You are on page 1of 25

ANG

PINAGMULAN NG
TATLUMPU'T
DALAWANG
KUWENTO NG
TRONO
(SIMHASANA
BATTISI)
Noong unang panahon, sa isang lugar na tinatawag na Bharat na ngayo'y kilala na bilang bansa ng
India, may isang binata ang naninirahan kasama ang kanyang matandang ina. Sila'y kabilang sa mataas
na uring panlipunang tinatawag na Brahman subalit sila nama'y napakadukha. Tanging maliit na dampa
lamang at kapirasong lupang tinatamnan nila ng gulay ang kanilang pag-aari.
Dahil sa kanilang kalagayan ay wala nang pag-asa ang binatang Brahman na makapag-asawa dahil
wala silang salapi o ari-ariang maiaalay sa pamilya ng mapapangasawa. "Dapat siguro'y manghiram o
mangutang ka muna sa ating mga kamag-anak at kaibigan," ang payo ng ina sa kanyang anak. "Noong
kumikita ka pa'y napakarami mo rin namang taong natulungan,"ang dugtong pa niya.
Nahihiya man ay nakumbinsi naman ng ina ang binatang Brahman na humingi ng tulong sa kanilang
mga kaibigan at kamag-anak. Gustong gusto niya talagang makapag-asawa upang may makasama silá
ng kanyang matandang ina sa kanilang munting dampa.
Pagkalipas nga lang ng ilang linggo ay halos mapuno ang dalawang banga ng ginto at salaping
iniambag ng kanilang mga kaibigan at kamag anak. At dahil dito, sa wakas, nakapagpakasal ang
binatang Brahman. Siya ngayo'y may isang maganda at mapagmahal na asawang nangngangalang
Mela. Ang kanyang ina man ay masayáng-masayá dahil may malakas at masipag na manugang na
siyang makatutulong sa mga gawaing mahirap na para sa isang matandang tulad niya tulad ng pagkuha
ng panggatong sa gubat at pagluluto ng pagkain ng pamilya.
Sa tuwing umaalis ang kanyang manugang para mangahoy ay laging nagpapaalala sa kanya ang
matandang babae. "Mag-iingat ka sa mga espiritu, anak. Itali mong mabuti ang iyong buhok dahil iyan
ang hahatakin ng espiritu upang makuha ka," ang lagi niyang paalala.
"Huwag po kayong mag-alala, Inang. Lagi ko pong itinatali ang aking buhok," ang sagot naman ni
Mela sa kanyang biyenan. Maingat nga niyang itinatali ang kanyang buhok sapagkat alam niyang sa
dinadaanan niyang mga punò ay may nakatirang shakchunni, isang espiritu ng maybahay na walang
ibang hangad kundi magpanggap bilang asawa. Ito ang nais ng mga espiritu, ang muling maging
bahagi ng isang pamilya at magpanggap bilang tao. Subalit hindi nila maiisahan si Mela dahil hindi
lang siya maganda, maayos din siya sa katawan, at higit sa lahat ay matalino.
Ang akala niya'y masisiyahan na ang kanyang asawa sa kung anong mayroon silá subalit nagkamali
siya. Ngayong ubos na ang salapi at ginto sa kanilang banga ay gusto uli ng laláking umalis at
makipagsapalaran upang magkaroon pa ng mas maraming kayamanan. "Asawa ko, bakit kailangan mo
pang umalis? Masaya akó kahit mahirap ang ating búhay basta't magkakasama táyo," ang lumuluhang
pakiusap ni Mela sa asawa.
"Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang búhay natin, napakahirap. Gusto kong magkaroon
ng malaking bahay at maraming salapi," ang sabi ng lalaki. Hindi na nga napigil ni Mela ang kanyang
asawang dali-daling umalis para magtrabaho sa lungsod. Ang hindi alam ng mag-asawa ay isang
espiritu pala ang nakikinig sa punong pipal na nasa tabi ng kanilang bahay. Naulinigan niya ang usapan
ng dalawa para Napangiti ang espiritu. "Sa wakas, magkakaroon na rin ako ng pamilya, ang
nakangising sabi nito sa sarili. "Sige, iwan mo ang asawa at ina mo, sa akin na sila."
Malungkot na malungkot si Mela at ang kanyang biyenan sa pag-alis ng Brahman. Magkatabi silang
lumuluha nang biglang may kumatok. Halos mapalundag sa tuwa ang dalawang babae nang makita
nilang bumalik agad ang Brahman. "Hindi na ako tumuloy. Hindi ko palá kayo kayang iwan." ang
masayáng sabi nito sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng inaakala
nilang Brahman na walang iba kundi ang espiritu palá sa punong pipal. Wala naman silang napansing
kakatwa sa laláking bumalik sa kanilang búhay kaya't ang buong akala nila'y ang Brahman nga ito.
Kasáma nilang namuhay ang impostor na Brahman sa loob ng isang taon.
Samantala, ang tunay na Brahman ay nagtrabaho sa lungsod. Naging labis siyang abalá sa kanyang
mga gawain at sa layuning makapag-ipon ng pera tulad ng pangako niya sa kanyang ina at asawa
kaya't ni hindi siya nakadalaw o nakasulat man lang. Subalit pagkaraan ng isang taon ay hindi na niya
natiis ang pananabik na makita ang ina at asawa kaya't nagpasiya siyang bumalik na sa kanilang nayon.
Nagmamadali siyang umuwi sa dampa, punô ng pananabik. "Tiyak na magiging napakasaya ni Inang
at ni Mela kapag nakita nila akong muli at ipakikita ko sa kanila ang aking mga pasalubong."
Masayáng-masayá ang Brahman nang pumasok sa pinto ng dampa. Nabigla siya nang datnang
kumakain ng tanghalian ang kanyang ina at asawa kasáma ang laláking kamukhang-kamukha niya.
Biglang tumayo ang laláki at itinulak ang totoong Brahman palabas ng pinto. "Umalis ka rito! Ina,
Mela, huwag ninyong papapasukin ang laláking iyan. Siya'y isang espiritung nagpapanggap na akó,"
ang sabi nito habang itinutulak palayo ang bagong dating.
Litong-lito ang ina at si Mela sapagkat magkamukhang-magkamukha ang dalawang Brahman. "Ina,
Mela, ako ito. Ako ang iyong anak, Ina! Mela, ako ang iyong asawa. Huwag kayong maniwala sa
espiritung iyan!" ang sigaw ng tunay na Brahman subalit nakasara na ang kanilang pinto. Anumang
pakiusap niya ay hindi siya pinagbuksan ng ina at ng asawa.

