You are on page 1of 6

Schools Division of Marinduque

Mogpog District
PUTING BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Puting Buhangin, Mogpog, Marinduque
School ID: 308803

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan:__________________________________________________________
Iskor:____________ Petsa:____________________

Test I: Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel .
1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” ang tahimik niyang naibulong sa
sarili”.
Mahihinuhang ang babaeng tulad ni Lokes a Babay ay…
a. matampuhin c. magalitin
b. mapagtimpi d. masayahin
2. “Pinagbilinan ni Lokes a Babay ang kaniyang mga guwardiya na huwag palalapitin sa kaniyang
magarang tahanan ang kaniyang asawa”.
Mahihinuhang si Lokes a Babay ay…
a. mapaghiganti at ikinatutuwa ang kapahamakan ng iba tulad ng kaniyang asawa
b. may itinatagong lakas ng kalooban at hindi kasinghina ng inaakala ng kaniyang asawa
c. mahirap pakisamahan at walang nakasusundong tao
d. naging masama na rin ang ugali dala ng kaniyang kayamanan o salapi
3. “Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabuhay sa pangangaso”. Mahihinuhang ang kanilang lugar
ay….
a. nasa gubat c. nasa lungsod
b. nasa tabing-dagat d. nasa kapatagang taniman ng palay
4. “Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo
na rin akong aabalahin”.
Mahihinuha sa sinabing ito ni Lokes a Babay na…
a. Ang babae ay gaano man kabait, napupuno rin at natututong ipagtanggol ang sarili.
b. Ang babae ay naghahanap ng kalinga at pagmamahal sa asawa.
c. Ang lalaki ay siyang hari sa kanilang tahanan.
d. Ang babae ay maaaring umalis kahit walang matibay na dahilan.
5. “Iniluto ni Lokes a Mama ang matabang usa at ito’y kaniyang kinaing mag-isa nang hindi man lang
inalok ang kaniyang tahimik at hindi tumutol na maybahay”.
Mahihinuhasa pahayag na ito na…
a. Ang lalaki ay pinuno o lider ng sambahayan kaya’t mas nagawa niya ang nais kaysa babae.
b. Ang lalaki ay siyang tagapagluto at tagapamahala sa kusina.
c. Ang babae ay hindi hinayaang kumain ayon sa paniniwala.
d. Ang babae ay kailangan munang may mahuli ring hayop bago makakain.
6. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. nagtataka c. natutuwa
b. nalulungkot d. naiiyak
7. Sa akdang ito, ang tinutukoy na isang mangangaso ay...
a. mag-asawa c. mag-ama
b. mag-ina d. magkapatid
8. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin.” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay…
a. nahihirapan c. matiisin
b. sumusuko d. maluhain
9. Ano ang maraming naipon ni Lokes a Babay na walang kamalay-malay si Lokes a Mama?
a. perlas c. salapi
b. diyamante d. ari-arian
10. “Hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso maging ang asawa niyang si Lokes a
Babay ay nangangaso rin.” Mahihinuhang ang pahayag na ito ay...
a. naghihirap ang mag-asawa
b. masagana ang buhay ng mag-asawa
c. pantay-pantay ang responsibilidad
d. pansariling pagsusumikap
11. “Pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao sa panahong naisulat ang kuwentong-bayan.” Ano ang
mahihinuha sa pahayag na ito?
a. Ang mga tao noon ay nagsusumikap sa kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan.
Schools Division of Marinduque
Mogpog District
PUTING BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Puting Buhangin, Mogpog, Marinduque
School ID: 308803

b. Naghihirap ang mga tao noon dahil wala silang hanapbuhay.


c. Pangangaso lamang ang hanapbuhay sa panahong iyon.
d. Hindi sila marunong humanap ng ikinabubuhay.

