You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 10
DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
TUDELA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Basirang, Tudela, Misamis Occidental

Filipino 7
Unang Markahang Pagsusulit
Set A: October 27-28, 2022; Set B: November 3-4, 2022

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ayon sa kwento, pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa. Ano kaya ang uri ng kanilang lugar na tinitirhan?
a. kagubatan c. tabing-dagat
b. lungsod d. kapatagan
2. Kumain nang mag-isa si Lokes a Mama at hindi niya inalok ang asawa. Ano ang mahihinuha rito?
a. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t lahat ng nais niya ang dapat na masunod
b. Ang babae ay kailangang may mahuli ring hayop bago kumain.
c. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
d. Ang babae ay hindi hinahayaang kumain ayon sa paniniwala.
3. Alam ni Lokes a Babay na niloloko lamang siya ng kaniyang asawa pero hindi niya ito pinapatulan. Mahihinuhang si Lokes a Babay
ay. . .
a. Magalitin c. masayahin
b. Mapagtimpi d. matampuhin
4. Umalis ang babae sa kaniyang tinitirahan at nagbantang hindi na babalik kailanman. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay
naniniwalang…
a. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
c. Ang babae ay maaaring umalis ng walang matibay na dahilan.
d. Ang babae, gaano man kabait ay napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili
5. Hindi pinapasok ni Lokes a Babay ang kaniyang asawa sa kaniyang tirahan. Si Lokes a Babay ay isang asawang...
a. Mahirap pakisamahan at walang nakakasundong tao
b. Nagging masama na rin ang ugali dahil sa kanyang kayamanan o salapi
c. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang asawa
d. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kaniyang asawa
6. Batay sa ipinakita sa kwento, ano kaya ang kalagayang panlipunan sa panahong iyon batay sa hanapbuhay ng mag-asawa?
a. Napakahirap c. napakasagana
b. Napakapayapa d. napakasaya
7. Batay sa pakikitungo ni Lokes a Mama kay Lokes a Babay, anong klaseng asawa si Lokes a Babay?
a. Makasarili c. matapobre
b. Mapagtimpi d. mayaman
8. Paano mo mailalarawan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa?
a. Magulo c. masalimuot
b. Masagana d. Masaya
9. Kung ikaw si Lokes a Mama, ano ang gagawin mo sa sitwasyong iiwan ka ng iyong asawa?
a. Maghahanap ng iba c. Manirahang mag-isa sa bahay
b. Magpapaganda sa sarili d. Aalis nang di magpapakita kailanman
10. Ang sumusunod ay nakatutulong sa pagkakaroon nang maayos na relasyon sa kapwa, paggalang o pagrespeto, at pagiging matapat
maliban sa isa.
a. Masayang pakikipag-ugnayan sa kapwa c. Tahimik na pamumunay
b. Magandang estado ng buhay d. Masalimuot na isipan
11. Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso maging ang asawa niyang si Lokes a Babay ay nangangaso rin.
Mahihinuhang ang pahayag na ito ay. . .
a. Masagana ang buhay ng mag-asawa c. Naghihirap ang mag-asawa
b. Pantay-pantay ang responsibilidad d. Pansariling pagsusumikap
12. Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang. Ano ang bunga sa pangungusap?
a. Bayaning nasusugatan c. ang tapang
b. Nag-iibayo ang tapang d. ang bayani
13. Malakas ang sikat ng araw kaya ang mga damit sa sampayan ay agad na natuyo. Ano ang sanhi sa pangungusap?
a. Ang mga damit sa sampayan c. agad natuyo
b. Malakas ang sikat ng araw d. ang sikat ng araw
14. Ang kanyang buhay ay umasenso dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ano ang bunga sa pangyayari?
a. Umasenso ang kanyang buhay c. kaya umasenso
b. Nakapagtapos siya ng pag-aaral d. siya
15. Tumaas ang presyo ng mga bilihin kaya naghihirap ang tao. Ano ang sanhi sa pangyayari?
a. Naghihirap ang mga tao c. ang mga tao
b. Tumaas ang presyo ng mga bilihin d. ang presyo ng mga bilihin
16. Mas dumarami ang kaso ng COVID-19. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a. Kakulangan ng salapi c. kakulangan ng disiplina ng tao
b. Kakulangan ng pamilya d. kakulangan ng medisina
17. Ang ama ni Ana ay nagkaroon ng sakit sa atay. Alin sa mga paliwanag ang angkop na sanhi?
a. Naliligo araw-araw c. labis na pag-inom ng alak
b. Nakababad sa araw d. nakatutok sa kompyuter

