You are on page 1of 2

27-28

Sa pagsisimula ng kanilang kasal, hindi nakakalimutan ni Arini ang mga gawaing bahay. Ibinigay niya ang
lahat at madalas siyang napapagod. Para sa kanya, ito ay sapat na upang ipakita sa kanya na siya ay isang
mabuting asawa.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kayang guluhin ang mapayapang ina sa ganitong
balita.
Marahil ay maaari niyang hilingin sa mga guro ng kanilang pananampalataya na tulungan siya na
malampasan ito.

Naisip ni Arini na makakapagpatuloy siya sa desisyon ni Pras na magkaroon ng ibang asawa. Kung
tutuusin, hindi naman ito ipinagbabawal sa Islam.
Pero paano niya natitiis na basagin ang puso niya?

Kabanata 15
“Arini may kailangan akong sabihin sa iyo.”

Halos dalawang oras nang naghihintay si Arini ngunit pinuntahan ni Pras ang mga bata at nakipaglaro sa
kanila buong gabi.
Pagkatapos ay humiga na sila at binasahan ni Arini ang mga bata ng kuwento ni Muhammad dahil siya
mismo ay nangangailangan ng lakas ng loob.

Walang ideya si Arini kung ano ang sasabihin ni Pras. Dahil dito ay nagkakaroon siya ng Writer’s Block.
Gaya ng buhay niya. Nawala na ang kanyang sarili at ang lakas ng loob na harapin ang katotohanan.

“Totoo, Arini. Nagpakasal na ako sa iba. Dahil takot silang mawalan…”

Napatingin si Arini na may kalituhan sa mukha.

“Mahirap ipaliwanag kung bakit ako nagpakasal sa ibang babae.”

“Dahil ba hindi mo na mahal ang una mong asawa?”

“Mahal ko parin ang una kong asawa. Sobra!”, Agad na sinabe ni Pras.

“Sino ang mas mahal mo?”

“Ang una kong asawa, syempre.”

“Pero bakit ka nagpakasal sa ibang babae?”

“Rin, wala na akong planong magkaroon ng higit sa isang asawa. Nangyari na lang…”
Hindi naniniwala si Arini na ito ay bigla na lamang nangyari. Ang mga gantong bagay ay nangyayari
lamang sa isang fairy tale. Ang paglitaw ng mga fairy, mga kalabasang nagiging gintong karwahe, bubwit
na ginawang nagmamartsang kabayo, at ang basahang damit ni Cinderella ay nagging isang ballroom
gown.

Ang buhay ay hindi nga isang fairy tale na puno ng mga himala at masasayang mga sandal. Ngayon ay
nabukas na ang kaniyang mata sa mapait na katotohanan ng buhay.

You might also like