You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

 DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
Sto. Tomas East District
JESUS LUMAIN ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino 3

I.LAYUNIN:
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pagtatalakay ng iba’t ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan.

II. PAKSANG-ARALIN:
Pandiwa

Sanggunian:
Filipino Curriculum Guide 3
Batang Pinoy Ako 3 Batayang Aklat sa Filipino pp.21-22
Pluma 3 pp.16-188

Kagamitan: mga larawan, kwento


Pagpapahalaga: Makasunod sa mga Panuto ngLlaro.
III. MGA PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1.Balik-aral: Pagbibigay-wakas
2. Pagganyak/Pamukaw Sigla: Awitin ang (“Kung Ikaw ay Masaya”)
Pag-usapan ang awit.
3. Paghawan ng balakid
Kinukumpuni-inaayos ang sira

B.Panlinang na Gawain:
1.Pagganyak na tanong: ano ang pamilya?
2. Ipabasa ang kwento:
Pamilyang Kayganda

Kinukumpuni ng itay ang aming sirang aparador sa bahay habang ang aking ina ay
nagluluto ng ulam sa kusina. Ang aking kuya naman ang nagdidilig ng aming mga
halaman. Sa may sala nakikita ko si ate ang nagliligpit ng mga kalat samantalang ako
naman ay nagwawalis sa may bakuran. Ganyan kami nagtutulungan sa araw-araw.
Tuwing Linggo ay sabay-sabay kaming dadalo sa simbahan upang magdasal. Dito
nabigyan namin ang kinakailangan ng isa’t isa. Nasabi ko sa sarili ko na ako ang
pinakaswerte na bata sapagkat ang aking pamilya ay napakaganda.
3. Pagsagot sa mga tanong:
Sino ang kasapi ng pamilya?
Ano ang ginagawa ng bawat kasapi ?itala ang mga sagot sa pisara.
Saan nila ito ginagawa?
Paano kayo nagtutulungan sa mga gawain sa inyong sariling
tahanan?paaralan?pamayanan?
4.Gawain:
Ipabasang muli ang naitalang mga salita.
Ipagamit sa mga bata ang mga ito sa sariling pangungusap .
Ipabasang muli ang mga pangungusap na nagawa.
5.Pagsusuri:
Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit sa pangungusap?
Paano ninyo ito ginamit?

6. Paglalahat:Ano ang dapat tandaan tungkol sa mga salitang kilos o pandiwa?


7. Paglalapat: Gawain-Laro:Pangkatin ang klase sa tatlong pangkat.
Unang Pangkat – Iguhit ang sumusunod na mga salita.
1. nagwawalis 4. kumakanta
2. nagsusulat 5. Nagbabasa
3. kumakain
Ikalawang Pangkat – Gamitin ang mga sumusunod na salita sa
pangungusap.
1.naglalakad 3. lumulukso 5. naglalaro
2. sumasayaw 4. tumatakbo

Ikatlong Pangkat – Magbigay ng sampung halimbawa ng mga salitang kilos.

IV. Pagtataya:
K-. Bilugan ang pandiwang ginamit sa mga pangungusap. Formatted: Font: Century Gothic, 14 pt

1. Tuwing lingo ay sumisimba ang pamilya namin. Formatted: Font: Century Gothic, 14 pt

2. Maraming pamilya ang nakakasabay rin namin sa pagsisimba. Formatted: Font: Century Gothic, 14 pt

P- Buuin ang mga pangungusap gamit ang mga pandiwang tinutulungan at


pumapasok

1. ___________ sa paaralan ang mga bata.

2. ____________ ni Lyca ang matanda sa pagtawid sa kalsada.

U – Punan ng angkop na pandiwa upang mabuo ang diwa


ng talata.

1. May hawak na mikropono si Estella. Isinalang ang CD ng paboritong awitin. Formatted: Font: Century Gothic, 14 pt

Si Estella ay ________. 2. Kumuha naman ng aklat ang kapatid niyang si Henrey.


Binuklat niya ito. Si Henrey ay _________. 3. Naglabas ng mga plato, kutsara,
tinidor, at baso si ate. Inilabas ni ate ang pagkain. Tinawag niya ang lahat. Sila
ay _______. 4. Bago naupo ay tumahimik muna ang lahat. Yumuko at nag-
aatanda. Sila ay ________ bago kumain

P- Sumulat ng tig-iisang pangungusap gamit ang pandiwa na naghuhugas at


nagtatanim.

( naghuhugas)
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

( nagtatanim )
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like