18. Si Martina ay nagsikap sa pag-aaral. Alin sa mga paliwanag ang angkop na bunga?
a. Magkakaroon ng maraming salapi c. magkakaroon ng propesyon
b. Maghihirap ang buhay d. magkakaroon ng mga kaibigan
19. Alin sa mga salawikain ang hindi nagsasaad ng sanhi at bunga?
a. Basta may sipag at tiyaga, may nilaga. c.Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
b. Kapag may isinuksok, may madudukot. d.Magbiro ka lang sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
20. “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.” Anong nais ipaliwanag ng sanhi at bunga sa salawikaing ito?
a. Kayang mangaliwa kahit may pamilya.
b. Kayang magkalkal ng basura ang tao para may makain.
c. Kayang magbuwis ng buhay ang tao para mabuhay lamang ang pamilya.
d. Kayang mangibang- bansa ang tao para maiahon ang pamilya sa kahirapan.
21. Alin sa mga sumusunod ang angkop na nagpapaliwanag sa salawikaing, “kapag may isinuksok ay may madudukot”?
a. Kapag may nailagay ay may makukuha.
b. Kapag may naipon, yayaman ang buhay.
c. Kapag marami ang salapi, marami din ang mabibili.
d. Kapag marunong mag-ipon, may magagamit sa pagdating ng panahon.
22. Ang pagtulong ng Sagip Kapamilya sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulking Mayon ay nagpapahiwatig ng pagiging
mapagmalasakit sa kapwa.
a. Nagpapakita c. Nagpapahiwatig
b. Nagpapatunay/ Katunayan d. kapani-paniwala
23. Ang tulong mula sa iba’t ibang panig ng bansa na umabot ng 20 bilyong piso ay naipamigay na sa mga taong mas nangangailangan
at ito’y labis nilang ikinatuwa.
a. Nagpapahiwatig c. kapani-paniwala
b. Pinatutunayan ng mga detalye d. nagpapakita
24. Pinatutunayan lamang ng mga nakalap na detalye na siya ay tunay na henyo.
a. Kapani-paniwala c. pinatutunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay/ Katunayan d. dokyumentaryong ebidensya
25. Hinatulan na ng Korte Suprema ang dating Senador na si Bong Revilla na kasangkot sa Pork Barrel Scam.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. dokyumentaryong ebidensya
b. Taglay ang matibay na konklusyon d. nagpapakita
26. Ayon sa mga nakalap na datos, kapani-paniwala na siya ang pumasok sa kanilang bahay na nagnakaw ng pera.
a. Kapani-paniwala c. pinatunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay/ katunayan d. dokyumentaryong ebidensya
27. Para mapatunayan ng isang reporter na totoo ang kanyang sinasabi sa pag-uulat ng mga balita, paano niya ito gagawin o sa sabihin?
a. Kinakailangan ng isang malikhaing sagot upang paniwalaan ng tagapakinig.
