You are on page 1of 3

.

St. Bosco College of TayabasInc.


Tayabas City
FIRST MONTHLY TEST IN FILIPINO 10

PANGALAN: __________________________________ NAKUHA: ____________

GURO: Mrs.Cozette C. Atendido PETSA_______________

TEST I.

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali daling kinagat ito.Dinala niya ang buto
upang iuwi sa kanilang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, nakakita siya ng ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at
doo’y nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang may iba pang aso na may hawak-hawak ring buto, tinahulan niya
iyon nang tinahulan.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong kagat-kagat at ito ay nahulog. Hindi namuling
nakuha ng sakim na aso ang buto.

1. Sino ang nakahukay ng buto sa lupa?


A. Matanda C. Aso
B. Bata D. Pusa

2. Ano ang nakita ng aso habang papauwi sa kanilang tirahan?


A. Buto C. ahas
B. ilog D. tao

3. Ano ang katangian ng aso?


A. Mapagmahal C. Maingay
B. sakim D. mapagbigay

4. Bakit tumahol ang aso?


A. Dahil may nakitang tao C. Nakakita ng ahas
B. dahil sa buto D. dahil sa nakitang sariling anino

5. Ano ang aral ng akdang binasa?


A. Maging mapagbigay
B. huwag maging mayabang
C. matutong makuntento
D. Maging masayahin

Ang Unang Paruparo

Tahimik ang mga taong naninirahan sa isang bayan. Kaibigan nila ang matandang may-ari ng malawak na
halamang punong-puno ng mga bulaklak. IIsa ang hiling ng matanda sa sinumang hihingi ng bulaklak, na siya
lamang ang pipitas ng bulaklak.

May mag-asawang mayaman na sumuway sa hiling ng matanda. Hindi nila napigil na pumitas ng mga
bulaklak. Sa galit sa mag-asawa, ginawa silang paruparo ng matanda. Mula noon, ang mga paru-paro ay lapit nang
lapit sa mga bulaklak. Dapo nang dapo at lipad nang lipad.

1. Ano ang nag-iisang hiling ng matanda?


A. Magtanim pa ng maraming bulaklak C. bigyan siya ng bulaklak
B. Siya lamang ang pipitas ng bulaklak D. Bigyan siya ng prutas
2. Sino ang sumuway sa kahilingan ng matanda?
A. Ang mag-asawa C. Ang babae
B. mga tao D. mga bata

3. Ano ang katangiang ipinakita ng mag-asawa?


A. Kabaitan C. Masungit
B. pagiging masunurin D. kawalan ng paggalang

4. Ano ang kaparusahang ibinigay ng matanda sa mag-asawa?


A. Ginawa niya itong paruparo
B. ang mag-asawa ay naging tagapagsilbi ng matanda
C. Ginawa niya itong bulaklak
D. Ginawa niya itong aso

5. Anong aralang mahihinuha natin sa akda?


A. Maging matapang C. Maging maingay
B. maging masunurin D. huwag mawalan ng pag-asa

TEST II.Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Pagtapos ay gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap. (2 puntos bawat bilang)

1. Pumitas-

2. Napigil-

3. Pinagmasdan-

4. Sumuway-

5. Humulagpos –

TEST III. Panuto: Salungguhitan ang pandiwa na ginamit sa pangungusap at tukuyin kung ang sumusunod na
pandiwa ay ginamit bilang Aksyon, pangyayari at Karanasan. Isulat ang sagot sa patlang ng bawat bilang. (2
puntos bawat bilang)

_____________1. Naglabay si Angelo patungo sa tahanan nila.

_____________2. Tumawa si Angelo sa paliwanag ng kanyang kaibigan.

_____________3. Tumalima si Angelo sa lahat ng gusto ng kanyang kasintahan

_____________4. Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang nangyari.

_____________5. Naginbal ang lahat sa balitang natanggap

_____________6. Nalunod ang mga tao sa matinding baha.

_____________7. Nagluto ng hapunan si Nanay

_____________8. Nahulog siya sa bangin dahil siya ay lasing.

_____________9. Umiyal si Hana sa pagkamatay ng kanyang pusa.

_____________10. Ang kanilang bahay ay nasunog dahil sa napabayaang sinaing.


TEST IV. Panuto: Bumuo ng sariling pangungusap na nagagamit ang angkop na pandiwa na makikita bawat
bilang. Gawing paksa ang pabubukas muli ng Face to Face Classes. (2 puntos bawat bilang)

1. Bilang aksyon-

2. Bilang karanasan-

3. Bilang pangyayari-

4. Bilang Karanasan-

5. Bilang Aksyon-

You might also like