Hindi maláman ng totoong Brahman kung ano ang gagawin. "Ito ba ang naging bunga ng aking
paglayo? Nagkaroon nga ako ng salapi at kayamanan subalit nawala naman sa akin ang
pinakamahahalagang tao sa buhay ko" ang nawawalan ng pag-asa at buong pagsisising bulong niya sa
sarili
Sa wakas, naipasiya niyang humingi ng tulong sa rahang namumuno sa bansa. Matiyagang nakinig ang
raha sa kanyang istorya at pagkaraan ay nag-utos iyon na paharapin sa kanya ang dalawang binata.
Tinitigan niya ang una at pagkatapos ay ang ikalawa Magkamukhang-magkamukha sila. Tinanong niya
sila ng mga tanong na maaaring makapagpatunay kung sino ang tunay at kung sino ang impostor
ngunit pareho silang alam na alam ang mga tamang sagot kaya hindi rin mapagpasiyahan ng raha kung
sino sa dalawa ang tunay na Brahman. Araw-araw ay pumupunta ang tunay na Brahman sa korte ng
raha. Ngunit hindi niya makumbinsi ang raha na isang nagpapanggap na espiritu ang dahilan ng
pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay,
Isang araw, habang malungkot siyang naglalakad pabalik mula sa korte ng raha, nadaanan niya ang
isang grupo ng mga batang lalaking naglalaro sa bukid.