b. Kinakailangang gumamit ng mga bulaklaking mga salita upang paniwalaan ng tagapakinig.
c. Kinakailangang maglahad nang maayos na patunay at ebidensya upang paniwalaan ng tagapakinig.
d. Kinakailangang sabihin ang natapos na propesyon upang mas paniwalaan pa lalo ng tagapakinig.
28. Kinakailangan ba ang sapat na ebidensya upang maging kapani-paniwala at maayos ang paglalahad?
a. Oo, upang ang paliwanag ay katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.
b. Oo, upang maisiwalat ang lahat ng ebidensya sa mga tagapakinig.
c. Hindi, dahil ang mabulaklaking mga pahayag ay hindi na nangangailangan ng ebidensya.
d. Hindi, dahil nagsasayang lamang ng oras ang pagkalap ng mga datos o ebidensya upang paniwalaan.
29. Ito ang pahayag na nagbibigay-patunay at nagsasabing mahalagang masuri ang mga detalye para Makita ang katotohanan sa
pahayag.
a. Dokyumentaryong ebidensya c. Nagpapakita
b. Kapani-paniwala d. pinatutunayan ng mga detalye
30. Nakasaad sa mga salitang ito na ang ebidensya at patunay ay kapani-paniwala.
a. Kapani-paniwala c. pinatutunayan na detalye
b. Nagpapahiwatig d. taglay ang matibay na konklusyon
31. Bakit kaya nakaligtas si Pilandok sa kamay ni Baboy-ramo?
a. Dahil nakatago siya c. dahil kinaibigan niya si Baboy-ramo
b. Dahil nakaakyat siya sa puno d. dahil pinakian niya ng kaning-baboy si Baboy-ramo
32. Bakit kaya hindi kinain ni Baboy-ramo ang mangangaso?
a. Dahil mabilis itong nakapaputok ng kaniyang dalang riple at tinamaan niya ang Baboy-ramo
b. Dahil tumalon ito kaagad sa batis at lumangoy
c. Dahil kinaibigan niya ang Baboy-ramo
d. Dahil mabilis itong tumakbo papalayo
33. Hinabol ni Pilandok si Suso na makipagkarera sa kanya. Sa palagay mo, papaya kaya ang Suso gayong alam naman niya kung
gaano siya kabagal maglakad?
a. Hindi, dahil alam niyang matatalo lamang siya.
b. Hindi, dahil alam niya kung gaano katuso si Pilandok.
c. Oo, dahil usto ng Suso na mapagod si Pilandok.
d. Oo, dahil may nakahandang plano na ang mga Suso.
34. Kung may kaibigan kang kagaya ni Pilandok, ano kaya ang pinakamainam mong gagawin?
a. Iiwas na lamang sa kanya c. sasamahan siya palago
b. Kakaibiganin at maging kasabwat d. aawayin siya
35. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paano namatay ang baboy-ramo dahil sa panlilinlang ni Pilandok, ano kaya ang kanilang
gagawin?
a. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok
b. Pupurihin nila si Pilandok sa kanyang mga kapatid
c. Hindi sila makikialam kay Pilandok at hahayaan nila ito.
d. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok.

