You are on page 1of 16

LESSON 3: Pagsusunod-sunod

ng mga Pangyayari sa
Tekstong Napakinggan
(kronolohikal na pagsusunod-
sunod)
Balikan:
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot mula
sa loob ng kahon.

1.Ang ________ay isang maikling mensahe na


nagpapahatid nga mahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng iba’t-ibang anyo ng
komunikasyon.
patalastas
2.Sa paggawa o pagsulat ng isang patalastas kailangang
alamin ang __________ ng namimili.
pangangailangan
3.Kailangang __________ ang paksa sa isang babala o
patalastas.
tiyak
4.Ang patalastas ay sumasagot sa mga katanungang___,
ano, sino at saan
5.Sa pagsulat ng patalastas, kailangang ito ay hindi
mahaba, bagkos ito ay __________ lamang.
maikli
Ano ang makikita sa larawan?
Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.

Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng


pangangailangan. Kay lakas ng ulan! Kay lakas din ng hangin!
May bagyo nang umagang iyon. Nagsasayawan ang mga puno
maging ang mga halaman at bulaklak. “Ginaw na ginaw na
ako,” ang sabi ni Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi
ako sa aking pinagtataguang kahoy”. “Tiyak na giginawin ka
rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang bumabalot sa
katawan mo. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong
pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo.
Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang
malumanay na sagot ni Tipaklong. “Hindi mo naman makikita
ang ganda ng paligid kung hindi ka lalabas sa pinagtaguan mo.
Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo
maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang
dulas ng mga dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,”
ang sagot ni Paruparo. “Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong
na may pagsang-ayon. “Higit kang mapalad kaysa sa akin
kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo. “Bakit mo naman
nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong. “Ang katawan mo ay
mahaba, matibay pa. Bakit giniginaw ka pa? Samantalang ako,
ang nipis-nipis ng aking katawan.
Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin at
pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay
matatangay,” ang sabi ni Paruparo. “Makukulay ang mga
pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan
sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga
pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni
Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang mga pakpak mo?
Ang mahalaga’y buhay ka.” “Kung wala na akong ganda,
aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako makalalapit kay
Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot
na tanong ni Paruparo. “Kung sabagay, tama ang sinasabi
Ako man ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa
sobrang ginaw mababali ang aking mga paa na kahit anong
pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong.
“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti
nating gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni
Paruparo. “Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni
Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni Paruparo. “Sa ilalim ka ng
mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong. “At ikaw
naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo. “Habang nakakapit
ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang
bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni
Tipaklong. At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si
Sagutin ang mga tanong:
1. Kailan mo masasabing may bagyong darating?
2. Ano ang maaaring mangyari kung magkubli na lamang si
Tipaklong?
3. Kung makapal ang katawan ng paruparo, ano kaya ang maaaring
mangyari?
4. Bakit nakatulong sa paruparo ang makulay nitong pakpak?
5. Ano ang sinabi ni Tipaklong upang lumakas ang loob ni
Paruparo?
6. Ano ang ikinatatakot ng dalawa kaugnay ng sama ng panahon?
7. Patunayang pinahahalagahan ni Paruparo ang ganda ng
kalikasan.
8. Paano pinatunayang magkaibigan ang pagmamahal nila sa isa’t
Gawin Ninyo
Balikan ninyo ang mga pangyayari sa kuwento. Pagsunud-sunurin ang mga ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa patlang.
______Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin.
______Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at
tipaklong.
______May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin.
Ang mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak aynagsasayawan.
______Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya
ni Tipaklong.
______Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
______Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng
mga nababasang bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga dahon at
halaman.
LESSON 4: Mapakinggan ang Isang
Salaysay

Tuklasin :
Sa pagbubuo ng mga tanong kailangan
ang mga salita sa tanong ay kaugnay sa
kuwentong napakinggan o nabasa.
Pista sa Barangay

“Heto na ang musiko. Baba na ako,” sigaw ni Bert sa mga


kalaro.“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling
bumaba sa puno ng makopa ang mga bata. Nagkagulo ang
mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sa saliw
ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang umiko’t ikot ang mga
majorette at ang kanilang baton habang tumutugtog ang
banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang
saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may
adobong manok, mitsadong karne ng baka, paksiw na pata at
marami pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may
prusisyon sila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya
at nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon.
Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang
araw pagkatapos ng pista. Pata at malata ang katawan
ng mga tao. Kung wala silang natirang handa ay magtitiis
na lang sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang gabi.
Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting nang
nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at
ipinaghahanda, subalit sa abot na lang ng kanilang
makakaya.
Sagutan ninyo ang mga tanong.

1. Anong sinabi ni Bert sa bagong mga kalaro?


2. Paano mo mailalarawan ang pista sa
barangay?
3. Ano ang suot ng matatanda kung sila ay
nagpuprusisyon?
4. Ano-anong pagkain ang makikita sa mesa?
5. Masaya ka rin ba kung pista sa inyong pook?
Gawin Mo
Ngayon, basahin mo ang sumusunod na usapan.Sumulat ng
limang tanong mula sa iyong nabasa.
Tirik na ang araw ng magising si Ian. Pinuntahan niya
kaagad ang kaibigan niya na sina Lyn at Ryan. “Ryan, Lyn tara
na! Maligo na tayo sa ilog mataas na ang tubig sa ngayon.” sabi
ni Ian. “Hindi kami pinahintulutan ni Nanay na maligo sapagkat
ipinagbabawal daw na lumabas ang mga bata ngayon, lalong-
lalo na ang maligo sa mag ilog.” sabi naman ni Lyn.”Ngunit
napag-usapan na natin iyan kahapo, sige na, sandali lang tayo
doon” ani Ian. Ngunit hindi talaga sumama sa kanya ang
magkapatid, kaya umuwi na lang si Ian sa kanilang bahay.
Isaisip:
* Sa pagbubuo ng mga tanong
kailangan ang mga salita sa tanong
ay kaugnay sa kuwentong
napakinggan o nabasa.

You might also like