Professional Documents
Culture Documents
Las 3 PDF
Las 3 PDF
Kuwarter 3 Bilang 3
I. PANIMULANG KONSEPTO
A. PAGBALIK-ARALAN MO!
1.
2.
3.
4.
5.
B. PAG-ARALAN MO!
1
isipan ng mag-ina na humingi ng tulong sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak
upang makalikom ng sapat na salapi at pagkalipas nga lang ng ilang lingo ay halos
mapuno ang dalawang banga ng ginto at salaping iniambag ng kanilang mga
kakilala. At dahil dito, sa wakas ay nakapagpakasal ang binatang Brahman sa
isang maganda at mapagmahal na asawang nagngangalang Mela. Maging ang
kaniyang ina masayang-masaya sa pag-iisang dibdib ng dalawa at tulad din ng
pagmamahal niya sa anak ang pagtrato niya kay Mela.
Sa tuwing umaalis ang kaniyang manugang para mangahoy ay laging
nagpapaalala sa kaniya ang matandang babae na mag-ingat sa mga espiritu at
huwag kalimutan na itali ang kaniyang buhok sapagkat ito ang hinihila ng mga
espiritung Shakchunni na walang hangad kundi ang magpanggap bilang asawa. Ito
ang nais ng mga espiritu, ang muling maging bahagi ng pamilya at magpanggap
bilang tao. Subalit hindi nila maiisahan si Mela dahil hindi lang siya maganda,
maayos din siya sa katawan at higit sa lahat ay matalino.
Ang akala niya’y masisiyahan ang kaniyang asawa sa kung anong mayroon
sila subalit nagkamali siya. Ngayong ubos na ang salapi at ginto sa kanilang banga
ay gusto uli ng lalaking umalis at makipagsapalaran upang magkaroon pa ng mas
maraming kayamanan kaya nagapdesisyonan ng lalaking Brahman na umalis at
makipagsapalaran. Ang hindi alam ng mag-asawa ay isang espiritu pala ang
nakikinig sa kanila sa punong pipal na nasa tabi ng kanilang bahay. Naulinigan
niya ang usapan ng dalawa kaya naisip nitong magkunwari bilang ang lalaking
Brahman.
Malungkot na malungkot si Mela at ang kaniyang biyenan sa pag-alis ng
Brahman. Magkatabi silang lumuluha nang biglang may kumatok. Halos
mapalundag sa tuwa ang dalawang babae nang makita nilang bumalik agad ang
nagkukunwaring Brahman na walang iba kundi ang espiritu pala sa punong pipal.
Wala naman silang napansing kakatwa sa lalaking bumalik sa kanilang buhay
kaya’t ang buong akala nila ay ang Brahman nga ito. Kasama nilang namuhay ang
impostor sa loob ng isang taon.
Samantala ang tunay na Brahman naman ay nagpakaabala sa kaniyangng
trabaho sa lungsod para makapag-ipon agad kaya’t kahit sulat o minsang dalaw ay
di niya nagawa. Lumipas ang isang taon at nakaisip siya na bumalik dahil sa
pananabik sa mga naiwan niyang mahal sa buhay. Bumalik ang Brahman sa
kanilang bahay at nagulat siya nang makita ang lalaking kamukhang-kamukha
niya. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino ang totoong
Brahman. Kahit anong paliwanag ng totoong Brahman ay hindi siya pinaniwalaan.
Naibulong na niya lamang sa sarili sabay pagsisisi “Nagkaroon nga ako ng salapi at
kayamanan subalit nawala sa akin ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko.”
Sumangguni sila sa raha para maresolba ang kaso ngunit hindi ito nagawan
ng paraan ng raha sapagkat alam na alam ng dalawang Brahman ang mga sagot sa
tanong kaya’t maging ang raha ay lito rin sa kaniyang dapat na maging hatol.
Habang papauwi ang Brahman, nakita siya ng isang bata at tinanong kung bakit
siya malungkot. Kinuwento ng totoong Brahman ang buong pangyayari at sainabi
ng bata na papuntahin doon ang raha upang maresolba ang kaiyang problema.
Pumunta ang raha maging ang lahat ng nasa nayon upang masaksihan kung
paano ng isang batang lalaki magbibigyan ng katarungan ang suliranin ng
2
Brahman habang ang pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay nakatayo
lamang at nanonood.