12. Ang mga sumusunod ay mga panghihinuha sa isang taong matapat at magalang sa kapwa maliban sa
isa.
a. masaya ang buhay c. kabutihan sa kapwa
b. magulong buhay d. maayos na relasyon sa kapwa
13. Ang pamumuhay na pangangaso ayon sa akda ay isang gawaing...
a. marangal c. mahirap
b. matiwasay d. masaklap
14. Ang mga sumusunod ay nakatutulong sa pagkakaroon nang maayos na relasyon sa kapwa, paggalang
at pagrerespeto, at pagiging matapat maliban sa isa.
a. tahimik na pamumuhay
b. magandang estado sa buhay
c. masayang pakikipag-ugnayan sa kapwa
d. masalimuot ang isipan
15. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Lokes a Mama, ano ang iyong mahihinuha kung iiwan ka ng iyong
asawa?
a. maghahanap ng iba
b. magpapaganda sa sarili
c. maninirahang mag-isa sa bahay
d. aalis nang hindi magpapakita kailanman

II. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel .
16.Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng mga ebidensiyang nakasulat, nakalarawan o naka-video?
a. Nagpapahiwatig c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Nagpapakita d. Nagpapatunay / Katunayan
17.Mga salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinapahayag.
a. Kapani-paniwala c. Pinatunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong edidensiya
18.Tumutukoy sa hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo na mga ebidensiya.
a. Nagpapahiwatig c. Kapani-paniwala
b. Pinatutunayan ng mga detalye d. Nagpapakita
19.Isang pahayag ng pagbibigay ng patunay na kung saan makikita mula sa mga detalye ang mga
patunay.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
20.Isang katunayang pinalalakas ang ebidensiya o impormasyon at totoo ang kongklusyon.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
21.Mga salitang naglalahad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.
a. Nagpapahiwatig c. Nagpapakita
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapatunay / Katunayan
22.Nakasaad sa mga salitang ito na ang ebisensiya at patunay ay kapani-paniwala o makapagpapatunay.
a. Nagpapakita c. Nagpapahiwatig
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Kapani-paniwala
23.Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay, maliban sa...
a. Dokumentaryong ebidensiya c. Pinatutunayan na detalye
b. Kakaibang Kongklusyon d. Kapani-paniwala
24.Alin sa mga sumusunod na mga pahayag sa pagbibigay ng patunay na nagsasabi na mahalagang
masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag?
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Kapani-paniwala
b. Nagpapakita d. Dokumetaryong ebidensiya
25.Ito ay mga ebidensiyang makikita o mahahawakan na magpapatunay sa isang bagay.
a. Kapani-paniwala c. Pinatutunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong ebidensiya
Schools Division of Marinduque
Mogpog District
PUTING BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Puting Buhangin, Mogpog, Marinduque
School ID: 308803

III. Pagpipilian
Panuto: Tukuyin kung anong pahayag na ginamit sa pagbibigay ng mga patunay sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel
26.Ang pagtulong ng Sagip Kapamilya sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Mayon ay
nagpapahiwatig ng pagiging mapagmalasakit sa kapwa tao.
a. Nagpapakita c. Nagpapahiwatig
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Kapani-paniwala
27.Ang tulong mula sa iba’t ibang panig ng bansa na umabot ng 20 bilyong piso ay naipamigay na sa mga
taong mas nangangailangan at ito’y labis nilang ikinatuwa.
a. Nagpapahiwatig c. Kapani-paniwala
b. Pinatutunayan ng mga detalye d. Nagpapakita
28.Pinatutunayan lamang ng mga nabanggit na detalye na siya ay isang tunay na henyo.
a. Kapani-paniwala c. Pinatunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay / Katunayan d. Dokumentaryong ebidensiya
29.Hinatulan na ng Korte Suprema ang dating Senador na si Bong Revilla na kasangkot sa Pork Barrel
Scam.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
30.Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwala na siya ang pumasok sa kanilang bahay na
nagnakaw ng pera.
a. Kapani-paniwala c. Pinatunayan ng mga detalye
b. Nagpapatunay/Katunayan d. Dokumentaryong edidensiya

