Professional Documents
Culture Documents
Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising kay Buknoy. Sinundan
ito ng tapik sa kaniyang balikat ng kaniyang ina nang mapansing halos ayaw pa
niyang bumangon sa higaan. Laging ganito ang senaryo sa umaga bago siya
makapasok ng paaralan. Kung minsan pa nga’y mas nagigising ang dugo niya sa
sigaw ng kaniyang nanay lalo na kapag kilos pagong siya sa umaga. “Wala ka bang
planong pumasok, Buknoy? Sinabi ko na sa’yong tigilan mo yang pagbababad sa
kompyuter kung hindi mo magawang gumising nang maaga. Anong oras na? Hindi
ka ba nahihiya sa titser mo at lagi kang huli sa klase ninyo?” paulit-ulit na tanong
ng kaniyang ina sa mga araw na may pasok siya.Kapag narinig na niya ang
ganitong litanya ng kaniyang ina, saka pa lamang siya mapipilitang bumangon at
magmadali sa paliligo. Kung minsan pa nga’y di na niya nagagawang mag-almusal
dahil ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin ng kaniyang ina. Sa isip-isip
niya hindi niya kailangang magmadali dahil sampung dipa lang naman ang layo ng
kanilang bahay sa kanilang paaralan. Ang pinagtataka lamang niya sa tuwing
papasok siya ng klase ay laging nauuna sa kaniya ang kaniyang mga kamag-aral at
ang kaniyang guro sa Filipino na si Bb. Maliksi. “Anong oras na, Buknoy? Bakit
huli ka naman? Hindi ba’t diyan lang ang bahay niyo?” ito naman lagi ang bungad
sa kaniya ng kaniyang guro. Mapapakamot naman siya sa ulo at hihingi ng
patawad sa pagkahuli sa klase. Tulad sa mga tanong ng kaniyang Nanay Linda,
hindi niya rin kayang sagutin ang mga tanong na ito ng kaniyang guro sa tuwing
nahuhuli siya sa pagpasok. Mas matimbang sa kaniya ang paglalaro ng mga
computer games kaysa pag-aaral. Hindi naman niya masabi na ito ang dahilan
sapagkat alam niyang mali ang kaniyang ginagawaLunes ng umaga, huli na naman
siyang dumating sa klase pero nagulat siya dahil may nakasabay siyang kaklase.
Napangiti siya dahil hindi lang siya ang mapapagalitan ngayon kundi dalawa na
sila. Sa kaniyang paglapit sa may pintuan, nagtataka siya kung bakit ayaw pang
pumasok ni Gido. “Bakit hindi ka pa pumapasok? Natatakot ka ba kay mam? Ako?
Hindi na syempre! Sanay na akong mapagalitan eh! tila may pagmamayabang pa
sa pagsasalita ni Buknoy. Hindi naman umiimik ang kaniyang kausap.
Nakayuko lamang ito at mukhang nahihiya sa pagkahuli sa klase. Ilang sandali pa,
lumapit sa kanila si Bb. Maliksi. Hindi na siya tinanong nito. Naisip niya na baka
nanawa na ito sa katatanong sa kaniya kung bakit huli na naman siya sa klase. Si
Gido ang hinarap nito.
Sa mga sandaling iyon, tila napahiya naman sa sarili si Buknoy. Natulala siya sa
kaniyang kinauupuan. Naisip niya ang kalagayan ng kaniyang kaklaseng si Gido
na malayo sa masarap na buhay na tinatamasa niya. Hindi naman sila mayaman
pero alam niyang nakukuha niya ano man ang hilingin niya sa kaniyang mga
magulang. Tulad na lang ng kinahuhumalingan niya ngayon na paggamit ng
kompyuter dahil sa mga laro tulad ng Dota. Dahil sa nangyari nang araw na iyon,
pinilit ni Buknoy na pigilan ang sarili na magbabad sa paggamit ng kompyuter.
Pagdating ng bahay ay ginawa niya muna ang kaniyang mga takdang-aralin.
Pagkatapos maghapunan, naglaro lamang siya sa loob ng 30 na minuto. Bago
matulog ay inihanda na niya ang mga gamit sa pagpasok. Siniguro niya na alas-9
ng gabi ay tulog na siya sapagkat alas-5 ng umaga kailangang gising na siya upang
hindi mahuli sa klase ni Bb. Maliksi.
Sagutin ang mga tanong matapos mapakinggan ang kuwentong babasahin ng guro