36. May mga taong tulad ni Pilandok bagama’t gaano na katalino ay may pagkakamali pa rin sa buhay. Kung sakaling ikaw ay katulad ni
Pilandok na nagkamali at napagsabihan, ano kaya ang nararapat na maging reaksyon mo?
a. Magagalit ako at aawayin ko ang nangwawasto sa akin.
b. Magpapakumbaba at tatanggapin ang aking kamalian at magpapasalamat.
c. Hindi ko na kakausapin ang taong nangwawasto sa akin.
d. Mamaliitin ko ang taong nangwawasto sa akin.
37. “Suso, sa kung paanong paraan mo man ginawa iyon, tinanggap kong tinalo mo ako”. Batay sa pahayag na ito, ano ang mahihinuha
mo kay Pilandok?
a. Mapagmataas c. mapagtimpi
b. Mapagkumbaba d. mahiyain
38. Lumabas ka ng bahay na hindi man lang nagsuot ng face mask dahil nakipaglaro ka sa iyong kapitbahay. Akmang-akma na pag-uwi
mo ay pananghalian na. Dahil sa gutom ay nakalimutan mong maghugas ng iyong mga kamay. Ano kaya ang posibleng mangyayari
sa iyong kalusugan?
a. Sa aking palagay, magiging malusog ako dahil hindi ko kinaklimutang kumain.
b. Sa aking palagay, magkakasakit ako dahil marumi ang aking kamay ng ako’y nananghalian.
c. Sa aking palagay, hindi ito makakaapekto sa aking kalusugan.
d. Sa aking palagay, magkakaroon ako na malakas na pangangatawan dahil kumain ako.
39. May nasalubong kang matanda sa daan na may maraming dala. Gusto ng matanda na tumawid sa daan ngunit hindi siya napansin
ng mga tao. Ano kaya ang mangyayari sa matanda?
a. Sa aking palagay, maaaring ang matanda ay matagalan sa pagtawid sa daan dahil takot siyang masagasaan.
b. Sa aking palagay, maaaring ang matanda ay hindi na lang tatawid sa daan dahil mapapagod siyang maghintay.
c. Sa aking palagay, maaaring ang matanda ay pupunta na lang sa ibang daan na wala masyadong daraan na sasakyan
d. Sa aking palagay, tatawid ang matanda dahil mabibigatan na siya sa kanyang mga dala.
40. Inutusan ka ng iyong ina na magsaing. Habang ikaw ay nagsasaing ay abalang-abala ka rin sa paglalaro ng iyong cellphone. Nang
biglang may naamoy kang sunog na kanin kasabay nang malakas na sigaw ng iyong ina. Ano sa tingin mo ang nangyari?
a. Sa aking palagay, nasunog ang aking sinaing dahil nalimutan ko sa kalalaro ko ng cellphone kaya nagalit ang aking ina.
b. Sa aking palagay, hindi naluto ang aking sinaing dahil nalimutan ko sa kalalaro ko ng cellphone kaya nagalit ang aking ina.
c. Sa aking palagay, pinagalitan ng aking ina ang kanyang sarili dahil inutusan niya ako.
d. Sa aking palagay, natuwa ang aking ina dahil naluto ang aking sinaing kanin.
41. Elemento ng maikling kwento na kung saan ito ang nagbibigay- buhay at maaaring maging masama o mabuti.
a. Tauhan c. tagpuan
b. Banghay d. kwento
42. Tumutukoy ito sa maayos at wastong pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Banghay c. tauhan
b. Tagpuan d. kwento
43. Ang kahihinatnan o resolusyon ng kwento na maaaring Masaya o malungkot.
a. Wakas c. kakalasan
b. Simula d. tunggalian
44. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong “Pagislam: Pagbibinyag ng mga Muslim”?
a. Aminah, Ibrah at Abdullah c. Amaya, Ibarro at Al Nasir
b. Ibarra, Amnah at Abdul d. Amanah, Ibarra at Abu Bakar
45. Saan nanganak ang asawa ni Ibrah na si Aminah?
a. Sa hospital c. Sa kanilang bahay
b. Sa kanilang sasakyan d. Sa kanilang bakuran
46. Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang kwento.
a. Banghay c. tauhan
b. Tagpuan d. kwento
47. Tumutukoy sa paglalaban ng pangunahing tauhan na sumasalungat rito.
a. Kakalasan c. Simula
b. Kasukdulan d. Tunggalian
48. Bakit kinakailangang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento bago magsuri ng isang dokyu-film?
a. dahil lalo kang mahihirapan sa pagsusuri sa mga mahahalagang pangyayari ng kuwento
b. dahil magiging maayos ang daloy ng pagsusuri sa mahahalagang pangyayari ng kuwento
c. dahil naglalahad ito nang maayos na pamamaraan ng pagkukuwento
d. dahil ibinibigay ang mga mahahalagang pangyayari sa dokyu-film

