You are on page 1of 18

“Pagsagot sa mga Tanong

Tungkol sa
Napakinggang Pabula”
Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng
Bagong Aralin
Pahanapin ng kapareha ang bawat isa.
Ibahagi ang sagot sa mga tanong na
ibibigay.
Tanong:
Sino ang iyong matalik na kaibigan?
Ilarawan siya.
Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Kuhanin ang pananaw ng mag-aaral sa:
masusubok ang tunay na kaibigan sa
oras ng pangangailangan.
Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
Paano maipakikita ang pagiging
mabuting kaibigan?
Basahin nang malakas ang pabulang
“Ang Tipaklong at ang Parupario” sa
mag-aaral
(MISOSA 6824, pp. 2-3)
Habang Bumabasa
“Ang Tipaklong at ang Paruparo
Kay lakas ng ulan! Kay lakas din ng hangin! Ang
mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay
nagsasayawan. May bagyo ng umagang iyon. “Ginaw
na ginaw na ako,” ang sabi ni Tipaklong sa kanyang
mga kasama. “Kung bakit nakalabas pa ako sa
akingpinagtataguang kahoy.”
“kahit nakatago ka sa kahoy ay tiyak na
giginawin ka rin. Wala namang tumatakip sa katawan
mo. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong
pinagtataguan? Ang tanong ng kanyang kaibigang
paruparo.
“Kung nakakubli ako ay tiyak na hindi ako
mababasa,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Kung hindi ka naman lumabas sa
pinagtataguan mo ay tiyak na hindi mo makikita ang
ganda ng paligid. Hindi mo madarama ang lamig ng
hangin. Hindi mo maamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Hindi mo mahahawakan ang
dulas ng mga dahon at halaman,” ang sagot ni
Paruparo.
“Oo nga ano?” ang may pagsang-ayon na sagot
ni Tipaklong.
“Alam mo kaibigang Tipaklong, higit kang
mapalad kaysa sa akin,” ang sabi ni Paruparo.
“Bakit mo naman nasabi yan?” ang tanong ni
Tipaklong.
“Ang haba kasi ng katawan mo. Ang tibay-tibay
pa. Nagtataka nga ako kung bakit giniginaw
ka.Samantalang ako ang nipis-nipis ng aking katawan.
Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin
at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, matatangay
ang pakpak ko.” ang sabi ni Paruparo.
“Manipis nga pakpak mo ngunit makukulay
naman. Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw mong
kulay? Huwag kang magalala. Hindi liliparin ng hangin
ang pakpak mo,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, eh ano
kung liparan ang mga pakpak mo? Ang mahalaga ay
buhay ka.”
“Aanhin ko naman ang buhay kung wala na
akong ganda? Paano na ako makalalapit kay bulaklak
kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot
na tanong ni Paruparo.
“Kung sabagay, tama ang sinabi mo, kaibigang
paruparo.
Ako naman ay natatakot na kapag hindi tumigil
ang bagyo, mababali ang mga paa ko kahit na anong
pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig dahil sa
sobrang ginaw,” ang sabi ni Tipaklong.
“Ano kaya ang mabuti nating gawin upang
makaiwas tayo sa bagyong ito at nang maligtas ang
ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Magtago ka sa ilalim ng bulaklak,” ang
mungkahi ni Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni
Paruparo.
“Babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan
mo para hindi siya malaglag habang nakakapit ako
at nagtatago sa sana ng puno,” ang sagot ni
Tipaklong.
At sabay na lumapit sa bulaklak ang
magkaibigang si Paruparo at si Tipaklong.
Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad
ng Bagong Kasanayan #1:
Sagutan ng bawat pangkat ng mag-aaral.
Maghanda ng
malikhaing pag-uulat.
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan
ang bawat isa.
2. Ano ang problema ng magkakaibigan sa
kuwento?
3. Paano ito nalutas?
4. Bakit maituturing na magkaibigan sina
Paruparo at Tipaklong?
Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad
ng Bagong Kasanayan #2.

“Sagutan ang mga


tanong sa
MISOSA 6824, pp.
3.”
• Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-
araw na Buhay.

Sino sa dalawang magkaibigan ang


naibigan mo? Ipaliwanag ang sagot.
Paglalahat ng Aralin
Balikan mo ang mga pangyayari sa kuwento. Subukin mong
pagsunudsunurin
ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa
patlang.
Sipiin at sagutin ito sa iyong sagutang papel.
______ Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.
______ Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang
paruparo at
tipaklong.
______ May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at
hangin. Ang
mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay
nagsasayawan.
______ Nagtago sa ilalim bulaklak ang
paruparo at binantayan siya ni
Tipaklong.
______ Lumabas si Tipaklong sa
pinagtataguang kahoy.
______ Nadarama ang lamig ng hangin,
naaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Nahawakan ang dulas
ng mga dahon at
halaman.
Ganito rin ba ang naging pagkakasunud-sunod ng iyong
mga sagot. Kung
ganito, binabati kita. TAMA KA!
1. May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at
hangin. Ang
mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay
nagsasayawan.
2. Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
3. Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang
halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga
dahon at
halaman.
4. Patuloy na pag-ihip ng malakas
na hangin.
5. Sabay na lumapit sa bulaklak
ang magkaibigang paru-paro at
tipaklong.
6. Nagtago sa bulaklak ang
paruparo at binantayan siya ni
Tipaklong.
KARAGDAGANG GAWAIN:
Mula sa binasang kuwento, sumulat ka ng isang
reaksyon sa mga naranasan ng
magkaibigan. Naranasan mo na ba ito? Gawing gabay
ang tanong na
“Masusukat ba ang katapatan ng isang kaibigan sa
panahon ng
pangangailangan?”. Gamitin mo ang mga panghalip
na iyong natutuhan.
SIMULAN MO!
____________________________________________
______________________________________

You might also like