Isa sa mga batà ang patakbong lumapit sa binatang Brahman. "Bakit ka malungkot?" tanong niya.

"Wala na ang aking ina at asawa. Naagaw sila ng isang impostor na espiritu," iyak ng Brahman. "Hay
napakalungkot ng búhay ko."

"Lumapit ka sa aming raha," sabi ng bata. "Lumapit ka at sabihin mo sa kanya ang iyong mga
problema at baka matulungan ka niya."
"Pero kagagaling ko lang sa raha. Maging siya ay hindi naniniwalang ako ang tunay na Brahman,"

"Hindi, hindi ang rahang iyon, Lumapit ka sa aming raha," himok ng bata

"Sino ang inyong raha? Tiyak na walang ibang raha sa bayang ito."

"Basta sumama ka at tingnan mo." Ang bata ay hindi na naghintay ng sagot. Hinila niya ang kamay ng
Brahman at dinala sa lugar na may iba pang mga batang naglalaro. Isang batang mukhang matalino
ang nakaupo sa kanilang gitna at nakaharap sa isang bunton ng lupa.
Ang batang nagdala sa Brahman ay yumukod nang mababa at nagsalita: "Inyong Kamahalan, ang
laláking ito'y may mahiwagang pangyayaring sasabihin at hihingi siya ng inyong payo."

"Sabihin mo ang iyong kuwento, lalaki, at makikinig kami," sabi ng batang lalaking tinatawag na
"Inyong Kamahalan" ng iba pang mga bata. 'Nagbibiro ba kayo? Ina at asawa ko ang nawala sa akin.
Wala akong panahong makipagbiruan," ang nayayamot na sabi ng Brahman. "Hindi kami nagbibiro.
Gusto ka talaga naming tulungan," sabi ng batang nasa tabi ng bunton ng lupa.
Ang boses niya'y tunay na nakikiramay. Ang mga bata ay hindi man lam ang tumatawa sa kanya. Kaya
nakumbinal arng kawawang Brahman na marinig

sabihin ang lahat ng nangyari. "Malulutas ko ang iyong problema," sabi ng bata pagkatapos ang
kuwento ng Brahman, "pero may isang kondisyon."

"Ano iyon?"

"Ibibigay ko ang hatol bükas ng umaga, pero papuntahin mo rito ang raha at ang kanyang mga
ministro at lahat ng tao sa bayan." "Pero paano ko sila mapapapunta rito? Papupugutan ako ng ulo ng
raha kapag sinabi ko iyan sa kanya "Buweno, nasa iyo na yan." matatag na sabi ng batà.
Ngunit tila wala nang iba pang paraan. Kaya tinapangan niya ang sarili at pumunta siyang muli sa raha
para sabihin ang kanyang kakatwang pakiusap. Sa halip na magalit, naging interesado ang raha at
pumayag na pumunta sa bukid at dalhin ang lahat ng kanyang mga ministro. Kinaumagahan, ang raha,
ang binatang Brahman, at ang lahat ng tao sa nayon ay pumunta sa bukid. Mangyari pa, ang ina, asawa,
at magingang espiritu ay naroon din. Nakangisi ang espiritu dahil hindi siya naniniwalang
magtatagumpay ang batang lalaki kung saan maging ang makapangyarihang raha ay nabigo. Yumukod
ang batang laláki sa raha at pumunta sa kanyang puwesto sa bunton ng lupa.
"Pumarito ako ngayong umaga sapagkat ipinangako mong lulutasin ang misteryong lumilito sa akin,"
matigas na sabi ng raha sa bata. "Pero tandaan mo-kapag nabigo ka, parurusahan ka nang mabigat."
"Opo, Inyong Kamahalan," pormal na sagot ng bata.

Pigil ng mga tao ang kanilang paghinga. Isang batang lalaki ang magbibigay ng katarungan habang
ang pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay nakatayo lamang at nanonood!

Ang batang laláki ay humingi muna ng isang boteng may mahaba at makitid na leeg. Nang iyon ay
mailagay na sa kanyang harapan ay nagsalita siya: "Ito ang pagsubok na lulutas sa suliranin ng mga
taong ito. Kung sino sa inyong dalawa ang makapapasok sa loob ng boteng ito ay siyang tunay na
Brahman."
"At kung sinuman ang hindi makapapasok diyan ay mamamatay!" ang makapangyarihang sabi ng bata.

"Teka, teka, ang naiiyak na tutol ng tunay na Brahman sa pagsubok na sa tingin niya'y hindi
makatarungan. Paano ako makapapasok diyan ay ang laki-laki ko!" ang kanyang malakas na tutol.
"Kung gayon ay hindi ikaw ang tunay na Brahman. Ikaw, kaya mo?" ang tanong ng bata sa isa pang
Brahman. "Oo naman, manood kayo," ang masayáng-masayáng sabi ng espiritu. Agad siyang nag-
anyong hangin at isinilid ang sarili sa loob ng bote. Ito lang ang hinihintay ng bata. Nang makapasok
ang espiritu ay agad niyang tinakpan ang bote.

"Heto ang impostor na espiritu," ang sabi niya habang iniaabot sa tunay na brahman ang bote. Nagawa
niyang magpanggap dahil sinamantala niya ang iyong paghahangad ng mas maraming yaman."
"Nagsisisi po akó," ang mahinang sabi ng tunay na Brahman. "Ang tunay ko po palang kayamanan ay
ang aking minamahal na ina at asawa," ang dugtong pa habang mahigpit na niyayakap ang kanyang
pamilya. Hindi makapaniwala ang raha. "Saan galing ang iyong katalinuhan? Ni ang rahang tulad ko'y
hindi naisip ang ginawa mong paraan," ang sabi niya.

"Mga ordinaryong bata po kaming nagpapastol ng báka. Isang araw habang nanginginain ang aming
mga báka ay natagpuan namin ang bunton ng lupang ito. Nagpapalitan kami sa pag-upo sa harap nito.
Napansin po naming ang sinumang maupo sa harap ng bunton na ito ay nagkakaroon ng pambihirang
katalinuhan. Sa araw na ito'y nagkataong ako ang nakaupo subalit wala po akong kapangyarihan. Ang
lahat ay nagmumula sa bunton ng lupang ito," ang paliwanag ng bata sa raha.
Ipinag-utos ng raha na hukayin ang bunton ng lupa. At sa ilalim ng lupa, natagpuan nilang nakabaon
ang isang magandang tronong tila plataporma. Nababalutan iyon ng mga alahas at sinusuportahan ng
magagandang inukit na mga pigura ng tatlumpu't dalawang anghel.

Agad umakyat sa kinaroroonan ng trono ang raha upang maupo, Inaakala niya kasing sa pag-upo rito
ay magiging matalino rin siya sa pagpapasiya at makilala ng buong mundo ang kanyang katalinuhan
ngunit bago pa siya makaupo ay may narinig siyang tinig. Isa sa mga nililok na pigura ang nagsalita:
"Hinto," sabi niyon. Ang tronong ito'y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito,
ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at karunungan. Makinig ka at sasabihin namin sa iyo
kung gaano siya kadakila."
Pagkatapos, isa-isang nagkuwento ang tatlumpu't dalawang anghel tungkol sa katalinuhan at
kagitingan ni Raha Vikramaditya. At nang ang huling istorya ay maikuwento, binuhat ng mga anghel
ang trono, pataas nang pataas sa kalawakan at lumipad siláng kasáma niyon sa malayo, malayong-
malayo. Naiwan ang raha na nag-iisip na hindi niya pa taglay ang mga katangiang magbibigay sa
kanya ng karangalang umupo sa trono.

You might also like