“Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono”
(Simhasana Battisi)Isang Alamat mula sa India
May isang binatang kasama ang kanyang ina na may-ari ng maliit na dampa atkapirasong lupang tinatamnan ng gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, namagkaroon ng asawa, nangutang siya sa kanilang kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasaldahil sa limpak-limpak na pera na ibinigay sa kanila. Ang kanyang asawa ay nangangalangMela.Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa mga shakchunni o mga espiritu namay hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi ang mag-asawa at umalisang binata sa kanilang tirahan para magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu na narinig angpag-uusap ng mag-asawa ang nagpalit-anyo para maging asawa ni Mela pagkatapos umalisang kanyang asawa.Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho sa lungsod. Noong pag-uwi niyasa kanilang tirahan, nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha niya. Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa rahapara mairesolba ang kaso ngunit hindi rin nairesolba ang kaso.Habang papauwi na siya mula sa korte ng raha, nakita siya ng isang bata at tinanongkung bakit siya malungkot. Pagkatapos niya ito sagutin, sinamahan siya sa isang batangnakaupo sa bunton ng lupa. Kinuwento ng totoong Brahman ang pangyayari at sinabi ng bata na papuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang raha para makitakung paano maireresolba ang kaso.May isang pagsubok ang pinagawa ng bata sa kanilang dalawa. Ang unang makapasoksa garapon ang siyang panalo. Katuwiran ng totoong Brahman na paano siya magkakasiyariyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo bilang hangin at pumasok sagarapon, dalidali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang espiritu.Namangha ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang batang nakaupo sa bunton nglupa, kung paano niya ito nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang nadiskubrehabang sila ay nagpapastol at nalaman nila na ang lupa ay nagbibigay ng pambihirangkatalinuhan sa sinumang umupo rito. Pinautos ng raha ang pagbungkal ng lupa para makitakung ano ang laman ng bunton ng lupa.Nakita ng raha ang isang trono na may tatlumpu’t dalawang anghel sa paligid nito. Sabing mga anghel na ang trono ay pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli aybinuhat ng mga anghel ang trono papalayo nang papalayo sa raha hanggang napaisip nalangang raha na hindi niya taglay ang mga katangian tulad ng kabutihan, lubos na katapatan,pagiging patas, at walang kinikilingan