Para sa bilang 49-53, ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang pagkasusunod-sunod ng kwento. Isulat ang bilang 1,2,3,4,5
sa inyong papel.
_____49. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar.
_____50. May isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook at nagkaisa ang kanilang damdamin ngunit ang kanilang
pagmamahalan ay nananatiling lihim.
_____51. Mula noon, inaliw ng dalaga ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
_____52. Nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae sa lugar ng misyon.
_____53. Sa unang linggo, panay ang dating ng ilang sulat na punong-puno ng pagmamahal at pag-aalala.

Para sa bilang 54-57, punan ang patlang ng angkop na salitang nagpapakita ng pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang
diwa ng pagsasalaysay sa ibaba. Piliin ang titik ng sagot sa kahon at isulat ito sa papel.
a.Sa huli c. Kung kaya’t
b.Isang araw d. Hindi nagtagal
54. ____________ sumakay ng kaniyang motorsiklo si Rodrigo papunta sa kaniyang trabaho. Maya-maya, bumangga ang kaniyang motor sa
isang puno kaya’t bumagsak siya at nawalan ng malay. 55.____________ ay dumaan ang isang tao, staff pala ng baranggay na naka-off duty.
56.____________ dali-dali siyang dinala ng taong ito sa pagamutan kahit pa hindi naman siya kilala nito. 57.____________ laking pasasalamat
niya sa mabuting taong tumulong sa kaniya. Utang niya rito ang kaniyang buhay.

Para sa bilang 58-67, punan ang patlang ng angkop na salitang bubuo sa diwa ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng sagot sa loob ng
kahon at isulat ito sa iyong papel.
a.Sakaling e. dapat i. bago m. kung
b.Ngunit f. balang araw j. samantala n. pero
c.Kapag g. isang araw k. sapagkat
d.Palibhasa h. subalit l. dahil sa

58. ______ kamay na asero ang gagamitin para wala nang magtatapon ng basura sa waterways.

59. ________ may takot sa Diyos kaya agad humingi ng tawad.

60. Naging malinis ang ating kapaligiran ________ sobrang pag-aalaga nito.

61. ________ darating din ang suwerte mo.

62. Abala ang lahat ________ ikaw ay walang ginagawa sa bahay.

63. Magsipilyo nang tatlong beses sa ________ upang maiwasang masira ang mga ngipin.

64. Magdasal muna tayo ________ kumain ng hapunan.

65. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo ________ inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa iyo.

66. Ang ating mahal na pangulo ay may malasakit sa mga Pilipino ________ pinaiiral niya ang seguridad ng mga tao.

67. Tutulungan tayo ng Panginoon ________ magdasal tayo araw-araw.

68. Batay sa iyong pag-unawa, ano ang tunay na kahulugan ng karanasan?


a. Ang karanasan ay para lamang sa matatapang na mga tao.
b. Ang karanasan ay walang kaugnayan sa iyong buong pagkatao.
c. Ang karanasan ng isang tao ay nakadepende mismo sa kanyang sarili.
d. Ang karanasan ay bahagi ng pagkatao kaya huwag husgahan ang tao.
Para sa bilang 69-75, Basahin at unawain ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (√) kung makatotohanan ang pangyayari at ekis (X) naman kapag
hindi makatotohanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______69. Umaawit nang kayganda ang manok.


______70. Nangingitlog ang isang Tandang.
______71. Tumitilaok ang Tandang tuwing madaling araw.
______72. Dumudumi ng ginto ang manok.
______73. Ang Tandang ay isang uri ng manok.
______74. Mayroong bahagharing balahibo ang manok.
______75. Isang babaeng manok ang Tandang.

“Ang natutunan mo ngayon ay magiging gabay mo sa darating na panahon,

Huwag kang lumingon sa iyong katabi magtiwala at maging matapat sa iyong sarili.”

-Ma’am Jay

You might also like