You are on page 1of 31

Filipino 4 – Aralin 6

Lugar sa Pamayanan
Halina’t Pasyalan
Day 1
Layunin
Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggang kuwento
Nagagamit ang mga pamatnubay na salita ng diksiyonaryo
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang kuwento
Pagbabaybay
Unang Pagsusulit
Ano ang
naaalala mo
kapag naririnig
na may lakad?
May lakad ang mag-ama
kaya maaga silang gumising. Magbigay ng dalawang
Ano kaya ang ibig sabihin ng halimbawa nito.
may lakad?

Magbigay ng dalawang
halimbawa nito.
May
lakad
Magbigay ng tatlong salitang
kasingkahulugan nito.
Ano ang ibig sabihin
ng may lakad?
Gamitin ito sa
pangungusap.
Espesyal ang araw
na ito. May lakad
kami ni Tatay.
Pupunta kami sa
parke para mag-
ehersisyo at kumuha
ng mga retrato.
Sabi ni Tatay, kailangan daw
naming kumilos.
“Hindi malusog ang
mataba, Ramon. Kailangan
mong magbawas ng timbang.
“Bakit sina Nanay at Lola,
mabibilog?” pagtataka ko.
“Isusunod natin sila,” sagot
ni Tatay, sabay kindat.
Palihim kaming nangiti ni
Tatay.
Ngayon, Hindi
muna kami sasakay ng
jeep o traysikel.
“Hindi lahat ng
naglalakad, walang
pamasahe,” pabirong
sabi ni Tatay.
Nag-inat muna kami ng
aming mga binti at braso.
Inikot namin ang aming mga
balikat at iginiling-giling ang
mga balakang.
“Handa ka na ba?” tanong
ni Tatay.
“Handa na!” maliksi kong
sagot.
Sabay naming nilakad ang
naghihikab pang daan habang
papasikat ang araw.
Nakita namin si Aling Tasya
habang nagdidilig ng mga
bulaklak. Medyo mahirap na
siyang kumilos pero hindi siya
tumitigil. Lagi niyang
dinadamuhan ang hardin para
lumusog ang kanilang pananim.
“Magandang umaga,” bati
namin. “Puwede bang kunan ang
iyong mga bulaklak?”
Pumayag si Aling Tasya at
ipinagmalaki ang mga paborito
niya.
Laking pasalamat ni
Aling Tasya nang ipinag-
igib namin siya ni Tatay
ng limang baldeng tubig
na pandilig.
“Sasama ako minsan sa
inyong ehersisyo,”
pamamaalam niya sa
amin.
Itinuloy namin ni Tatay ang
paglalakad. Sa simula’y mabagal.
Tapos, bibilis. Babagal muli at
muling bibilis. Parang may
nagdaraang musiko sa dibdib namin
ni Tatay. Ilang sandali lang ay pawis
na ako.
‘Huwag kang matakot
pagpawisan,” naalala kong laging
payo ni Tatay. “Natutuwa ang iyong
puso kapag ika’y gumagalaw.”
Hihinto kami sandali ni Tatay
upang kumuha ng mga retrato.
Ginulat kami ni Tatay ng
nagdaang mga siklista.
“Magandang araw!”
bati namin sa kanila.
Kumuha ako ng retrato ng
mga papalayong bisikleta.
Mukhang ulan ng
alikabok ang mga nakunan
ko.
Sa susunod kong
kaarawan, bisikleta ang
hihilingin kong regalo. Nais
kong tularan si Tatay na
nagbibisikleta papunta sa
kaniyang opisina. (Alam mo
bang “Padyakero” ang
palayaw sa kaniya ng mga
kaopisina at kaibigan niya?)
Masaya sa parke ,
nakaiindak ang musika at
panay hiyawan at
hagalpakan ang maririnig
sa paligid.
Ganito rito tuwing
umaga: parang sirko,
parang piyesta ng
maliliksing katawan.
Tumingin sa akin si
Tatay. Parang nabasa
niya ang iniisip ko.
“Sige, sumama ka
na sa kanila.
Pagbutihin mo,”
nakangiti niyang sabi.
Natapos na ang ehersisyo.
Umiindak pa rin ang paligid ko. Ang
gaan-gaan ng aking pakiramdam,
para bang nakaangkas ako sa
hangin.
“Meryenda na tayo,” sabi ni
Tatay.
Ipinakita sa akin ni Tatay ang
mga kuha niyang larawan. Ang
galing kong mag-ehersisyo!
Sa susunod,isasama na naming
sina Nanay, Lola, at Lolo.
Hindi na ako makapaghintay sa
susunod naming lakad ni Tatay!
Saan ka huling
nakapamasyal?
Sino ang kasama mo?
Ano-ano ang ginawa
ninyo?
Saan ang
lakad ng
mag-ama?
Gawin Natin
Ipakita ang balat pabalat ng aklat.

Ano ang pamagat ng


kuwento?
Sino ang sumulat
nito?
Sino ang taga-guhit?
Sa mga larawang nakita ninyo, ano
ang gusto ninyong malaman sa
kuwento?
Ano kaya ang mangyayari sa kuwento?
Isulat ang sagot sa prediction chart.

Hula Ko Tunay na Pangyayari


Balikan ang prediction chart bago
basahin ang kuwento.
Hula Ko Tunay na Pangyayari
Pagbasa ng kuwento
May Lakad Kami Ni Tatay
Eugene Y. Evasco
LG & M
Sino ang mga tauhan sa kuwento?
Ipakilala ang bawat isa.
Bakit espesyal ang araw na iyon para
sa kanila?
Ilarawan ang tagpuan ng kuwento.
Ano ang damdaming iyong
naramdaman matapos mapakinggan
ang kuwento?Bakit?
Kapani-paniwala ba ang mga tagpo sa
maikling kuwento?Patunayan.
Paano nagwakas ang kuwento?
Kung ikaw ang may-akda,paano mo
wawakasan ang kuwento?
Ipaliwanag ang dahilan ng pagbibigay
ng sariling wakas.
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
Ibahagi sa kapangkat ang bahaging
nagustuhan sa kuwento.
Maghanda na maikling dula-dulaan ng
isang pangyayaring naibigan ng lahat sa
pangkat.
Gawin Mo
Lakbayin natin ang lugar na
kanilang pinuntahan sa
pamamagitan ng pagsagot ng
mga tanong na nasa mapa.
Saan ang lakad ng mag-ama?

Kung may nais kang


puntahang isang lugar sa
mapa,paano ka magpapaalam sa
nakatatanda sa iyo?
Saan-saan nagpunta ang
mag-ama?
Gumawa ng mapa upang
masagot ang tanong na ito.

You might also like