You are on page 1of 10

8

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1
Aralin 5:
Paghihinuha
* Pagsulat ng Karunungang-Bayan

47 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng
paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda F8PB-Ig-h-24

GAWAIN 1. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang hudyat na ginagamit sa


paghihinuha.

baka kung kaya sa palagay ko bunga nito siguro


sa palagay ko tila di ko masabi dahil dito marahil

1.
2.
3.
4.
5.

GAWAIN 2. Panuto: Isulat ang H sa sagutang papel kung ang pahayag ay


nagpapakita ng paghihinuha at HH kung hindi paghihinuha.

_____1. Siguro bababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung lahat ay


magpapabakuna.
_____2. Nagtutulungan ang mga bansa upang masugpo ang pandemya.
_____3. Marahil hindi pa tayo magkakaroon ng face to face class kung ganitong
pataas pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
_____4. Kung hindi natin didisiplinahin ang ating sarili sa pagtatapon ng basura
baka tuluyan nang masira ang ating kalikasan.
_____5. Ang Pilipinas ay nakikiisa sa World Health Organization sa mga programa
sa pagsugpo sa COVID-19.
GAWAIN 3. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang paghihinuha batay sa larawan.

1. 2. 3.

48 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
4. 5.

Aralin Paghihinuha
5

Isa sa mahalagang aspekto ng pagbasa ng mag-aaral ang paghihinuha, isa ito


sa mga kasanayang dapat matamo mo bilang mag-aaral. Kaya, huwag ka nang
papahuli, maghanda na para sa isang mabungang talakayan na hahasa sa inyong
mga kaalaman.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang B kung ang may salungguhit na bahagi ng
pangungusap ay nagpapakita ng bunga at S naman kung sanhi.
1. Naging doktor siya sapagkat siya ay palaaral.
2. Nagkalat ang mga laruan sa kanilang bahay, bunga nito nagalit ang
kanyang nanay.
3. Ang kaniyang kasipagan sa negosyo ang naging daan sa matagumpay
niyang pamumuhay.
4. Nakapagtapos ng pag-aaral si Pedro dahil sa dedikasyon na makamit ang
kaniyang pangarap
5. Lubos ang pagpapasalamat niya, resulta nito ang magandang kalusugan
at tuluyang paggaling sa kaniyang sakit.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa bawat sitwasyong nakalahad sa


sagutang papel.
1. Nakita ni Angela na namimili ng bathing suit si Cristine, ano sa palagay
mo ang gagawin ni Cristine?
2. Binati ni Anton si Lucas dahil matagal silang hindi nagkita ngunit
napansin niyang nakasuot ng itim ito, ano kaya ang kahulugan nito?

49 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
3. Umiiyak si Ana habang nakatitig sa larawan ng isang lalaki, ano sa
tingin mo ang dahilan ng kanyang pag-iyak?
4. Nasa Quiapo si Aling Mirna nang makita niya ang batang may sira-sirang
damit na nagtitindi ng sampaguita, ano ang ipinapahiwatig nito?
5. Umaalingawngaw ang tunog ng mga bumbero papunta sa kabilang
barangay, ano kaya ang nagaganap?

WIKA

Ang paghihinuha (inferring) ay lubos na mahalaga kung ang isang


mambabasa ay tunay na nauunawaan ang kanyang mga binabasa.
Bawat manunulat ay nagbibigay ng kani-kanilang pahiwatig na hindi
tuwirang sinasabi sa kanilang mga akda at hinahayaan na lamang ang mambabasa
ang kusang magbigay ng kanilang sariling hinuha o hula sa maaaring kalalabasan
ng pangyayari sa loob ng akda.
Kung ang bawat pahiwatig sa akdang binabasa ay nauunawaan at kapag ang
isang mambabasa ay kakayahang bumuo ng isang makabuluhang hinuha
masasabing tiyak ang pagkaunawa niya sa kanyang binabasa.
Nagbibigay ng panghuhula ang mambabasa kung ano ang mangyayari o
posibleng nangyari sa akda sa pamamagitan ng mga pahiwatig na ginamit ng
manunulat.
Malinaw na hindi makabubuo ng sariling paghihinuha ang isang mambabasa
kung hindi niya lubos na naunawaan ang kanyang binasang akda.

Hinuha o haka-haka (inferences) - Ito ay mga pahayag ng mga inaakalang


mangyayari batay sa sitwasyon, kondisyon, iniisip na katangian o ikikilos ng isang
tauhan. Maaari itong positibo o negatibo.

