You are on page 1of 1

MABILOG ES Adaptive Delivery of Learning System Bringing User Friendly Childrens Learning Kit Every week Timely

MABILOAD BUCKET
MODULAR DISTANCE LEARNING
1: SUMUNOD SA ITINAKDANG ORAS
Ang magulang o tagapangalaga ng mag-aaral ay kailangang sumunod sa
itinakdang oras ng guro sa pagkuha ng learning bucket sa bawat baitang upang
maiwasan ang pagdami ng tao sa mga silid-aralan.

2: SUMUNOD SA MGA PATAKARANG PANGKALUSUGAN


Sa pagpasok sa paaralan, sundin ang mga sumusunod na patakarang pangkalusugan :
magsuot ng face shield /face mask (no mask, no entry)
mag-sanitasyon (mag-spray ng alcohol sa kamay)
magpasuri ng temperatura
panatilihin ang 1 metrong layo ng bawat isa
sundin ang mga palatandaan o mga babala

3: KUNIN ANG MABILOAD BUCKET


Ang pagkuha ng MABILOAD Bucket ay tuwing Lunes mula sa kanyang gurong
tagapayo. Ang bawat bucket ay may lamang:
Sa mga mag-aaral na walang smart phone:
Learners Materials Envelop (modules, self learning kit, study notebook),
Learners Portfolio at Learners Weekly Schedule
Sa mga mag-aaral na may smart phones
Mga Digital Print na pwedeng ipasa sa pamamagitan ng ShareIt o bluetooth na
magsisilbing Learners Materials, Learners Portfolio Envelop and Learners
Weekly Schedule

4: SASAGUTIN NG MAG-AARAL ANG MGA


MODULE
Ang walong asignatura ay hinati sa dalawang pangkat
Set A - Math, English, AP, MAPEH.
Set B - Filipino, Science , EPP , ESP.
Ang mga ibibigay na module sa bawat asignatura sa bawat linggo ay angkop na sa
pandalawahang linggo.
Hinihikayat po ang mga magulang na gabayin ang mga bata sa kanilang mga aralin subalit
hayaan po silang sumagot sa mga pagsasanay o pagsusulit.
Kung mayroong mga katanungan o kinakailangang paglilinaw sa mga aralin, maaaring
tawagan ang guro sa telepono, o magpadala ng mensahe sa Messenger o Facebook. Ang
mga teleponong pwedeng tawagan ay nakasulat sa Learners Weekly Schedule

5: IBALIK ANG BUCKET


Ibabalik ng magulang o tagapangalaga ng mag-aaral ang bucket sa guro sa
araw ng Biyernes sa itinakdang oras sa bawat baitang. Siguraduhin lamang na
sumunod sa mga patakarang pangkalusugan na nabanggit sa Hakbang 2.
Ang bucket ay isasailam sa disinfection (sa tulong ng BLGU) upang maging ligtas
ang mga ito at handa na muling gamitin sa susunod na linggo.

Iwawasto ng guro ang mga pagsasanay na sinagutan ng mag-aaral sa kanyang Study


Notebooks at susuriin kung ito ay naaayon sa kanyang Learners' Progress Tracker Notebook

You might also like