You are on page 1of 4

ARALIN 3: “Bantugan” (Epiko)

MGA KASANAYAN

1. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


a. Paghihiuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
b. Dating kaalaman kaugnay sa binasa.
2. Nagagamit ang iba’t ibang Teknik sa pagpapalawak ng paksa:
a. Paghahawig o pagtutulad
b. Pagbibigay depinisyon
c. Pagsusuri
3. Naisusulat ang talatang:
a. Binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
b. Nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
c. Nagpapakita ng simula, gitna, wakas
4. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari ( dahil, sapagkat, kaya,
bunga nito, iba)

PAUNANG SALITA

Ang aralin 3 ay inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga paksa tulad na
lamang ng epiko, pagtatalata, at sanhi at bunga. Sa pamamagitan ng kagamitang pagkatutong ito ay
mapaunlad ang iba’t ibang kasanayan na mga mag-aaral gaya na lamang ang pag-unawa sa mga
pangyayari sa epiko at matatalinghagang salita.
Ano nga ba ang EPIKO?

Tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao laban sa mga kaaway. Ito ay


nagtataglay ng mahihiwaga at kagila-gilalas o di-kapani-paniwalng pangyayari.

Halina’t ating alamin ang pangyayari sa epikong “ Bantugan”.

BUOD:

MGA TAUHAN:

 Bantugan- pangunahing tauhan ng epiko na may kakaibang angking lakas.


 Prinsipe Madali- nakakatandang kapatid ni Bantugan na nakaramdam ng inggit sa kanya.
 Prinsipe Datimbang- prinsesang nakakita kay Bantugan na patay sa Kaharian ng Lupaing nasa
Pagitan ng Dalawang Dagat
 Haring Miskoyaw- dating kaaway ni Haring Madali
 Loro- nagbalita kay Haring Madali na patay na si Bantugan

SIMULA:

Sa isang kaharian sa Mindanao ( Bumbaran), may dalawng mmagkapatif na sina Prinsipe


Madali at Prinsipe Bantugan, ngunit sa dalawa, si Prinsipe ang hinahangaan ng lahat.

TUNGGALIAN:

Nung hinirang na bagong hari si Prinsipe Madali ay marami ang nagalit dahil si Prinsipe
Bantugan ang karapatdapat kaya napagdesisyunan ni Haring Madali na paparusahan kung sinuman
ang lalapit kay Bantugan.

KASUKDULAN:

Natagpuang nabawian ng buhay si Bantugan sa kaharian ng Lupain sa pagitan ng Dalawang


Dagat. Nung nalaman ito ni Haring Madali ay nalungkot ito at agad siyang pumunta sa langit para
bawiin ang kaluluwa ni Bantugan.

KAKALASAN:

Sumugod si Haring Miskoyaw sa kahariang Bumbaran nung nabalitaan niyang patay na si


Bantugan, ngunit kasabay naman nito ang muling pagkabuhay ni Bantugan.

WAKAS:

Natalo nina Bantugan sina Haring Miskoyaw, kaya nagbunyi ang lahat ng tao sa kahariang
Bumbaran. Naging masaya ang dalwang magkapatid at pinakasalan ni Bantugan ang lahat ng mga
prinsesang kanyang nagging katipan.
ATING ALAMIN

TALATA

Isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas,


may layunin at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring
lantado o di lantad.

A. PANIMULA- ito ay nasa unahan ng komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na nais talakayin
ng manunulat kung ano ang kanyang ipinaliliwanag.
B. GITNANG TALATA/ TALATANG GANAP- nasa gitnang bahagi ng komposisyon. Ito ay may
tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa.
C. WAKAS O TALATANG PABUOD- kadalasang pangwakas ng komposisyon. Dito nakasaad ang
mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata.

TEKNIK SA PAGPAPALAWAK NG TALATA:

A. PAGBIBIGAY-KATUTURAN O DEPINISYON- ginagamit ito upang ipaliwanag ang isang


termino o kaisipan upang higit na maunawaan.
B. PAGHAHAWIG AT PAGTATAMBIS- ginagamit ito upang matukoy ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng dalawang bagay.
C. PAGSUSURI- ginagamit ito upang iplaiwanag hindi lamang ang kabuoan nito pati na rin ang
bawat bahagi nito. Halimbawa na lamang ang isang kuwento na kung iniisa-isa ang bawat
element nito tulad ng tauhan, tagpuan at eksena.

MGA HUDYAT NG SANHI AT BUNGA

Ginagamit ang pagpapahayag ng sanhi at bunga upang maging malinaw, mabisa at lohikal na
pagpapahayag.

HUDYAT NA NAGPAPAHAYAG NG SANHI O DAHILAN

MGA PALATANDAAN:

 SAPAGKAT/PAGKAT…….
 DAHIL/DAHILAN SA…….
 PALIBHASA/AT KASI……
 NAGING……

HALIMBAWA:

 Nakapasa si Jane sa pasulit sapagkat siya ay nag-aral nang mabuti.

TANDAAN: ang sinalungguhitan ay pariralang nagpapahayag ng sanhi at ito ay pinangungunahan ng


hudyat na “sapagkat”. Ibig sabihin lamang nito ang “nakapasa si Jane sa pasulit” ang BUNGA at
“sapagkat siya ay nag-aaral nang mabuti” ay ang SANHI.

HUDYAT NA NAGPAPAHAYAG NG BUNGA O RESULTA

MGA PALATANDAAN:
 KAYA/KAYA NAMAN….
 KUNG KAYA…..
 BUNGA NITO….
 TULOY……

HALIMBAWA:

 Si Jane ay nag-aral nang mabuti kaya siya ay nakapasa sa pasulit.

TANDAAN: Ang sinalungguhitan ay pariralang nagpapahayag ng bunga at ito ay pinangungunahan ng


hudyat na “kaya”. Ibig sabihin lamang nito ang “ Si Jane ay nag-aral nang mabuti” ang SANHI at “
kaya siya ay nakapasa sa pasulit ay ang BUNGA.

KAYA MO YAN!

PANUTO: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot
sa patlang.

Talata Haring Madali Epiko Gitnang Talata Loro


Panimula Haring Miskoyaw Paghahawig at Pagtatambis Prinsesa Datimbang

1.
2.

You might also like