You are on page 1of 5

Ang Lawin, ang Sisiw, at ang Uwang

Magaganda ang ibon. Higit silang maganda kaysa sa ibang uri


ng mga hayop na lumilipad. Ang pagmamasid sa kanila ay
nakalilibang at nakapapawi ng mga suliranin. Maraming uri ang mga
ibon. Sari-sari ang kanilang anyo, kulay at laki. May mga ibong maliit.
Mayroon ding malaki. Ang lawin ang pinakamalaki sa mga
pangkaraniwang ibong nakikita natin sa paligid.

Higit na malaki ang lawin kaysa sa pipit. Ang lawin ay lalong


kilala bilang hari ng mga ibon. Mahilig siyang mandagit ng mga
sisiw. Isang araw, habang naglalaro ang mga inakay ng isang
inahing manok, isa sa kanila ang napahiwalay sa kanyang mga
kasamahan. Malakas ang siyap ng sisiw sa paghanap sa kanyang
mga kapatid. Higit na malakas ang siyap ng inahin sa pagtawag sa
anak. Ngunit sa kasamaang palad, lalong napalayo ang naligaw na
sisiw sa kanyang mga kasamahan. Sa kanyang pag-iyak, narinig
siya ng lawin. Nabighani ito sa kanyang huni at nang mapansin
nitong nag-iisa lamang ang sisiw, dali-dali niya itong tinugis. Nakita
naman agad ng sisiw ang lawin kaya matulin itong nagtago sa
isang butas na tinitirhan ng isang maliit na uwang. Kahit maliit ang
uwang, siya ay kasintapang din ng lawin. Nang makita niya ang
balak gawin ng lawin, agad niyang pinakiusapan ito na huwag
sanang saktan ang kaawa- awang sisiw.
“Huwag mo sanang saktan ang sisiw. Higit na mahina siya kaysa
sa iyo,” sabi ng uwang.
Ngunit nagalit pa sa kanya ang lawin. Ang sabi nito, “Magagawa
kong lahat ang gusto ko sapagkat ako ang hari ng mga ibon. Ako ang
pinakamakapangyarihan sa lahat.”
“Ikaw nga. Ngunit hindi mo ba alam na maaaring magkaroon ka
rin ng katapat sa iyong mga kasamaan?” sagot ng uwang. “May higit
na malakas, matapang, at makapangyarihan kaysa sa iyo.”
Nagalit ang lawin sa sinabi ng uwang. Bigla niya itong tinabig
kasabay ng pagdukot sa takut na takot na sisiw na nasa taguan.
Ginamit ng lawin ang matutulis niyang kuko sa pagsaklot sa sisiw.
Kanya itong inilipad sa kanyang pugad.
Sa ginawang ito ng lawin, nagalit din ang uwang. Sinundan ng
uwang ang lawin upang alamin kung saan ito tumitigil. Nakita naman
ng uwang ang pugad ng lawin at sinagip ang takut na takot na sisiw.
Sagutin:

1. Paano pinaghambing ang lawin at ang uwang?


2. Paano naman pinaghambing ang lawin at ang sisiw?
3. Paano naman inihambing ng lawin ang kanyang sarili sa iba?
4. Paano inihambing ang ibon sa ibang uri ng hayop na lumilipad?
5. Kung ikaw ang pagpipiliin, alin ang gusto mong maging katulad,
ang lawin o ang uwang? Ipaliwanag.

Narito ang mga pangungusap na hango sa pabulang iyong


binasa. Pag-aralan mo.

A. Malakas ang siyap ng sisiw sa paghanap sa kanyang mga


kapatid.

B. 1. Higit na malakas ang siyap ng inahin sa pagtawag sa anak.


2. Ang uwang ay kasintapang din ng lawin.

C. Ang lawin ang pinakamalaki sa mga pangkaraniwang


ibong makikita natin sa paligid.

- Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?


