You are on page 1of 1

Panitikan: ALAMAT NG BUNDOK KANLAON NG NEGROS

OCCIDENTAL
ALAMAT – isang uri ng panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay
A ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Ang salitang
alamat ay panumbas sa salitang “legend” ng Ingles.
R
A ALAMAT NG BUNDOK KANLAON (NEGROS OCCIDENTAL)
Natatangi sa Negros ang baranggay ni Datu Ramilon dahil sa kaniyang kahanga-hangang katapangan at kabaitan.
L Dagdag pa sa pagiging bantog ng datu ang pagkakaroon ng napakagandang anak na nagngangalang Kang.
I Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa kaniyang anak dahil sa siya ay maunawain at
mapagmahal na ama. Madalas nga niyang sinasabing “Ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay hindi ko tututulan.
N lgagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang kaniyang kaliligaya."
2.2 Sa dinami-dami ng mangingibig ni Kang, ang nagkapalad ay si Laon na anak ng isang raha sa kalapit nilang baranggay.
Isang ang araw, naglakas-loob ang magkasintahang magtapat.
"Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu Ramilon.
"Magsalita ka, binata," tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?"
"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni Kang." pagtatapat ni Laon.
"Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon, "Humanda kayo at idaraos natin ang inyong kasal sa kabilugan ng
buwan."
Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapag- kainan sa masasarap na pagkain bilang pagsalubong
sa pagtataling-puso nina Kang at Laon.
Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig ang malakas na tinig ng isang kawal. "Mahal na
Datu Ramilon! Mahal na Datu Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni Datu Sabunan!"
Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang. Nagpasiya itong lumusob sa baranggay ni Datu
Ramilon sapagkat nabalitaan nitong ikakasal sina Kang at Laon. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na harapin ng kaniyang mga
kawal ang kalaban. Naganap ang madugong labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni Datu Ramilon kabilang
sina Kang at Laon.
Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang bangkay na magkayakap. Di nagtagal ay may
lumitaw na munting burol sa namatayan ng magkasintahan.
"Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi ng isang kawal.
"Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito," ayon kausap.
Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok. Tinawag ito ng mga tao na bundok nina Kang at Laon
subalit sa paglipas ng panahon, ito ay kinilalang bundok ng Kanlaon.

BANGHAY NG ALAMAT NG KANLAON

PATAAS NA PANGYAYARI- Sumugod si Datu Sabunan sa lugar nina Datu Ramilon sa gitna ng kasalan.
PABABANG PANGYAYARI- May nakitang umusbong na burol sa pinaglibingan nina Kang at Laon kung saan natagpuan silang magkayakap.
PANIMULA- Humarap si Laon kay Datu Ramilon at ipinagtapat niya ang pag-iibigan nila ni Kang.
KASUKDULAN- Namatay ang nag-iibigang Kang at Laon dahil sa naganap na labanan.
WAKAS- Di nagtagal ay tinawag na Alamat ng Bundok Kanlaon ang burol na naging bundok.

PANG-URING PAHAMBING
tinatawag na pang-uring pahambing ang pang-uring naglalarawan o nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay, lugar o pangyayari. May
mga pahayag na ginagamit sa paghahambing gaya ng sumusunod:

1. hambingang magkatulad - Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o timbang. Naipakikita
ito sa pamamagitan ng paggamit ng:
a) salitang kapwa at pareho
b)mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, at ga, gaigya. Mga Halimbawa: singhusay, kasingganda, magsintaas,
magkasingyaman, gamunggo

2. hambingang di-magkatulad - Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di- pareho o di-patas. Ang
hambingang di-magkatulad ay maaaring palamango pasahol.
a) Hambingang palamang - Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang itinutulad sa pinagtutularan, nakikilala ito sa pamamagitan ng:
Mga Halimbawa: matalino kaysa, mas listo kaysa, malaki-laki kaysa
b) Hambingang pasahol - Malit, alangan, mababa ang uri ng inihahambing sa pinaghahambingan. Naipakikita ito sa pamamagitan ng
paggamit ng sumusunod: di-gasino, di-gaano, di-totoo, di-lubha at alinman sa mga katuwang na ito: gaya, tulad, paris, para. Mga Halimbawa:
di-gaanong malaki gaya, di-lubhang palakibo tulad, di-totoong tanyag paris, di-gasinong makisig gaya.

You might also like