ka. Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip ng
malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, matatangay ang mga pakpak ko,”
ang sabi ni Paruparo.
“Manipis nga ang mga pakpak mo ngunit makukulay naman. Hindi ba’t takot ang ulan sa
nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Hindi liliparin ng hangin ang mga pakpak mo,”
ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.”
“Aanhin ko naman ang buhay kung wala na akong ganda? Paano na ako makalalapit kay
Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot na tanong ni Paruparo.
“Kung sabagay, tama ang sinabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man ay natatakot na kapag
hindi tumigil ang bagyo, mababali ang mga paa ko kahit na anong pagpigil ay ayaw huminto sa
panginginig ang mga paa ko dahil sa sobrang ginaw,” ang sabi ni Tipaklong.
“Ano kaya ang mabuti nating gawin upang makaiwas tayo sa bagyong ito at nang
maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may naisip akong paraan,” ang sabi ni Tipaklong.
“Paano?” ang tanong ni Paruparo.
“Magtago ka sa ilalim ng mga bulaklak,” ang mungkahi ni Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi siya malaglag habang
nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno,” ang sagot ni Tipaklong.
At sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo.

You might also like