You are on page 1of 7

Maribeth A. Marce Almira L.

Watin
Mentee. Mentor

Banghay Aralin
Filipino 9

KASANAYAN SA PAGKATUTO
a.Nabibigyang-kahulugan ang kilos,gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang
napakinggan;F9PN-IIIf-53
b.Napapatunayan ang pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng akda. F9pb-IIIf-
53

I. LAYUNIN
a..Nasusuri ang katangian ng mga tauhan batay sa kanilang kilos at gawi.
b.Natutukoy ang makatotohanan at di makatotohanang pangyayari sa akda.
c.Nabibigyang-halaga ang kasapi ng pamilya.
d.Nakikilala ang magkasingkahulugan at magkasalungat na pares ng salita.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa˸
Alamat ng India(Ang Pinagmulan ng Tatlumpuˊt Dalawang Kuwento ng
Trono)
b. Sanggunian:
Self-Learning Kit sa FILIPINO 9
c. Kagamitan˸
Alamat mula sa aklat ng Pinagyamang Pluma 9
Baisa-Julian,A(2019) Pinagyamang Pluma 9,Phoenix Publishing House
III. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Panalangin
c. pagtala ng lumiban
d. Pagbabalik Aral

B. Pagganyak
Panuto:Ayusin ang mga jumbled letters upang makabuo ng mga salita.
ATAMAL
LANIPNAGMU

Mga Gabay na Tanong:


1.Ano ang napansin niyo sa binuo niyong salita?
2.Alam niyo ba kung ano ang alamat?

C .Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa Alamat

D. Pagtatalakay
Magbibigay ang guro ng kaunting talakayan patungkol sa Alamat

ALAMAT
Ang alamat (legend) ay isang kuwentong bayan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa mundo.Ito ay kinagigiliwan ng marami hindi lang dahil nakalilibang
ang mga ito kundi dahil din sa mga aral at pagpapahalagang taglay ng mga ito na
maaaring magamit sa pang araw-araw na buhay.
Matapos ang talakayan,ay magbigay ang guro ng babasahin tungkol sa Alamat ng
India (Ang Pinagmulan ng Tatlump t Dalawang Kkuwento ng Trono)

Mga Gabay na Tanong˸


1.Sino-sino ang mga tauhan sa alamat?
2.Bakit kinailangang umalis ni Brahman sa kanilang bayan?
3.Makatwiran ba ang kaniyang pag-alis?
4.Sino ang nakatulong kay Brahman?
5.Kung ikaw si Brahman,gugustuhin mo rin bang umalis? Bakit?
6.Ano ang aral ang natutunan mo sa karanasan ni Brahman?
E. Pagsasanay
Panuto˸ Basahin ang mga pangyayaring naganap sa alamat Kilalanin at isulat kung ito
ay makatotohan o di-makatotohanan kung ang pagbabatayan ay ang tunay na buhay.
Isulat ang sagot sa sagutang papel. (5 pts.)

1. Gustong-gusto na ng kanyang ina na makapag-asawa na ang kanyang anak.


Tumatanda na kasi ang ina kaya't ninais niyang makapag-asawa ang anak upang
magkaroon siya ng katuwang sa buhay Ang pangyayanng ito ayˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍ?

2. Maingat ngang itinali ni Mela ang kanyang buhok sapagkat alam niyang sa
dinadaanan nyang puno ay may nakatirang shakchunni, isang espiritu ng maybahay na
walang ibang hangad kundi magpanggap bilang asawa. Ang pangyayaring ito ay
ˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍ.?

3. Isang espiritu ang nagbalat kayo para makatira sa maginhawang dampa at


makaranas magkaroon ng ina at asawa dahil ayaw na niyang tumira sa itaas ng
punongkahoy at sawa na sa pagiging espiritu. Ang pahayag na ito ayˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍ?

4. Isang raha ang pinuntahan ng Brahman upang magpatulong sa kanyang mabigat na


suliranin. Ang pahayag na ito ay isangˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍ?

5. Isang espiritung tuwang-tuwa sa nakikitang tagumpay ang agad ay nag-anyong


hangin at isinilid ang sarili sa loob ng bote. Ang panyayring ito ay isangˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍˍ?
F. Aplikasyon
Panuto: Kilalanin at suriin mo ang kahulugan ng mga kilos, gawi at karakter ng mga
tauhan batay sa kanilang mga ginawa o mga sinabi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. (5 pts.)

1. "Asawa ko, bakit kailangan mo pang-umalis? Masaya ako kahit mahirap ang ating
buhay basta't magkakasama tayo
A. mapagmahal na asawa
B. selosang asawa
C matatakutin na asawa
D. walang tiwala sa asawa

2. "Kailangan kong umalis, Mela Tingnan mo riga ang buhay natin napakahirap Gusto
kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi."
A. may mataas na ambisyon at labis na mapanghangad
B. gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod
C-nais Iwasan ang mga gawaig bukid
D. nagsawa na sa buhay mahirap

3. "Hindi na ako tutuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan." ang masayang sabi nito
sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala
nilang ito ang tunay na Brahman.
A. mapagpanggap pero mabait
B. mapanlinlang at mapagsamantala
C. mapagmahal at taggap ang payak na pamumuhay
D.Nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya
4. "Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po palang kayamanan ay ang aking
minamahal na ina at asawa," ang sabi ng Brahman habang mahigpit na niyakap
kanyang asawa at ina.
A. naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari
B. nagsisisi at natuto mula sa kanyang karanasan
C. natatakot sa naging pasya ng raha para sa kanya
D. natutuwa dahil kapiling na niya ang mga minamahal

5. "Ang tronong ito'y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito,
Ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at dunong. Makinig ka sa sasabihin
namin sa iyo kung gaano siya kadakila. "Ipinakilala ng pahayag na ito na ang kanilang
Raha Vikramaditya ay isang...

A. tanyag at kilalang pinuno


B. mahusay at iginagalang na pinuno
C. makapangyarihang pinuno
D.mayaman at hindi malilimutang pinuno

G. Pagpapahalaga
Panuto: Pumili sa alinmang katanungan sa ibaba na mula sa nabasang alamat.
Pangatwiranan ang iyong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (5 pts.)
A. Sa katayuan mo ngayon ano ang itinuturing mo na yaman? Pangatwiran
B. Alin sa dalawa ang matimbang /mahalaga sa iyo, kayamanan o katalinuhan? Bakit
IV. Ebalwasyon o Pagtataya
Panuto: Sumulat ng tatlong hakbang na gagawin mo kung ikaw ay naharap sa
sitwasyong kinaharap ng Brahman. Mag-isip ng mga estratehiya at ilahad sa mga
kahon sa ibaba.

V. Takdang Aralin
Panuto:Pag-aran kung ano ang Pang-abay dahil ito ang susunod nating tatalakayin.

You might also like