- pang-uri

- Ano ang pang-uri?


- Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan o
panghalip?
- Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan.

Sa pangungusap sa A, ano ang pang-uri? Ano at ilan ang


inilalarawan nito?
- Ang pang-uri ay malakas at ang inilalarawan nito ay
ang pagsiyap ng sisiw. Isa lang ang inilalarawan nito.
- Ang pang-uri ay nasa antas lantay kung iisang tao,
bagay, hayop o pook ang inilalarawan.

Sa pangungusap sa B. 1., ano ang pang-uri? Ano ang


pinaghahambing nito?
- Ang pang-uri ay higit na malakas at ang pinaghahambing
nito ay ang pagsiyap ng sisiw at pagsiyap ng ina kahit hindi
na lantarang binanggit sa pangungusap ang pagsiyap ng
anak.
Ilan ang pinaghambing?
- Dalawa ang pinaghahambing. Ang pang-uri ay nasa
antas pahambing kung dalawa ang pinaghahambing.

Magkatulad ba ang katangiang inihahambing?


- Hindi magkatulad ang katangiang inihahambing kaya
ginagamitan ng salitang higit. Maaari ring gamitin ang
mas.
- halimbawa: mas maganda

Sa pangungusap sa B-2, ano ang pang-uri? Ano ang


pinaghahambing nito?

Ang pang-uri ay kasintapang at ang pinaghahambing ay ang


uwang at lawin.

Ilan ang pinaghahambing?


- dalawa ang pinaghahambing

Magkatulad ba ang katangiang pinaghahambing?


- Magkatulad ang katangiang pinaghahambing kaya
ginagamitan ng panlaping kasing. Maaari ring gamitin
ang magkasin.
- Halimbawa: magkasintayog

Sa pangungusap sa C, ano ang pang-uri? Ano ang


pinaghahambing?

- Ang pang-uri ay pinakamalaki at ang pinaghahambing ay


ang lawin at mga ibon.

Ilan ang pinaghahambing?

- Higit sa dalawa ang pinaghahambing. Nasa antas


pasukdol ang pang-uri kung higit sa dalawang tao,
bagay, hayop o pook ang pinaghahambing at ang isa ay
nagtataglay ng pinakamataas na katangian sa lahat.
- Nilalapian ng pinaka, napaka o sinasamahan ng ubod,
sukdulan, nuno, lubha, masyado, totoo, talaga, tunay
ang pasukdol.

170
Gawin Natin

Gawain 1

Punan ang patlang ng wastong anyo ng pang-uri na angkop sa


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sina Edward at Ramon ay _ (taas).


2. _ _ (bilis) ang usa kung tumakbo.
(likot) sa mga
3. Ang aking bunsong kapatid ang __ _
batang lalaki.

4. _ _ (hinahon) siya sa lahat ng oras at pagkakataon.


5. Ang hilaw na mangga ay __ (asim) kaysa sa sampalok.

Tapos na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

Ilan ang nakuha mo? Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka!
Magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain.

Kung 3 o pababa naman ang nakuha mo, sagutin mo muna ang


Gawain 1 A.

Gawain 1 A

Piliin ang pang-uri na angkop sa pangungusap. Isulat ang sagot


sa sagutang papel.

1. (Matayog, Mas matayog, Kasintayog) ng pangarap ng


kanyang ama ang pangarap ni Mauro.

2. Ang Pilipinas ang (unang, higit na unang, pinakaunang)


Republika sa buong Asya.

3. (Malayo, Magsinglayo, Pinakamalayo) ang Maynila sa Herusalem.


4. (Magiting, Paris na magiting, Pinakamagiting) sina Dr. Rizal at
Andres Bonifacio.

5. Si Mando ay (mahusay, mas mahusay, hari ng husay) na aktor.

Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.


Ilan ang nakuha mo? Ngayon, magpatuloy ka na sa Mga Dagdag
na Gawain.

You might also like