TESTIII Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel .
31.Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
a. Wakas b. Kasukdulan c. Simula d. Kakalasan
32.Tumutukoy sa panahon at lugar kung saan naganap ang kuwento.
a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay d. Wakas
33.Sino ang nagsabi na ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay
ng pang-araw-araw na buhay?
a. Patrocino Villafuerte c. Jose Rizal
b. Genoveva Edroza-Matute d. Juan Luna
34.Isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa maikli at masining na paraan.
a. Alamat b. Pabula c. Epiko d.Maikling Kuwento
35.Tumutukoy sa paglalaban ng pangunahing tauhan na sumasalungat sa rito.
a. Simula b. Tunggalian c. Kakalasan d. Kasukdulan
36.Isang elemento ng maikling kuwento na siyang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa kuwento.
a. Tunggalian b. Wakas c. Tauhan d. Kasukdulan
37.Bakit kinakailangang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento bago magsuri ng isang dokyu-
film?
a. dahil lalo kang mahihirapan sa pagsusuri sa mga mahahalagang pangyayari ng kuwento
b. dahil magiging maayos ang daloy ng pagsusuri sa mahahalagang pangyayari ng kuwento
c. dahil naglalahad ito nang maayos na pamamaraan ng pagkukuwento
d. dahil ibinibigay ang mga mahahalagang pangyayari sa dokyu-film
38.Ang sumusunod ay mga elemento ng maikling kuwento maliban sa _____
a. Pagsusuri b. Tauhan c. Tagpuan d. Banghay
39.Anyo ito ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan.
a. Pabula b. Epiko c. Alamat d. Maikling Kuwento
Schools Division of Marinduque
Mogpog District
PUTING BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Puting Buhangin, Mogpog, Marinduque
School ID: 308803

40.Hindi ka makaliligtas sa bagsik at matalas na kuko ng halimaw _________ nakikita ka niya sa kahit
saang dako ka naroroon.
a. at b. upang c. sapagkat d. kung

TEST IV:Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap upang mabuo ang diwa.
Isulat ang tamang sagot..

41.Umuwi siya nang maaga______________ masama ang kaniyang pakiramdam.


A. dahil B. ngunit C. Subalit D.sakali
42.__________ ibibigay ko ang iyong hinihiling.
A. dahil B. Oo C. Maaari D.sakali
43. _________mang malihis ka ng landas ay huwag magdalawang-isip na tawagin ang Diyos.
A. Sakali B. Kung C. Maaari D.sakali
44.Natuwa ang kaniyang kapatid________- nangunguna siya sa klase.
A. sapagkat B. Kung C. kaya D.sakali
45._____ hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
A. sapagkat B. Kung C. kaya D. Dahil
46.Ang ating mahal na Pangulo ay may malasakit sa mga Pilipino _________ pinaiiral niya ang seguridad
sa mga
tao.
A. sapagkat B. Kung C. ngunit D. Dahil
47.Mayaman ang pamilyang Cruz ___________naghihikahos sa hirap ang pamilyang Lopez.
A. sakaling B. Kung C. ngunit D. samantalang
48.Naging malinis ang ating kapaligiran ____________ sobrang pag-aalaga nito.
A. sapagkat B. subalit C. ngunit D. Dahil sa
49._______--- darating din ang suwerte mo.
A. Huling araw B. subalit C. Balang araw D. Dahil sa
50.Abala ang lahat__________ikaw ay walang ginagawa sa bahay.
A. kaya B. Kung C. ngunit D. Dahil

Inihanda ni:

Judy Ann M. Musnit


Guro sa Asignatura

Sinuri ni:

Evangeline S. Luarca
Gurong Tagapamanihala
Schools Division of Marinduque
Mogpog District
PUTING BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Puting Buhangin, Mogpog, Marinduque
School ID: 308803

HAWAK MO’KO, PERO SA IBA KA NAKATINGIN

Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyanteng nag-eexam.


Hindi tumitingin sa iba, kahit nahihirapan na.
GOOD LUCK!
Schools Division of Marinduque
Mogpog District
PUTING BUHANGIN NATIONAL HIGH SCHOOL
Puting Buhangin, Mogpog, Marinduque
School ID: 308803

You might also like