Mga susing salita: ang tingin ko ay… baka… di kaipala... di malayo... marahil...
sa palagay ko... waring... siguro… yata... tila...

Basahin at unawain ang akdang Bantugan (Buod ng Bantugan – Epiko ng


Mindanao) (Kinuha sa internet https://proudpinoy.ph/epiko/bantugan-summary-bantugan-
summary-o-buod-tagalog/#h-summary-of-bantugan-summary-o-buod-ng-bantugan-tagalog)

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.


Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya’t maraming dalaga ang naaakit
sa kanya. Dahil dito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na
ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang
sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya’y naglagalag. Siya’y nagkasakit at


namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang
Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan.

50 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang
sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bangkay, isang loro ang
pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman
sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.

Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang


bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang
kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang
bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na
muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.

Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay


si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya
ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran.
Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa
bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya’y iginapos, subalit nang magbalik
ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit
niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.

Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian


ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni
Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niya ang lahat
at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at
buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.

GAWAIN 1. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga susing salita na ginagamit
sa paghihinuha na makikita sa loob ng mansanas.

51 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
GAWAIN 2. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra na nasa Hanay B na may
kaugnayang pangyayari sa Hanay A.

GAWAIN 3. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang damdamin mahihinuha. Isulat


ang gawain sa sagutang papel.

1. Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang


prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya’t maraming dalaga ang naaakit sa
kanya. Dahil dito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. (nangangamba,
natatakot, nagseselos)
2. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa
Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si
Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang
kaluluwa ni Bantugan. (nanghihinayang, nagpatawad, natatakot)
3. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang
pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. (nanghihinayang,
nagpatawad, natatakot)
4. Siya’y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa
pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa
Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong
ng mga tagapayo. (nangangamba, natatakot, nagseselos)
5. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa
bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya’y iginapos. (nanghina,
nanlaban, napoot)

GAWAIN 4. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang paghihinuha sa maaaring


kalabasan ng pangyayari sa binasang Epikong Bantugan,
(Buod ng Bantugan – Epiko ng Mindanao).

52 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
1. Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.
Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya’t maraming dalaga ang
naaakit sa kanya.
2. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating
din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.
3. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si
Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali.
4. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil
sa bagong galing sa kamatayan.
5. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni
Haring Madali.

GAWAIN 5. Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

1. Si Tuwaang ay siyang puno ng Kuaman. Balita siya sa katapangan, lakas at


kakisigan. Isang araw tumanggap si Tuwaang ng balita na may isang dilag na
nagmula sa kalangitan ng Buhong na nakarating sa kaharian ni Batooy upang
humingi ng tulong. Mahihinuha mong si Tuwaang ay may kaugalian na _________.
A. maalaga B. mapagmahal C. masipag D. matulungin

2. Ayaw mang pumayag ni Bai sapagkat ang gagawin ni Tuwaang ay lubhang


mapanganib, hindi rin napigil si Tuwaang sa gagawin niyang pagsaklolo. Batay sa
pangyayari, ano ang dahilan kung bakit ay pumayag ni Bai na umalis si Tuwaang?
A. Natatakot na mapahamak ang kanyang kapatid.
B. Hindi sapat ang lakas ni Tuwaang na tumulong.
C. Hindi naman nila kaano-ano ang kaniyang tutulungan.
D. May iba pang gawain na mas dapat pagtuunan ng pansin.

3. Pumunta si Tuwaang at ang Binata ng Pangavukad sa lupain ni Batooy.


nila roon, dahil sa kagandahang lalaki ni Tuwaang ay halos hinimatay
ang mga tao sa laki ng paghanga sa binata ng Kuaman. Ano ang kaugaliang
mahihinuha mo sa mga tao sa pagdating ni Tuwaang?
A. naakit sa panlabas na kaanyuan ni Tuwaang
B. nagustuhan ang ugali ni Tuwaang
C. humanga sa lakas ng kapangyarihang taglay ni Tuwaang
D. nabighani sa paraan ng pakikipag-usap ni Tuwaang

4. Nanaog si Tuwaang at nagharap ang dalawang malakas at makapangyarihang


lalaki. Ginamit ni Tuwaang ang kanyang kampilan. Sa lakas ng pagtatagaan ay
naputol ito. Itinapon ni Tuwaang ang puluhan nito at kaagad na tumulong ang
punong Malivutu. Mahihinuha na ang pangunahing tauhan ay ___________.
A. nagtataglay ng kapangyarihan
B. nagtataglay ng walang habangbuhay na kamatayan
C. tumutulong para sa kapakanan ng iba
D. laging naghahanap ng kaaway

5. Marami ang dumalo sa kasalan ng Binata ng Sakadna kahit hindi naman


imbitado, bilang kakilala ng ikakasal ay ______________.
A. Kumain sa kasalan dahil ikaw ay gutom.
B. Pumunta sa kasalan kahit imbitado.
C. Pumunta sa kasalan dahil ikaw ay napadaan.
D. Pumunta sa kasalan kung ikaw ay imbitado lamang.

