You are on page 1of 16

ANG PINAGMULAN NG

TATLUMPUT
DALAWANG
KUWENTO NG TRONO
(SIMHASANA
BATTISI)
NILAY-KARUNUNGAN:
Ang mabuting pinuno ay isang handog.
Kabutihan, katapatan, at kadakilaan ay
lubos
Sadyang malaking biyaya sa bayan ng
Diyos
INDIA
CASTE SYSTEM
PAGBASA NG
ALAMAT:
BUOD NG ALAMAT:
May isang binatang kasama ang kanyang ina na may-ari
ng maliit na dampa at kapirasong lupang tinatamnan ng
gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, na
magkaroon ng asawa, nangutang siya sa kanilang
kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasal dahil sa
limpak-limpak na pera na ibinigay sa kanila. Ang kanyang
asawa ay nangangalang Mela.
BUOD NG ALAMAT:
Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa mga
shakchunni o mga espiritung na may hangad na
magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi ang
mag-asawa at umalis ang binata sa kanilang tirahan para
magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu na narinig ang
pag-uusap ng mag-asawa ang nagpalit-anyo para maging
asawa ni Mela pagkatapos umalis ang kanyang asawa.
BUOD NG ALAMAT:
Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho
sa lungsod. Noong pag-uwi niya sa kanilang tirahan,
nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha
niya. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman
kung sino ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa
raha para mairesolba ang kaso ngunit hindi din
nairesolba ang kaso.
BUOD NG ALAMAT:
Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nakita siya
ng isang bata at tinanong kung bakit siya malungkot.
Pagkatapos niya ito sagutin, sinamahan siya sa isang
batang nakaupo sa bunton ng lupa. Kwinento ng totoong
Brahman ang pangyayari at sinabi ng bata na papuntahin
ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang
raha para makita kung paano maireresolba ang kaso.
BUOD NG ALAMAT:
May isang pagsubok ang pinagawa ang Bata sa kanilang
dalawa. Ang unang makapasok sa garapon ang siyang
panalo. Katwiran ng totoong Brahman na paano siya
magkakasiya diyan habang ang impostor ng Brahman ay
nagpalit-anyo bilang hangin at pumasok sa garapon, dali-
dali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang
espiritu.
BUOD NG ALAMAT:
Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang
batang nakaupo sa bunton ng lupa, kung paano niya ito
nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang
nadiskubre habang sila ay nagpapastol at nalaman nila ang
lupa ay nagbibigay ng pambihirang katalinuhan sa
sinumang umupo rito. Pinautos ng raha ang pagbungkal ng
lupa para makita kung ano ang laman ng bunton ng lupa.
BUOD NG ALAMAT:
Nakita ng raha ang isang trono na may tatlumput-dalawang
anghel sa paligid nito. Sabi ng mga anghel na ang trono ay
pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay
binuhat ng mga anghel ang trono papalayo nang papalayo
sa raha hanggang napaisip nalang ang raha na hindi niya
taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na
katapatan, pagiging patas, at walang kinikilingan.
MGA KATANUNGAN:
Bakit kinailangang umalis ng binatang
Brahman sa kanilang bayan?
Makatwiran ba ang kanyang paglisan?
Ipaliwanag.
MGA KATANUNGAN:
Ano ang naging pagkukulang ng tunay
na Brahman kaya hindi man lang
nagduda ang kanyang ina at kanyang
asawa na hindi ang tunay na Brahman
ang kanilang kasama sa bahay?
MGA KATANUNGAN:
Sino ang nakatulong mairesolba ang
kaso ng binata? Isalaysay ang
pangyayari.
MGA KATANUNGAN:
Paano napatunayan sa akdang ito na
ang katotohanan ay hindi maitatago at
lagi itong maisisiwalat sa bandang huli?
Ipaliwanag.

You might also like