Isang pagsubok na pinagawa ang Batang Raha sa kanilang dalawa. Ang
unang makapasok sa garapon ang siyang panalo. Katwiran ng totoong Brahman na
paano siya magkakasiya diyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo
bilang hangin at pumasok sa garapon. Agad na tinakpan ng batang Raha ang
garapon at nakulong ang espiritu. Ang sabi ng bata ay ito ang impostor at sabay
abot ng bote sa tunay na Brahman. Sabay wika naman ng tunay na Brahman,
“Nagsisisi po ako. Ang tunay ko pong kayamanan ay ang aking minamahal na ina
at asawa.”
Namangha ang raha sa kaniyangng nakita at tinanong ang batang nakaupo
sa bunton ng lupa, kung paano niya ito nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng
lupa ay kanilang nadiskubre habang sila ay nagpapastol at nalaman nila ang lupa
ay nagbibigay ng pambihirang katalinuhan sa sinumang umupo rito. Pinautos ng
raha ang pagbungkal ng lupa para makita kung ano ang laman ng bunton ng lupa.
Nakita ng raha ang isang trono na nababalutan ng mga alahas at
sinusuportahan ng magagandang inukit na mga pigura na may tatlumpu’t
dalawang anghel sa paligid nito.Agad na umakyat ang raha sa trono upang maupo.
Ngunit pinigilan siya ng isang tinig na nagsabing ang trono ay pagmamay-ari ng
dakilang Raha Vikramaditya. Sinabihan siya na kailangan munang ipakita niya na
kapantay siya sa katapangan at karunungan ni Raha Vikramaditya. Pagkatapos ay
nagkwento ang tatlumpu’t dalawang anghel ng katalinuhan at kagitingan ng
nabanggit na Raha. Nang ang huling istorya ay ikuwento binuhat ng mga anghel
ang trono papalayo nang papalayo sa raha. Hanggang napaisip na lang ang raha
na hindi niya pala taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na
katapatan, pagiging patas, at walang kinikilingan at pagiging makatarungan.
Subalit bago tayo magwakas, makabubuting sabihin na ito ang pinagmulan
ng tatlumpu’t dalawang kwentong naging popular sa buong India. Kilala ang mga
ito ngayon bilang Simhasana Battisi o “ Ang Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng
Trono.”
C. PAGSANAYAN MO!
A B Pahayag
1. “Mag-iingat ka sa mga espiritu, anak. Itali mong mabuti ang iyong buhok dahil
iyan ang hahatakin ng espiritu upang makuha ka.” Ipinakikilala nitong ang
tauhan ay…
a. maalalahanin at maalaga
b. masipag at masunurin
c. walang pakialam sa kapuwa
3
2. “Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napaka-
hirap. Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi.”
Ipinakikilala nitong ang tauhan ay…
a. nagnanais na makalayo at hindi na bumalik pa
b. may hangarin na makaahon mula sa kahirapan
c. labis ang ambisyon na mamuhay sa lungsod
3. “Asawa ko. Bakit kailangan mo pang umalis? Masaya ako kahit mahirap ang
ating buhay basta’t magkakasama tayo.” Ipinakikilala nitong ang tauhan ay…
a. mapagmahal at masunurin
b. nag-aalala at matatakutin
c. walang tiwala
5. “Ibibigay ko ang hatol bukas ng umaga, pero papuntahin mo rito ang raha at
ang kaniyang mga ministro at lahat ng tao sa bayan.” Ipinakikilala nitong ang
tauhan ay…
a. alam at tiyak sa kaniyang ginagawa
b. nagpapakita ng pagiging mapagmataas
c. nagbabanta
D. TANDAAN MO!
4
IV. PAGTATAYA
Panuto: Ang mga tauhan tulad ng lalaking Brahman, ang kaniyang ina, si Mela,
Shakchunni, batang raha at ang raha ay nagpakita ng iba’t ibang kilos at
gawi na nagbigay kahulugan sa kanilang karakter bilang bahagi ng
kuwento. Sa pamamagitan ng Thinking Eridium Scales, pumili ng tatlong
tauhan at ilarawan ang kanilang mga katangian at pag-uugali batay sa
nakitang kilos at gawi sa kuwento. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
5
Rubrik sa Pag-iiskor
V. SUSI SA PAGWAWASTO
PAGSANAYAN MO!
1. Ina ng lalaking Brahman - A
2. Lalaking Brahman - B
3. Mela - B
4. Lalaking Brahman - C
5. Batang Raha – A
VI. SANGGUNIAN
https://brainly.ph-
question/48891https://www.slideshare.net/mobile/jmpalermo/filipino-
9-9ang-pinagmulan-ng-talumput-dalawang-kuwento-ng-trono
https://images.app.goo.gl/Kn3y8pyKdUtd2RZGA
Inihanda: