Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono
(Simhasana Battisi) Alamat mula sa India
May isang binatang kasama ang kanyang ina na may-ari ng maliit na dampa at kapirasong lupang tinatamnan ng gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, na magkaroon ng asawa, nangutang siya sa kanilang kamag-anak at kaibigan. Natuloy
ang kasal dahil sa limpak-limpak na pera na ibinigay sa kanila. Ang kanyang
asawa ay nagngangalang Mela.
Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa mga shakchunni
o mga espiritung na may hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi ang mag-asawa at umalis ang lalaki sa kanilang tirahan para magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu na narinig ang pag-uusap ng mag- asawa ang nagpalit-anyo para maging asawa ni Mela pagkatapos umalis ang kanyang asawa. Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho sa lungsod. Noong pag-uwi niya sa kanilang tirahan, nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha niya. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa raha para mairesolba ang kaso ngunit hindi din nairesolba ang kaso. Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nakita siya ng isang bata at tinanong kung bakit siya malungkot. Pagkatapos niya ito sagutin, sinamahan siya sa isang batang nakaupo sa bunton ng lupa. Kwinento ng totoong Brahman ang pangyayari at sinabi ng bata na papuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang raha para makita kung paano maireresolba ang kaso. May isang pagsubok ang pinagawa ang Bata sa kanilang dalawa. Ang unang makapasok sa garapon ang siyang panalo. Katuwiran ng totoong Brahman na paano siya magkakasiya diyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo bilang hangin at pumasok sa garapon, dali- dali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang espiritu.
Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang batang
nakaupo sa bunton ng lupa, kung paano niya ito nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang nadiskubre habang sila ay nagpapastol at nalaman nila ang lupa ay nagbibigay ng pambihirang katalinuhan sa sinumang umupo rito. Pinag-utos ng raha ang pagbungkal ng lupa para makita kung ano ang laman ng bunton ng lupa. Nakita ng raha ang isang trono na may tatlumput- dalawang anghel sa paligid nito. Sabi ng mga anghel na ang trono ay pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay binuhat ng mga anghel ang trono papalayo nang papalayo sa raha hanggang napaisip na lang ang raha na hindi niya taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na katapatan, pagiging patas, at walang kinikilingan. Halaw mula sa https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-ang-pinagmulan-ng-tatlumput- dalawang-kuwento-ng-trono