53 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
GAWAIN 6. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang diwa na maaaring bumuo ng
pangungusap na may paghihinuha batay sa sitwasyong
nakalahad.

Sitwasyon 1: Maagang natutong magtrabaho si Anton dahil siya ay maagang naulila


sa kanyang mga magulang. Araw-araw siyang kumukuha ng kalakal sa kanilang
lugar upang may makain ang kanyang mga nakababatang kapatid.

Sitwasyon 2: Bagong lipat si Carla sa Maynila. Iniisip niyang maghanap ng trabaho


dito at makapagsimulang muli ngunit sa kasamaang palad hindi pa siya
natatanggap at nahihirapan na siyang mag-budyet ng kanyang panggastos.

Sitwasyon 3: Takot ang nadarama ng ilang mga Pilipino sa abroad na nakararanas


ng digmaan at higit sa lahat takot na kapag umuwi sila ay wala silang madatnang
trabaho sa bansa.

Panuto: Isulat ang iyong natutuhan batay sa sumusunod na tanong sa sagutang


papel.

Sa iyong pagkaunawa, ano ang kahalagahan ng paglinang ng


kasanayan sa paghihinuha?
____________________________________________________________________

Paano natin nagagamit ang paghihinuha sa pagpapalalim ng pang-


unawa sa akdang binabasa?

54 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang iyong sariling hinuha gamit ang mga susing
salita batay sa larawang makikita.

1. 4.

2. 5.

3.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang HAVEY kung ang pahayag ay may
susing salita na ginamit sa paghihinuha, WALEY naman kung wala.

_________1. Mahilig magbasa si Anton ng mga babasahin patungkol sa


usaping medikal marahil ay gusto niyang maging doktor balang araw.
_________2. Baka maraming Pilipino ang umaalis sa bansa ay dahil sa mababang
pasahod dito.
_________3. Magiging maayos ang lahat kung hihikayatin ang bawat isa na
magpabakuna.

55 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
_________4. Siguro mataas ang markang kanyang makukuha ngayong markahan
dahil pinagbuti niyang mag-aral.
_________5. Hiling ko sa bawat isa na maging positibo sa buhay kahit ano mang
hamon ng buhay.
_________6. Tila uulan mamayang hapon dahil sa madilim ang kalangitan.
_________7. Naghahanda na ang Department of Education sa pagbubukas ng klase
para sa Face-to-Face Classes ng mag-aaral.
_________8. Baka siya ay bumagsak sa klase dahil sa labis na paglalaro ng
kompyuter.
_________9. Siguro kaya tayo pinaghihigpitan ng ating mga magulang ay upang
mapabuti ang ating buhay sa hinaharap.
_________10. Wari ko ay magiging mahusay siyang manunulat dahil sa angking
galing niya sa pagbuo ng isang kuwento.
_________11. Sa palagay ko na tama nga ang sinabi ng ating pambansang bayani na
ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
_________12. Kung marunong sumunod ang bawat Pilipino sa batas na ipinapatupad
dito marahil magiging maunlad ang bansa.
_________13. Nararapat lamang na ang isang anak ay matutong mahalin ang
kanyang magulang at tumanaw ng utang loob sa kanila.
_________14. Ang umangat sa buhay ang dahilan kung bakit maraming Pilipino
ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
_________15. Sipag at tiyaga ang puhanan sa isang matagumpay na buhay.

Panuto: Sumulat ng talata na naglalarawan ng maaaring mangyari sa sarili


sampung taon mula ngayon. Sundin ang pamantayan sa pagbuo.
Isulat ang gawain sa sagutang papel.

Pamantayan Puntos
Nilalaman 20
Orihinalidad 10
Gamit ng Wika 10
Malikhaing pagsulat 10
Kabuoan: 50

56 DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_1
DO_Q1_FILIPINO_8_MODYUL1_ARALIN_5

You might also like