You are on page 1of 3

ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL OF TAGOLOAN

Rosario, Tagoloan, Misamis Oriental

Pangalan: ____________________________________ Petsa: __________________


LAGUMANG PAGSUSULIT (UNANG MARKAHAN)
FILIPINO 7
I. PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. BILUGAN ang titik ng
tamang sagot.
1. Ayon sa kuwentong “Ang Munting Ibon”, pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-
asawa. Ano kaya ang uring lugar na kanilang tinitirahan?
a. nasa gubat c. nasa lungsod
b. nasa tabing-dagat d. nasa kapatagang taniman ng palay
2. Alam ni Lokes a Babay na niloloko lamang siya ng kaniyang asawa pero hindi niya ito
pinapatulan. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay isang...
a. matampuhin b. mapagtimpi c. magalitin d. masayahin
3. Ito ay mga ebidensiyang makikita o mahahawakan na magpapatunay sa isang
bagay.
a. Kapani-paniwala b. Nagpapatunay / Katunayan

c. Pinatutunayan ng mga detalye d. Dokumentaryong ebidensiya


4. Ang mga sumusunod ay ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay, maliban sa...
a. Dokumentaryong ebidensiya b. Kakaibang Kongklusyon
c. Pinatutunayan na detalye d. Kapani-paniwala
5. Hinatulan na ng Korte Suprema ang dating Senador na si Bong Revilla na kasangkot
sa Pork Barrel Scam.
a. Pinatutunayan ng mga detalye c. Dokumentaryong ebidensiya
b. Taglay ang matibay na kongklusyon d. Nagpapakita
6. Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento.
a. Kakalasan b. Kasukdulan c. Tunggalian d. Wakas
7. Elemento ng maikling kuwento na nagbibigay-buhay sa kuwento.
a. Banghay b. Tauhan c. Tagpuan d. Simula
8. Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. Banghay b. Tauhan c. Tagpuan d. Simula
9. ________ may takot sa Diyos kaya agad humingi ng tawad.
a. Dahil sa b. Kaya c. Kung d. Palibhasa
10. Ang ating mahal na pangulo ay may malasakit sa mga Pilipino ________ pinaiiral
niya ang seguridad ng mga tao. a. kung b. ngunit c. pero
d. sapagkat

II. PUMILI SA KAHON


Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa may
salungguhit. Maaaring may sagot na mauulit ng dalawang beses o higit pa.

a. Pananaliksik b. Paksa c. Layunin d. Datos e. Bibliyograpi

11. Ito ang magsisilbing sentro ng pag-uusapan sa gagawing pananaliksik.


__________________
12. Ang magsusuporta at maglalahad ng daloy sa gagawing pananaliksik ay
napakahalaga. ________________
13. Nakatala rito ang iba’t ibang sanggunian. ____________________
14. Ito ang gol kung bakit nais na gawin ang isang pananaliksik.
15. Ito ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin. ______________________
16. Ang pipiliing ___________ ay naaayon sa sariling interes.
17. Halimbawa nito ay mga aklat, artikulo, report peryodiko, magasin at lathalain.
____________________
18. Maging maingat sa pagkuha ng ___________ dahil maraming impormasyon ang
walang katotohanan.
19. Maaari ring gamitin nito ang internet. _______________________
20. Ito ay mayroong apat (4) na mga panimulang hakbang.
___________________________

III. Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay at
ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
__________21. Napakalungkot ng mga pangyayari sa ating mundo dahil sa lumulubong
bilang ng kaso ng COVID-19.
__________22. Ayon sa Department of Health (DOH), mapipigilan ang pagkalat ng
COVID-19 sa pamamagitan ng paghugas ng kamay, huwag hawakan ang iyong mukha,
at panatilihin ang dalawang metrong distansya sa iyong kapwa.
__________23. Ang tulong mula sa iba’t ibang panig ng bansa ay umabot na sa mahigit
20 bilyong piso na nagpapakita ng kabutihang-loob kahit anuman ang lahi.
__________24. Malungkot isipin na ang ilan sa ating kababayan ay nahihirapang
makahanap ng trabaho para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
__________25. Pinatutunayan sa mga estadistika na ang U.S ang nangunguna sa may
pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
__________26. Hinatulan na ng Korte Suprema si Janet Napoles na kasangkot sa Pork
Barrel Scam.
__________27. Ayon sa mga nakalap na larawan, kitang-kita na siya ang bumaril sa
lalaking nakasakay sa kotse.
__________28. Ayon sa isang pag-aaral, mas marami ang populasyon ng kababaihan
kaysa sa kalalakihan.
__________29. Magsumikap tayo upang makamit natin ang mga ninanais sa buhay.
__________30. Ayon sa mga nakalap na datos, kapani-paniwala na siya ang pumasok
sa kanilang bahay na nagnakaw ng mga alahas.

IV. Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang pagkasu-
sunod-sunod ng kuwento ng “Alamat ng Palendag” sa Modyul 4. Isulat ang bilang 1-5
sa salungguhit bago ang bilang.

________31. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong
lugar.
________32. May isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook at
nagkaisa ang kanilang damdamin ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nananatiling
lihim.
________33. Mula noon, inaliw ng dalaga ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang
pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.
________34. Nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata
ay ikinasal sa ibang babae sa lugar ng misyon.
________35. Sa unang linggo, panay ang dating ng ilang sulat na punong-puno ng
pagmamahal at pag-aalala.

“I’m not telling you it’s going to be easy, I’m just telling you it’s going to be worth it.”

You might also like