You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino 3

I. Layunin

Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salitang


nananatili ang kahulugan (F3PT-IIIc-i-3.1)

II. Paksa
A. Aralin: Pagtukoy sa Kahulugan ng mga
Tambalang Salitang
Nananatili ang Kahulugan
B. Sanggunian: Filipino 3 Modyul 21 pah. 1-14
C. Kagamitan: mga larawan, PowerPoint presentation, video
clip
III. Pamamaraan

A. Panlinang na Gawain
1. Balik-Aral

Basahin ang pagungusap at tukuyin ang mga salitang


naglalarawan dito.

1. Pulang-pula ang mukha ni Lina dahil sa kahihiyan


na kaniyang nagawa habang naglalaro.
2. Darating ang malakas na bagyo sa kanilang lugar.
3. Maraming matatamis na pagkain ang nakahanda sa
aming hapag-kainan.
4. Lumikas sa malaking covered court ang mga
nasalanta ng bagyo.
5. Masaya ang lahat nang malaman nila na humuhupa
na ang lakas ng bagyo.

2. Pagganyak

Tingnan ang mga larawan sa bawat bilang.


Tukuyin ang salitang mabubuo rito.
B. Paglalahad

Talakayin ang kwentong “May Pag-asa Pa!” ni Cherry Mae


C. Aguas.

May Pag-asa Pa!

May isang bata na nakaupo sa ilalim ng


punongkahoy na nagngangalang Arnold. Si Arnold ay
namulat sa kahirapan. Simple lamang ang kanilang
pamumuhay. Nakatira silang mag-anak sa isang hindi
kalakihang bahay kubo. Isang kapitan ang kaniyang
ama na si Mang Ambo at alam niyang mahirap ang
kalagayan ng kanilang komunidad. Maliit lamang ang
paaralan sa kanila. Kadalasan pa ngang pumapasok
ang tubig-ulan sa mga silid-aralan kung may bagyo
na
dumarating dahil sa sira-sirang bubong. Tuwing may
nagkakasakit naman ay dinadala pa nila ito sa kabilang
bayan dahil walang ospital at doktor sa kanilang lugar.

Lumipas ang maraming taon ay ganoon pa rin


ang kalagayan ng kanilang barangay kaya nagpasya si
Arnold na magbalikbayan pagkatapos niyang mag-aral
ng medisina sa Maynila. Kilala na si Arnold sa kaniyang
larangan. Maraming ospital ang nais siyang kunin bilang
doktor, ngunit tumatanggi siya. Nais niya na sa kaniyang
kinagisnang lugar siya magbigay ng serbisyo. Hindi
lamang si Arnold, kundi pati mga kababata niya na
nakapagtapos ng kolehiyo ay nais ring magbigay ng
serbisyo sa kanilang lugar. Sa isang maliit na pangarap
noon, ito ay nagging pamatid-uhaw sa kahirapan ng
kanilang lugar.

Mga Katanungan:
1. Sino ang bata sa kwento? arnold
2. Ano ang kalagayan ng lugar nila Arnold? Simple
lang pero mahirap
3. Ano ang ginawa ni Arnold noong siya ay
kilala na sa larangan ng medisina? Siya ay
nag balik bayan upang doon mag bigay ng
serbisyo
4. Kung ikaw si Arnold, tutulong ka rin ba sa
inyong komunidad? Bakit? Oo, dahil gusto kong
ibalik ang magagandang bagay na
napagsamahan namin doon sa kinalikahan
kong bayan
5. Ikaw, ano ang pangarap mo para sa
iyong komunidad? Bakit? Ang pangarap
ko para sa aming bayan ay magkaroon
ng kaayusan at kaligtasan
C. Pagtalakay

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salitang


pinagsama. Ito ay may dalawang uri: tambalang ganap at tambalang di-ganap.

Ang tambalang ganap ay nakabubuo ng kahulugang iba sa kahulugan ng


dalawang salitang pinagtambal.

Halimbawa:

Ang tambalang di-ganap ay hindi nakabubuo ng ibang kahulugan ng


dalawang salitang pinagtambal. Nanatili ang kahulugan nito.
D.Pagsasanay

Pagsasagawa ng inihandang gawain.Tukuyin ang tambalang salita na


inilalarawan sa pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1.___________________= paraan ng pamumuhay o pagkakaroon ng kita


2. __________________ = tubig na maalat na mula sa dagat
3. __________________ = tawag sa paglubog ng araw
4.__________________ = bahagi ng katawan ng babae kung saan lumalaki
ang sanggol hangga’t hindi pa isinisilang
5. ________________ = malapit ang isang bagay o agad mo itong nakikita
E. Paglalahat

Itanong ang mga sumusunod.

1. Ano ang tawag sa dalawang salitang pinagsama na maaaring manatili ang


kahulugan o magkaroonng iba pang kahulugan.

2. Ano ang dalawang uri ng tambalang salita?

3. Anong uri ng tambalang salita ang nananatili ang kahulugan ng dalawang


pinagtambal na salita?

Tandaan:

Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salitang pinagsama. Ito


ay maaaring tambalang ganap na nagbabago ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal o tambalang di-ganap na nananatili ang kahulugan ng
dalawang salitang pinagtambal.

F. Paglalapat

Pag-ugnayin ang mga tambalang salita sa Hanay A sa katumbas


nitong kahulugan sa Hanay B. Isulat ang sagot sa patlang.
IV. Pagtataya:

Tukuyin ang kahulugan ng tambalang salita na nakasalungguhit sa


pangungusap. Piliin ang tiitk ng tamang sagot.

1. Inihalal siya ng taong-bayan bilang pangulo.


a. mamamayan
b. mga tao na nasa bayan
c. mga taong Makabayan

2. Pupunta kami sa silid-aklatan upang mag-aral.


a. taguan ng aklat
b. silid na maraming aklat
c. bilihan ng aklat

3. Magaling siyang humawak ng pera kaya siya ang ibinotobilang ingat-


yaman.
a. tagatago o tagapangalaga ng salapi
b. taong maramot
c. guwardiya ng makapangyarihang tao
4. Si Ana ay labas-pasok sa kanilang bahay dahil hinihintayniya ang
pagdating ng kaniyang pinsan.
a. taong madalas na pinalalayas
b. hindi mapakali sa gawain
c. akto ng paulit-ulit na paglabas at pagpasok

5. Lampas-tao ang baha sa amin noong nanalasa ang bagyo.


a. malaking bilang ng mga tao sa isang grupo
b. mas mataas sa karaniwang tangkad ng tao
c. malayo sa kasalukuyang kinalalagyan ng tao

V. Karagdagang Gawain:

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na tambalang salita.


1.agaw-buhay = ________________________________
2. asal-hayop = ________________________________
3. bukang-liwayway = ________________________________
4. humigit-kumulang = ________________________________
5. tubig-tabang = ________________________________

You might also like