You are on page 1of 3

Noong unang panahon ang lalawigang Misamis ay pinamumunuan ng mga Kastila.

Ilan sa mga
lugar ng lalawigan na ito ay ang tinatawag na Simbalagon. Ag Simbalagon ay ang unang
panganlan ng lungsod ng Tudela.

Panandang ginagamit sa isang mahusay na panimula:

 Noong unang panahon


 Isang araw
 Sa simula

1. Ano ang tawag sa unang pangalan ng Tudela?


2. Batay sa diniinan na salita na makikita sa kwento, ano kaya sa tingin ninyo ang layunin
ng diinan na salita? Ipaliwanag
3. Bakit kaya sa tingin ninyo mahalaga ang paggamit ng mahusay na simula?
4. Magbigay pa ng mga halimbawang pahayag na maaaring gamitin sa isang mahusay na
simula?
Masisipag ang mga taong ito at marami silang naitanim na mga halamang gulay, kamote ,prutas
at iba pang pagkain na makukuha sa lupa.Ngunit dahil malupit ang pamamalakad ng mga
Kastila kailangan silang mag-ukol sa mga ito ng bahagi sa bunga na makukuha nila sa kanilang
lupain buwan-buwan. Kalahati ang hinihingi sa kanila at ang natitirang bahagi ay maiiwan sa
kanilang pamilya. Masakit man ito sa kalooban nila pagkat sila ang naghihirap sa pagtatanim
ngunit wala naman silang magawa kundi sundin na lamang ang utos na ito ng nakatataas.

Panandang ginagamit sa isang magandang pagkasunod-sunod na gitna:

 Nang lumaon
 Pagkatapos
 Samantala

1. Paano mo mailalarawan ang mga taong nakatira rito?


2. Ano ang kaugnayan o koneksyon ng diniinan na salita sa kwento?
3. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari kapag tatanggalin natin ang nakadiin na salita sa
kwento? Ipaliwanag.
Magbigay pa ng iba pang mga pahayag na maaaring gamitin sa pagpapahayag sa gitna.
Dahil dito ay wala nang sumubok na kalabanin ang mga dayuhang ito sa kadahilanang natatakot
silang matulad sa mga na una. Sa huli lumipas ang mga taon ay pinalitan ang pangalan na
Simbalagon sa salitang TUDELA bilang paggunita sa mga matatapang na bayani sa kanilang
lugar na hangad lamang ay hustisya. Ang unang pantig ng salitang ito’y mula sa salitang kastila
na TODOS na ibig sabihin ay (all the convicted) at DELA na nangangahulugang “tongue”.

Panandang ginagamit sa isang mabisang pagbibigay ng wakas:

 Sa huli
 Pagkatapos ng lahat
 Sa dulo

1. Saan nagsimula ang salitang Tudela?


2. Ano ang ibig ipakahulugan ng salitang diniinan sa parte ng isang kwento?
3. Bakit mahalagang magbigay ng hudyat na pahayag para sa pagtatapos ng isang kwento?
4. Ano pa kaya ang maaaring mga pahayag na mabisa sa pagbibigay ng wakas?

You might also like